Azriel’s POV Hindi ko makayanan ang presyur sa loob ng kwartong ito. Alam kong masamang pakinggan na pinaghihinalaan ko si Jing na siyang kaibigan namin, ngunit hindi ko maiwasang pag-isipan ito ng masama. O baka naman ay masyado akong nadala ng mga pangyayari. Kung tutuusin ay walang basehan ang paghihinala ko rito ngunit malakas ang kutob ko na pinadala siya ni Master Raizel o ng kung sino man upang matyagan kami. Base sa mga ikinikilos niya nitong mga nakaraang araw ay mas naging mapagmatyag na siya. Bukod pa doon ay nagkaroon siya ng interes na pag-usapan ang tungkol sa ama ni Alette. Hindi ko alam kung nahalata na rin ni Alette ang pagiging mausisa nito. Habang inaantay si nana na dumating ay naisipan ko munang lumabas para kumuha ng tubig. Nakita ko pa si Jing na lumingon sa a

