Third Person's PoV Nanginginig na napatakbo si Alette papasok sa kwarto nito. Mabuti na lamang at wala itong nagawang anumang ingay matapos nitong masagi ang isang paso sa tabi ng pintuan. Napatulala nag dalaga habang hingal na hingal na nakasandal sa pader. Halos hindi nito lubusang maisip kung ano at bakit niya narinig ang mga ito. Kung tutuusin ay handa siyang talikuran ang mga kaibigan niya dahil sa lubusang pagtitiwala sa lalaking ito. Ilang buwan pa lamang noong makilala niya sina Azriel kaya naman di hamak na mas matimbang para sa kanya si Thye kaysa sa mga ito. Dahil sa pagkagulat ay tahimik na lamang na napaluha ang dalaga habang nakalagay ang mga kamay sa bibig upang maiwasang makagawa ng anumang ingay. "Mabuti naman" "Paano naman si Alette, Kren? Ano ang gagawin ko sa ka

