Alette's PoV Nakayuko lamang ako habang nasa harap ng bintana. Hindi ko na alam ang iisipin ko. Matapos kong makita ang sitwasyon nina Azriel kanina ay nakaramdam agad ako ng awa sa kanila. Bukod pa rito ay naroon rin si Rini na sa tingin ko ay wala naman dapat. Alam kong nadamay lamang ito kaya gusto ko sana silang iligtas ngunit nagulat na lamang ako nang biglang pumasok ang isang lalaki. Flashback: "A-anong ibig sabihin nito??" hindi makapaniwalang tanong ko saka desperadang tumingin kay Thye. Nakayuko lamang ito at bahagyang umiling. Muli kong ibinalik ang paningin kina Azriel na ngayon ay matalim ang tingin sa katabi ko. Pare parehong nakatali ang mga kamay nila at may takip ang mga bibig kaya naman hindi nila magawang makapagsalita. Pilit naman kumakawala si Vera sa kanyang u

