Alette's PoV Nanatili akong nakaupo sa isang upuan malapit sa pinto. Simula noong nalaman ni Azriel ang nangyari sa kaibigan niya ay nanatili lamang siyang mag-isa. Kung minsan ay pasimple ko itong sinasamahan ngunit mukhang wala talaga siya sa mood para makipag-usap. Habang si Rini naman ay nangangalap ng balita sa labas. Maski isa sa amin ay walang lumabas ng bahay na ito maliban lamang kay. Rini. Bukod kasi sa hindi ito kilala sa lugar na ito ay may hawak rin siyang identity bilang isang principal. Habang naghihintay sa kanyang pagbabalik ay nanatili muna ako rito malapit sa pinto. Maya maya ay biglang lumapit sa akin si Vera. "Malalim ata ang iniisip mo?" tanong nito. Napairap ako. Psh! Wag nga siyang feeling close, baka akala niya nakakalimutan ko na ang nangyari kagabi. G

