Rini's PoV "Rini, maaari ko bang malaman kung ano nang nangyari kay Jing?" tanong ni Alette. Gulat akong napatingin sa kanya. Hindi ko akalain na tatanungin niya ako tungkol rito. "Si Master Raiz-" "Jing...tawagin mo siyang Jing... pakiusap" mahinang saad niya. Agad akong napaharap sa kanya matapos niyang putulin ang sinasabi ko. Nakayuko lamang ito at mukhang tinitimbang ang emosyon. Maya maya pa ay muli itong humarap sa akin. Nag-aalangan naman akong napatingin sa kanya. "Kasalukuyang... nagpapahinga si Jing sa isang lugar at...at ayon sa nga balitang nasagap ko, hindi naman seryoso ang mga natamo nitong sugat kaya hindi rin katagalan ay gagaling na rin siya agad," saad ko. Napangiti ito. "Mabuti naman...akala ko ay may nangyaring masama sa kanya," nakangiting saad ko. Ha?

