Panaginip pa rin ba ito?
Hindi. Kahit pa hindi na niya kurutin ang sarili niya, alam niyang hindi ito isang panaginip. Totoo ngang nasa loob ng convenience store ngayon ang lalaking humalik sa kaniya sa panaginip niya kagabi.
Ang postura nito, ang tangkad, maging ang estilo ng buhok, kaparehong-kapareho ng nasa panaginip niya. Ang kaibahan lamang ay ang suot nito ngayon. Nakasuot ito ng kulay itim na business suit.
At talaga namang hindi siya makapaniwala roon. Parang mababaliw siya sa katotohanang totoong tao ito!
Dire-diretsong nagpunta ang lalaki sa freezer at kumuha ng dalawang pirasong ice cream. Pagkatapos ay ipinatong iyon ng lalaki sa counter sa tapat lamang niya. Dinukot nito ang kulay itim din nitong leather na wallet at kumuha ng pera doon. Hindi naman niya maialis ang tingin dito. Tila bawat galaw nito, tinititigan niya. That's how much starstrucked she is.
Para siyang nakakita ng multo. And looking at him right now, napagtanto niya na mukhang mas matanda ito sa kaniya. At least five years? No. Baka mas matanda pa. Baka nga anim hanggang walong taon pa. She is twenty-two right now, kaya baka mga nasa pagitan ng dalawampu't walo hanggang tatlumpu ang edad nito.
No wonder he is in a formal business suit. Mukhang sa opisina ito nagtratrabaho. Ngunit bakit ganoon? Sa tinagal-tagal naman niya sa area na ito, hindi pa niya ito nakita.
Bagong lipat ba ito? Tanong niya sa sarili. Teka, may malapit bang apartment dito? Hindi niya maalala. Kahit naman kasi matagal na siya sa lugar na ito, hindi naman siya gala. Ni hindi pa nga niya iyon nalibot. Eskwela, convenience store, uwi. Iyon lamang ang buhay niya. Wala ng dapat siya sa convenience store na iyon ngayon dahil weekends lang talaga ang trabaho niya. Pero dahil nga short pa sila sa staff, kahit weekdays ay nagdu-duty na siya kahit half day lamang. Basta't ang alam niya, karamihan sa mga nakatira sa lugar na ito ay may edad na. Ang iba pa nga ay mga lolo at lola na ang kasama sa bahay ay mga apo nila.
"Hoy, 'nakshi. Ano ka na?" Napapitlag siya nang bahagyang bungguin ni Mami Dan ang bewang niya gamit ang bewang nito. "Natuod ka na riyan? Ano? Guwapong-guwapo?" Bulong pa nito na may halong panunudyo.
"Aren't you going to punch this in?" Kunot ang noo na tanong ng lalaki.
Doon niya napagtanto na nakatingin na pala sa kaniya ang lalaki at ang kamay nito ay may isang kulay dilaw na perang papel.
"Uh, I will, Sir," sagot naman niya at nagmamadali itong inasikaso. Ini-scan niya ang produktong binibili nito at sinabi rito ang sumatotal na presyo ng mga iyon. Inabot niya ang perang papel. "I received five hundred pesos."
"Huwag mo nang balutin," kinuha nito ang isang ice cream, inalis ang balat niyon at saka sinimulang kainin.
Kumunot ang kaniyang noo nang tumalikod na ito at akmang aalis na.
"Sir? Saglit lang ho?" Pagtawag niya. "Itong isa pa ho ninyong ice cream, tsaka iyong sukli."
Napatigil naman ito at lumingon sa kaniya. Ang kamay nito ay nasa handle na ng pinto.
"The ice cream's for you. Mukhang mas kailangan mo iyan kaysa kailangan ko. And keep the change," kaswal na sabi nito bago tuluyang lumabas mula sa convenience store.
"Pero, Sir—" Naiwan na lamang ang kamay niyang may hawak ng sukli sa ere.
"Aba'y yayamanin ang Fafa mo. Hindi kailangan ng sukli," bulong sa kaniya ni Mami Dan. "Binigyan ka pa ng ice cream. Tulaley ka daw kasi. Ano, bruha? Tulaley sa kagwapuhan ng customer?"
"Hindi po, Mami Dan ah," agad na depensa niya sa sarili. Sunud-sunod ang naging pag-iling niya. "Bago lang ho kasi sa paningin ko. Ngayon lang ako nakakita ng naka-suit and tie at mukhang office worker dito sa area natin. Alam niyo naman, puro may mga edad at mga high school students ang nakatira dito sa lugar natin."
"Ay sus," panunudyo pa rin nito. "Oo na, sige na. Naniniwala na ako," sabi nito kahit halata naman sa mukha nito na hindi ito naniniwala. "Pero may point ka rin, ano? Sa tinatagal-tagal ko rito ay ngayon lang din ako nakakita ng office worker sa lugar na ito."
"Kaya nga po e," maiksing sagot niya.
Kinuha niya ang ice cream na nakapatong sa counter. Rocky road, ang paborito niyang flavor. Muli siyang napatingin sa pintuan ng convenience store. Tuluyan nang nawala sa labas ang guwapong lalaki.
"Ang guwapo niya, ano? Parang prince charming na binihisan ng pang opisina."
Muntik na siyang mabulunan sa sinabi ng kaniyang amo. Paano'y pumasok na naman sa utak niya ang eksena ng halikan sa kaniyang panaginip.
"Opo, guwapo ho," aniya.
"Naku, mabuti na lang talaga at loyal ako sa Mama She mo," natatawa ang kaniyang amo. "I-consider mo na lang na tip niya iyang sukli. Itabi mo. Malaki-laki rin iyan. Dito muna ako sa loob, kapag may problema, tawagin mo kaagad ako," sabi ni Mami Dan bago pumasok sa may staff room.
"Sige po, Mami Dan."
Baka balikan ito ng lalaki. Ibinulsa niya ang sukli na hindi tinanggap ng kakaalis lamang na lalaki. Itatabi na lamang nga niya iyon. Binalatan niya ang ice cream at sinimulang kainin iyon. Wala sa sariling napangiti siya.
That man... has such a nice voice.
MABILIS NA lumipas ang mga oras. Ilang customer pa ang pumasok at bumili sa convenience store. Ngunit pagsagpit ng alas dose ng hatinggabi ay unti-unti nang nawala ang mga iyon.
Ginamit ni Mayhem ang mga libreng oras na iyon upang magtipa sa laptop na ipinahiram sa kaniya ni Mami Dan, upang tapusin ang pagrerebisa sa final thesis output niya. Pasahan na kasi niyon sa darating na Biyernes. The prototype of her project's already finished. Matagal na kasi niya iyong inasikaso upang hindi siya magahol. Iyon nga lamang, malaki-laki talaga ang nagastos niya roon dahil wala sa mga kaklase niya ang isinama siya sa limahan sanang grupo.
Kapag na-ipresenta na niya iyon, at na-approve sa mga panel, talagang may kasiguraduhan na ang pag-graduate niya.
Napatingin siya sa oras sa screen ng laptop. Saktong alas tres na ng madaling araw. Mabuti na lamang at isa lamang ang subject niya bukas at sa hapon pa ang klase. She still have plenty of time to go home to the car graveyard after her shift and have enough rest.
Natigilan siya sa pagtitipa nang tumunog ang bell sa itaas ng pinto.
"Welcome po—"
Isasara pa lamang sana niya ang laptop na pinahiram sa kaniya ni Mami Dan nang matigilan siya. Unti-unting namilog ang kaniyang mga mata.
Bukas nga ang pinto ngunit wala namang tao roon. The door is wide open without any customer at all! Too wide to be opened by the wind or anything. And to think na winelcome pa niya iyon!
Agad na gumapang ang kilabot sa buong katawan niya. Ramdam niya ang panlalaki ng kaniyang ulo at ang pagtayo ng mga balahibo sa kaniyang batok. Tapat na tapat pa naman sa pinto ang counter kung saan siya nakatayo. Kaya naman kitang-kita niya ang madilim at walang katau-taong kalsada sa labas. Kita rin niya ang mga puno na mabagal na isinisayaw ng malamig na hangin ng madaling araw.
At para bang may nakatingin sa kaniya mula roon, at nanunuot iyon hanggang sa kaniyang kalamnan. Something... somewhere on those bushes... she could feel a pair of cold eyes looking straight at her.
"Mayhem—"
Napatalon siya sa gulat nang hawakan ng kaniyang amo ang balikat niya. Para bang saglit na tumalon ang puso niya, at napakabilis ng kabog niyon dahil sa kaba. She clutched her chest. Parang sasabog ang puso niya.
"Anong nangyari sa iyo? Bakit gulat na gulat ka? Para kang nakakita ng multo. Ang putla-putla mo ah," komento nito bago napatingin sa direksyon ng pintuan. "O? Bakit bukas ang pinto? May dumating ba na customer?" Tanong nito bago humikab. Nagpaalam kasi ito sa kaniya na iidlip muna ito saglit sa staff room kung nasaan ang sofa.
Sasabihin ba niya sa kaniyang amo na kusang bumukas ang salaming pinto? Ngunit alam niyang matatakutin din ang kaniyang amo. Kapag sinabi niya iyon, paniguradong hahayaan na lamang din nito na nakabukas ang pinto kaysa lumapit doon upang isara iyon.
"Ah, o-opo, Mami Dan. M-may customer kanina-nina lang. Nakalimutang isara iyong pinto," pagsisinungaling niya. Bahagya pa siyang nauutal.
"Hay naku, sayang ang lamig ng aircon," sabi nito bago lumapit sa salaming pinto at isara iyon. "May mga customer talaga na makakalimutin, ano?"
Hindi na siya nakasagot sa sinabi nito. Agad na lamang siyang napahawak sa gilid ng counter. Kailangan niyang suportahan ang kaniyang sarili dahil ramdam na ramdam niya ang panginginig ng kaniyang mga tuhod. Baka bigla na lamang siyang matumba roon.
She saved her thesis documents and turned the laptop off. Wala na siyang gana magtipa dahil sa nangyari. It was like a scene straight from a horror movie. Paniguradong hindi na siya makakapagpokus sa kaiisip.
"Anakshi, ako naman magbabantay. Idlip ka muna bago ka umuwi," sabi ni Mami Dan nang makabalik ito sa tabi niya. "Tapos ka na ba sa laptop? Gagamitin ko saglit. Maypepeysbuk ako para hindi ako masyadong ma-bored."
"S-sige po, Mami Dan. Opo, tapos na po ako," alanganing sagot niya.
"Sige na, idlip ka na," nakangiting sabi ng kaniyang amo bago naupo sa kinauupuan niya kanina at muling binuhay ang laptop. "Gigisingin na lang kita kapag pa-alas sais na. Alas sais ka pa uuwi, hindi ba?"
"O-opo. Salamat, Mami Dan."
Tuluyan naman na niya itong tinalikuran. Ngunit imbes na sa staff room ay sa banyo siya nagmamadaling dumiretso upang umihi. Naihi siya sa takot.
What the hell was that? Nasapo niya ang pumipintig na noo. That literally scared the hell out of her.