SEXTUS SOMNIUM

1400 Words
Mayhem's day went pretty smoothly. Pagkatapos ng katakut-takot na nangyari sa kaniya kaninang madaling araw, pinili niyang magtagal pa sa convenience store ng isang oras at seven o' clock na ng umaga umuwi. Sa convenience store na siya kumain ng umagahan. Dumating kasi si Mama She nang may baon na sinangag at pritong hotdog at itlog. Niyaya siyang kumain ng mga ito kaya sama-sama silang tatlo na nag-umagahan. Nakiligo na rin siya roon bago umalis. Mabuti na nga lamang at hindi na ganoon kasama ang pakiramdam ng Mama She niya. Makakapag-shift na ito at matutulungan nang muli si Mami Dan sa pag-aasikaso sa convenience store. Kaya naman sinabihan siya na Mami Dan na okay lang kahit huwag muna siyang mag-shift ngayong araw, at magpokus na lamang sa klase niya. Sinigurado talaga niyang maliwanag na bago siya umuwi sa car graveyard. Ramdam pa rin kasi niya ang takot hanggang ngayon. May mga tao na rin sa paligid. Sakay ng kaniyang bisikleta at nadaanan niya ang ilang mga matatanda na naglalakad-lakad bilang morning exercise, ilang high school students na bago pa lamang papasok sa eskwela, at ilang nagja-jogging. Pagkauwi niya ay pinakain niya sina Hero at Hope, pinaliguan ang mga ito, at diniligan ang kaniyang mga halaman. Saka niya isinaksak sa charger ang laptop na ipinahiram sa kaniya ni Mami Dan, bago siyang muling umidlip. Nagising siya sa pag-aalarm ng kaniyang cellphone. Bandang katanghalian na iyon. Muli siyang nag-asikaso pagkabangon niya. Kumain siya ng tanghalian, nagsepilyo ng kaniyang ngipin, saka isinuot ang kaniyang uniporme. Kung hindi pa kasi siya mag-aasikaso ay baka mahuli siya sa klase. Masungit pa naman ang propesor niya sa nag-iisang asignatura niya ngayong araw. Alas dos 'y media kasi magsisimula ang klase niya at kailangan pa niyang magbisikleta papuntang unibersidad. Para ngang hindi rin talaga siya nakatulog dahil gising ang diwa niya. Napakababaw ng tulog niya, pabangon-bangon siya makarinig lamang ng kakaunting kaluskos. Tila napakasensitibo at paranoid niya ngayong araw. Lahat na lamang naririnig niya. Walang siyang napanaginipan. Hindi niya nakita ang guwapong lalaking iyon, marahil ay sa kadahilanang puro idlip pa lamang ang nagagawa niya ngayong araw at hindi full-length na pagtulog. Kailan kaya niya uli mapapanaginipan ang lalaking iyon? Natigilan siya sa pagsusuklay sa may harap ng maliit niyang salamin. Hay, ano ka ba naman, Mayhem! Kanti ng kaniyang sariling isip. Tinampal-tampal niya ang nangangainit niyang pisngi. Bakit ba hinihiling niya na makita niyang muli ang lalaking iyon sa kaniyang panaginip? At bakit ang labas ay gustong-gusto niyang managinip uli? Samantalang sa lumipas na taon ay ilang ulit na nga niyang minura ang pananaginip sa kaniyang isip. Ayaw na niyang managinip, dumating na nga siya noon sa puntong ni ayaw na niyang matulog, para lang hindi siya managinip. At ngayong nanaginip siya nang maganda isang beses, kakalimutan na niya ang napakarami pang beses na binangungot siya? She must have becoming crazy, isn't she? Paano kung matulog siya at bumalik na sa madudugong eksena ang mga panaginip niya? Tsk! Tama na nga ito! Masyado na yata niyang nagagamit ang isip niya sa mga walang katuturang bagay. Inilagay na niya ang laptop sa bag niya pati na rin ang ilang niyang libro, saka isinara at isinukbit iyon. "Bye, Hope! Bye, Hero!" Hinalikan at niyakap niya ang mga aso niya. "Dito lang kayo ha? Babalik din ako kaagad pagkatapos ng klase ko." Sumampa si Hope sa kama niya. "Hero, bantayan mo ang kapatid mo ha?" she said as if she's talking to a person, and Hero barked in return. Sa dalawa kasi, si Hope ang mas gala. Lumalabas ito sa ice cream truck at doon dumadaan sa pintuan sa front seat. Hindi kasi niya nila-lock iyon. Bumabalik din naman kaagad ito, pero hindi pa rin niya maiwasan ang mag-alala at baka bigla na lamang mapaano sa gubat nang wala siya. Hindi rin naman niya ito maitali sa leash nito dahil hindi iyon gusto ng mga aso niya. "Kapag nagbait kayo, I'm talking to you, Hope. Kapag nagpakabait kayo habang wala ako, we will take a walk. Punta tayo sa convenience store." *** "MAYHEM." Saglit na natigilan si Mayhem sa paglalagay ng mga libro niya sa kaniyang bag. Iyon ang nagamit nilang material sa katatapos lamang na tatlo at kalahating oras na nag-iisa niyang klase ngayong araw. Nilingon niya ang tumawag sa kaniya. Si Tala iyon, ang pinakamaldita niyang kaklase. Kakaunti lamang ang babae sa kurso nila. Generally, masasabi kasing hindi naman talaga pang babae ang mechanical engineering. Kaya naman bilang lamang sa daliri ang babaeng kumukuha sa kursong iyon. At sa minalas-malas niya, masasabi niyang si Tala ang pinakamakasarili, pinakamanggagamit, at pinakamayabang na tao na nakilala niya. Palibhasa ay nanggaling ito sa may-kayang pamilya. Sa madaling salita, bulok ang ugali nito. Usap-usapan nga ang pagpapagawa nito ng thesis nito sa isa ring mechanical engineering student sa kabilang block. Pinangakuan daw iyon ni Star ng bayad, ngunit sa huli, kinuha ng babae ang manuscript at hindi nagbigay miski isang kusing. Palibhasa'y walang lakas ng loob na lumaban ang inapi nito. "Ano iyon, Tala?" Kunot ang noo na tanong niya. Sa apat na taon nilang magkaklase ay ngayon lamang siya nilapitan nito. "Magkakaroon ng getaway ang buong block pagkatapos ng graduation. Iyong napag-usap ng lahat? Sa akin ibibigay ang bayad," walang paligoy-ligoy na sabi nito. "Ah, hindi ko alam. Kailan napag-usapan iyan? Puwede bang hindi sumama?" Inangatan siya nito ng kilay. "Lagi ka namang walang alam sa nangyayari rito. You were always busy on your world. Tama ngang huwag ka na lang sumama. You are a weirdo anyway." "Ah kasi—" Walang sabi-sabi siya nitong tinalikuran kahit hindi pa siya tapos magsalita. Nagpunta ito sa kumpol ng mga lalaki nilang kaklase at ngumiti at nakipagkuwentuhan sa mga ito na tila ba walang nangyari. Napailing-iling na lamang siya at ipinagpatuloy ang pagliligpit sa gamit niya. Talking about immaturity. Walang pakialam rin na lumabas siya mula sa classroom. She mustn't sweat about people like Tala. Sanay na siya sa mga katulad nito. She had seen worse... She went straight home after that. Saktong alas sais ng hapon siya nakauwi, at papalubog na ang araw. Sinalubong siya ng mga aso niya, at sa simpleng bagay lamang na iyon, tila nawala na kaagad sa isip niya ang sinabi sa kaniya ni Tala kanina. Nagpalit muna siya ng damit, at tulad ng pangako niya sa mga aso niya, naglakad-lakad sila hanggang sa marating nila ang convenience store. Iyon ang kauna-unahang beses na papasok siya roon bilang customer. Naisipan kasi niyang doon na lamang kumain ng hapunan. Magre-ready-to-eat meal na lamang siya dahil wala na rin namang natira sa kanin na sinaing niya kaninang tanghali. "Hope, Hero, dito lang kayo ha? Bibili lang ako ng pagkain natin," aniya sa mga aso na iniwan niyang nakatali sa may mesa sa labas ng convenience store. Saktong pumasok siya sa convenience store ay lumabas naman mula roon ang lalaking nakita niya sa kaniyang panaginip, at ang nagbigay sa kaniya ng ice cream kahapon. Napatigil siya sa paghakbang ngunit nilagpasan lamang siya nito. Napakurap-kurap na lamang siya bago lumapit sa counter. "O? Mayhem, anong ginagawa mo rito? Wala ka namang duty ngayon ah?" May ngiting tanong sa kaniya ni Mama She, na siyang kasalukuyang nakatao sa counter. "Customer ako ngayon, Mama She," nakangiti namang sagot niya bago kumuha ng ready-to-eat meal, at treats para sa kaniyang mga aso, saka bumalik sa counter upang bayaran iyon. "Kasama ko po ang mga aso ko." "Ako na ang mag-iinit nito," kinuha ni Mami Dan ang ready-to-eat meal at inilagay iyon sa microwave oven. "Thank you, Mami Dan," aniya. "Iyong kalalabas lamang na lalaki... ano ang binili niya?" Hindi niya maiwasang itanong. "E di, tulad niyong kahapon," si Mami Dan ang sumagot. "Rocky road flavored ice cream. Heto nga o, nag-iwan uli ng ice cream para sa iyo. Kilala mo ba iyon?" Punung-puno ng kuryosidad na tanong ni Mami Dan. Kumunot ang kaniyang noo. Nagmamadali niyang hinablot ang ice cream at tumakbo palabas upang habulin ang kakaalis lamang na lalaki. "Teka, saglit lang ho—" Natigilan siya at nagpalingon-lingon sa paligid. Hindi na niya mamataan ang lalaki. Nakapagtataka na napakabilis nitong nawala. Saan ito nagpunta? Isang straight lamang naman ang kalsada roon, kaya kung naglalakad lamang ito, dapat ay makikita niya ito. Ngunit hindi. Wala na ito miski saan doon. Humigpit na lamang ang hawak niya sa ice cream. Damang-dama niya ang lamig niyon sa palad niya. Sino ba talaga ang lalaking iyon...?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD