QUARTUS SOMNIUM

1300 Words
Itim at puti. Iyon ang kulay ng buong paligid. Mapa-tao man, mga karwahe, mga puno, at mga bahay sa hindi kalayuan... Kahit ang langit, iyon ang kulay. Hindi alam ni Mayhem kung nasaan siya. Basta't nakatayo lamang siya sa gitna ng kung saan habang nilalagpas-lagpasan ng mga abalang tao at mababagal na karwahe. Nasipat niya ang kaniyang sarili. Ang suot niya ay ang paborito niyang pares ng satín niyang pajamas. Ibang-iba iyon sa kasuotan ng mga palakad-lakad na tao. Mahahaba at malalaki ang suot na gown ng mga babae. Hapit na hapit ang bewang ng mga ito dahil sa suot na corset. Karamihan din sa mga ito ay nakasuot ng laced gloves at may mga headdress. Ang mga lalaki ng frock coat, trousers na ang ilan ay patterned pa, bowties, at sumbrero. Ang ilan ay matataas na kulay itim ang sumbrero at ang iba naman derby hats ang nasa ulo. Para siyang napunta sa Victorian Era. Ang mga bahay sa paligid Queen Anne homes ang estilo ng pagkakagawa. Para siyang nasa gitna ng isang lumang pelikula. Noon lamang din niya napansin na nakayapak pala ang kaniyang mga paa, at dama niya roon ang lamig na nagmumula sa na kalsada na gawa sa cobblestones. Ngunit wala namang pakialam ang mga tao roon kahit siya lamang ang nag-iisang iba ang kasuotan sa mga iyon. Sa katunayan nga ay parang hindi siya nakikita ng mga ito. Kaya naman kahit daan-daanan lamang siya, kahi nabubunggo na siya ng ibang tao, ay parang wala ring pakialam ang mga ito. Ano ba ang nangyayari? Hindi kaya nananaginip siya? Gusto niyang humakbang ngunit hindi niya maigalaw ang kaniyang mga paa. Para bang nadikit na ang mga iyon sa mismong kinatatayuan niya. Kumunot ang kaniyang noo. Kahit anong pilit talaga niya ay hindi niya maihakbang ang nakayapak niyang mga paa. Segundo lamang ang nakalipas nang may marinig siyang magsalita. Doon niya nakita ang isang guwapong lalaki na nakatayo sa tabi niya. Matangkad ito, at ito lamang ang walang suot na sumbrero. Ngumiti ito sa kaniya. "Ha?" Gumagalaw ang bibig nito, may sinasabi sa kaniya, ngunit hindi niya iyon maintindihan. Hindi niya alam kung ano ang lenggwahe na gamit nito. "Pasensya na, hindi kita maintindihan," kunot ang noo na sabi niya. Hindi niya alam kung naiintindihan naman ba nito ang sinasabi niya. Namilog ang mga mata niya nang bigla na lamang nitong hapitin ang kaniyang bewang at walang pag-aanlilangan na nilakumos ng halik ang kaniyang labi. "Hmp!" Wala sa sariling napahawak siya sa dibdib nito at pilit itong itinutulak palayo sa kaniya. Mas madali sana iyon kung nakakagalaw ang mga paa niya. Ngunit nakadikit nga ang mga iyon sa kung saan siya nakatayo. Mas humigpit pa ang yakap nito sa bewang niya. Pinanlakihan siya ng mga mata nang unti-unting gumalaw ang labi nito, tinutudyo ang ang labi niya. Ano ba ang nangyayari? Dahil sa halik nito, nanghihina ang mga tuhod niya. Kung hindi lamang nito hapit ang bewang niya ay baka kanina pa siya napaupo sa kalsada. Isang kakaibang tunog ang lumabas mula sa bibig niya nang sapuhin nito ang batok niya upang palalimin pa ang halik. Hindi na niya mapigilan ang mariing pagpikit ng kaniyang mga mata. Hinayaan na lamang niya ang nangyayari, afterall, isa lamang naman itong panaginip, hindi ba? Anumang oras mula ngayon, magigising din siya sa totoong mundo. Ngunit nang muli siyang magmulat ng mga mata ay unti-unti nang nawawala ang lalaki. Ang buong katawan nito ay unti-unting nagiging usok. Sinubukan niyang abutin ito. Ngunit para itong naging isang multo na hindi na niya mahawakan. At kasunod niyon, parang may isang malakas na puwersa ang sumipa sa kaniya pabalik sa realidad. Pakiramdam niya ay bigla siyang nahulog mula sa kung saan. "HAH!" Napabalikwas ng bangon si Mayhem. Panaginip. Kasunod niyon ang pagsampa nina Hope at Hero sa maliit niyang kama na palagi nitong ginagawa sa tuwing nananaginip siya ng masama. Ngunit sa pagkakataong ito. Hindi naman masama o nakakatakot ang kaniyang panaginip. Bagkus, magaan iyon... Mainit ang kaniyang pakiramdam. Paniguradong pulang-pulang ang mukha niya ngayon. Wala sa sariling nahawakan niya ang sariling labi. Para bang totoong-totoo ang halik na iyon. Para bang ramdam pa rin niya ang labi nito sa labi niya. Ano bang klaseng panaginip iyon? Ngayon lamang iyon nangyari sa kaniya. Sa loob ng mahigit isang taon niyang paggising mula sa malalagim niyang bangungot, ngayon lamang siya nagising sa isang matatawag niyang 'magandang panaginip.' Sa loob ng mahigit isang taon, ito ang kauna-unahang beses na hindi siya nagising mula sa isang madugo at nakatatakot na eksena. Is she finally getting better? Are her dreams finally getting better? She hope so. *** "Aba, mukhang maganda ang mood mo, ah?" Natawa siya nang sundutin ni Mami Dan ang tagiliran niya gamit ang hintuturo nito. "May nangyari ba, anakshi?" Tanong nito bago siya talikuran upang ayusin ang estante ng mga sigarilyo. Umakyat ito sa may kataasang upuan dahil may mataas na parte ang estante na hindi nito abot. "Anak, akin na nga iyang kahon. Makikisuyo." Kauuwi lamang niya galing sa unibersidad at sa convenience store kaagad siya dumiretso upang mag-shift kahit half day lamang. Madilim na sa labas. Alas siyete 'y media na rin kasi ng gabi. Nothing particularly happened in school today. Normal pa rin ang lahat, except, kumausap siya ng ilang kaklase unexpectedly. Dahil siguro iyon sa magandang mood niya. "Ah, wala naman po, Mami Dan. Hindi po kasi ako binangungot kagabi kaya masaya ako ngayon. Maganda ang panaginip ko kagabi," sagot niya. Inabot niya rito ang ilang kahon ng sigarilyo Saglit naman na natigilan ang amo niya sa pag-aasikaso ng estante at agad na napatingin sa kaniya. "Talaga, anak? Aba, bago yata iyan, ah? Parang ngayon lang iyan nangyari?" Hindi rin makapaniwalang sabi nito. Hindi rin naman kasi lingid sa kaalaman ng mag-asawa niyang amo ang patungkol sa mga bangungot niya. Palagi niyang nababanggit ang mga iyon sa mga ito. "Oo nga po e," malaki ang ngiti na sabi niya. "Sa sobrang ganda nga po ng mood ko, kinausap ko iyong ilan sa mga kaklase. Ako pa ang nag-initiate ng conversation." "Wow, very good!" Sabi ng kaniyang amo sa nakakatuwa at medyo matinis na boses. "Ano ba iyong napanaginipan mo?" Tanong pa nito bago muling inasikaso ang estante. Naramdaman niya ang pangangainit ng kaniyang magkabilang pisngi nang maalala niya ang panaginip niya. Sasabihin ba niya rito na mala-kissing scene sa isang lumang pelikula ang panaginip niya? Paniguradong tutuksuhin lamang siya nito at hindi titigilan. "Wala naman, Mami Dan," alanganin niyang sagot dito. "Napanaginipan ko lang na nasa gitna ako ng isang street tapos ang daming mga babaeng naka-gown. May mga karwahe pa." "Ay! Parang fairytale! May prince charming ka ba namang nakita?" Oo nga, isa iyong fairytale. Fairytale na walang ibang kulay kundi itim at puti. "Si Mami talaga," napapailing-iling na lamang siya. Nahihiya siyang natawa sa sinabi nito. Ngunit hindi na niya binanggit dito ang dulong parte ng panaginip niya kung saan hinalikan siya ng isang guwapong lalaki. "Sana ganiyan uli bukas, ano?" Kapagkuwan ay sabi ng kaniyang amo. Bumaba na ito mula sa upuan. "Sana nga po, Mami Dan." Iyon rin ang hiling niya. Ayaw na rin kasi niyang managinip nang masama. Sawang-sawa na siya roon. "Mukhang nakatulong iyong libro na iniuwi mo ah?" Sabi nito bago isa-isang inipon ang mga kahon ng sigarilyo. "Oo nga po e..." Hindi niya alam kung totoo ngang ang librong iyon ang dahilan. But she really did read it before going to sleep last night. Tumunog ang maliit na bell sa pintuan ng convenience store tanda na may kapapasok lamang sa pinto. Natigil sila ni Mami Dan sa pagkukuwentuhan. "Welcome po—" Babatiin pa lamang sana niya ang kapapasok lamang na parokyano ngunit kaagad siyang natigilan nang mapagsino iyon. Para siyang natulos sa kinatatayuan. Iyon lamang naman ang guwapong lalaki na nasa panaginip niya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD