“Honey, ano ba namang klaseng tanong ‘yan? Ano ka ba!” Hinampas ni Mama sa braso si Papa. Nalaglag tuloy ‘yong tinidor na kahahawak niya pa lang. “At ano naman kayang pumasok sa isip mo para itanong pa ‘yan?” Pasimpleng bulong ‘yon ni Mama pero rinig na rinig ko naman.
Actually nakakapangduda nga para magtanong si Papa sa akin nang gano’ng tanong… I mean, para saan? Gusto niya ba akong magdalawang-isip na pakasalan si Felix? Noong una pa lang ba ay hindi rin buo ang desisyon niya na ipagkatiwala ang anak niya sa lalaking ‘yon?
“Natanong ko lang naman,” sagot nito. “Wala akong ipinapahiwatig na kung ano. ‘Wag ka ngayong mag-isip ng kung ano-anong bagay riyan.” Tinawanan niya pa ang reaksyon namin ni Mama noong kanina na itinanong niya ‘yon—na talagang luluwa na ang mga mata namin sa pagkabigla.
“Sino naman kasing hindi mapapa-react sa tanong mong ‘yon, honey! Nakakabigla naman kasi talaga! Para mo kasing sinasabi na gusto mong magdalawang-isip si Ke na magpakasal kay Felix at parang hindi rin buo ang loob mo na ipagkatiwala ang anak natin sa kanya… gayong tapos na nating mapag-usapan ito, ‘di ba?”
What if dito pa talaga sa hapag nila ‘yan pag-awayan?
“We’re in the middle of eating food. Kain na lang muna tayo, hmm?”
“Kailangan talaga nating mag-usap after the meal,” may diin na sambit ni Mama, na tila ba gusto niyang ipahiwatig kay Papa na hindi siya nito matatakasan.
Basta ako ay out muna sa gan’yan. If ever man magtalo sila at ma-push na ma-delay, or even hindi na matuloy ang kasalan, much better ‘yon para sa akin. At least ay mababawasan ang role ko sa pagpapanggap. Ang consequence nga lang sakaling hindi matuloy ay hindi makakapag-asawa si Felix… and that means prohibited siyang makuha ang heirloom niya.
I couldn’t imagine this thing would be this hard.
—
“I brought some make-ups accessories,” ani ko nang matyempuhan ko si Kim na nag-iisa lang sa may veranda. “Can I try these on your face?”
“You’re not my Ate Ke. Paano mo ma-a-achieve ‘yong ‘almost perfect’ niyang make-up sa akin if you’re just acting like her?”
Still, she’s being mean to me. She still believes I’m just an impostor.
“Alam mo… hindi ko naman kailangang patunayan ang sarili ko sa iyo. Hindi ko kailangang gumawa ng mga bagay para maniwala kang hindi ako peke. But look at me now… look what I’m doing. Ginagawa ko ang lahat para makuha ko ‘yong tiwala mo sa akin. Sa ibang mga bagay, I let them believe what they want to believe about me. I ignore their opinions against me. Pero hindi ka kasama roon—kasi pamilya ka.”
“Pero noong nakaraan lang ay sinabihan mo akong hindi ako parte ng pamilya, ‘di ba?”
“Because I was too mad of you.” Hindi ko na itinago pa sa kanya ang dahilan. Totoo namang nadala lang ako ng emosyon at labis na galit at inis sa kanya kaya ko lang ‘yon nasabi. “Siguro ikaw rin naman… ‘pag nasasagad ka na ay mayroon kang mga nasasabi sa ibang tao na masasakit at hindi magaganda nang hindi sinasadya, ‘di ba?”
“Hindi ko intensyon na sabihin ‘yon. I was just swayed by my emotion.” Sa katabing lamesa na tinatayuan namin dito pa rin sa veranda, ibinaba ko na muna roon ang bitbit kong mga gamit. “At tungkol sa bagay na ginagawa ko to earn your trust and respect, I’m sincerely doing this. Gusto kong kagaya ng ibinigay na tiwala sa akin nina Mama at Papa, makuha ko rin sa iyo, Kim. Ayoko namang tumira tayo sa iisang bubong nang may lihim ka na galit sa akin… na kung tutuusin, dati tayong magkasundo at close sa isa’t isa.”
“Ikaw na ‘yong tumayo para maging kapatid ko dahil only child nga lang. Because of your existence, I was thankful to the Lord that He made you exist in this world so I could feel the feeling of having a younger sister. Dahil sa iyo, naging makulay, memorable at masaya ang childhood ko. Naghiwalay lang tayo nang ilang taon… p’wedeng sabihin na mahabang panahon din ang nawala, pero hindi naman ako nagbago. Naninibago ka lang kasi ngayon lang ulit tayo nagkita… but I swear to all the Saints out there that I have not changed. Ako pa rin naman ang kilala mong Ate Ke mo.”
“Na kahit nababantutan ako sa pagtawag mo sa akin ng Ate Ke, somehow it made my ears to hear such a good sound.” It was terrible to continue being afraid to say something that I shall not say, but… “Kim, wala akong kontrol sa gusto mong isipin. Think whatever you want to think. That’s okay. Pero sana ‘wag mong isipin ‘yong mga bagay lang na gusto mong isipin. Think about the things you should keep your mind to think of too.”
Laking pasasalamat ko na kahit hindi ako nakapagpigil na magsalita, e wala naman akong bagay na nasabi sa kanya. At least hindi ako nadulas. Hanggang kailan naman kaya itong swerte ko?
“Ang dami mong sinabi.” I finally made her glanced at me. The whole time kasi, sa paligid lang nakatuon ang mga mata niya. Mula rito sa itaas, sa garden lang siya nakatutok. “Nakausap na rin naman ako ni Tita Mom about d’yan. And I’m going to admit my mistakes. Naging offensive nga ang pagsasalita ko sa iyo last time… and maybe you’re right. Siguro nga, e dahil sa marami na ring taon ang lumipas at hindi tayo nagkita sa rami ng taon na ‘yon, may nagbago nga sa iyo.”
“Perhaps I’m not able to accept the changes that have happened to you. Hindi ko matanggap na nagbago ka dahil ako… stuck pa rin ako sa nakaraan at paulit-ulit ‘yon na binabalikan. This is perhaps the problem of someone that can’t move forward to the present… and I might be able to affect you with this toxic attitude I have. That even just a small thing… hindi ko matanggap. Dahil paulit-ulit akong bumabalik sa mga kaganapan noon, parang ‘yong mismong sarili ko ay hindi kayang tumanggap ng pagbabago kasi ang hirap masanay na ituon na ‘yong atensyon ko sa bago… sa present.”
Kung gano’n pala… posibleng nasanay siya sa Ke noon kaysa sa Ke na kilala niya na ngayon? Hindi naman p’wedeng ipilit ko ang sarili ko kay Kim bilang Keziah na nakilala niya noon kung magkaibang tao naman kasi kami talaga.
“But, I’ll try.” Ngumiti siya sa akin. “Ayoko rin namang sirain ang pamilyang kumupkop sa akin at nagpalaki. Kung kailangan talagang mag-move forward na ako at tanggapin ang changes na nangyari sa iyo, susubukan ko.”
—
Sa simpleng bonding naman ng make-up tutorial ko kay Kim, kahit na hindi naman ako gano’n kagaling sa paglalagay ng eyeshadow, e tingin ko naman ay nakuha ko ang tiwala niya—kahit na utik-utik pa lang sa ngayon. Willing naman akong trabahuhin siya hanggang sa mapuno na ang lalagyan at masiguro kong wala na siyang pagdududa pa sa akin.
“Hindi talaga maganda ‘yong blend mo ng eyeshadow.”
“Baka nawala na rin ‘yong skills sa kamay ko sa pag-be-blend,” kibit-balikat kong sagot. Hindi naman kasi talaga ako matututo pa ng blending na ‘yan, even contouring. Sobrang hirap aralin. “Gusto ko ngang bumalik sa pagkabata. At least during my younger years, I’m good at blending eyeshadows.”
“Not really.” Nangunot ang noo sa sinabi ni Kim. Binubura niya na ang eyeshadow na nilagay ko sa eyelids niya. “Even then, you’re not good at it.”
“But in the pictures… I mean old pictures we had, I am.”
“Nakalimutan mo na ba?” Natatawa siyang tiningnan ako. “Ako ang naglagay ng eyeshadow no’n sa sarili ko… hindi ikaw.”
Oh no. Buong akala ko kasi ay si Keziah ang may gawa no’n sa mukha ni Kim no’ng nakita ko ang old photos nila sa isang lumang scrapbook, e. Kaya nga bumili ako no’n at sinadya ko pa sa Watson… only to find out this?
“Kahit no’ng bata ka pa naman… you’re bad at applying make-ups.”
And that even worsened the situation. Bad make-up artist pala si Keziah… now, how could I not figure it out soonest?
“Mauuna na ako sa baba. Hihilamusan ko lang ito,” paalam niya sa akin. At ilang sandali lang ay nawala na rin siya sa paligid.
Ako ay hindi pa rin maka-get over sa nangyari. Sa photo kasi na nakita ko, e parang si Keziah ang nag-make-up kay Kim. Kaya ko in-expect na magaling na make-up artist si Keziah. Sakto pa nga kako na marunong din naman ako at maayos mag-make-up, pumapalpak nga lang ako sa blending ng eyeshadow at contouring. But the rest, kaya ko namang i-perform nang maayos.
Tapos ngayon ko pa talaga malalaman na hindi naman pala marunong o maalam sa make-up si Keziah? Was it Kim all along? Hindi kaya patibong niya sa akin ito para mahuli niya ako sa akto? Na ‘yong akala kong hindi na siya nagdududa sa akin at mayroon na siyang tiwala sa akin, hindi naman pala ‘yon totoo? Sa mga oras na ito kaya… pinagdududahan niya na naman ako?
“Mukhang kanina ka pa nag-iisip nang malalim d’yan. May problema ba?” dinig kong tanong ni Felix. Magkasama kami sa kotse niya ngayon dahil gusto niya akong isama na dalawin si Keziah sa ospital. “Hindi ba nag-work ‘yong plano mo?”
“Pakiramdam ko nga parang nahuli na ako.”
“Ni Kim?” Puno ng pagtataka ang mga mata niya nang lingunin niya ako saglit. “Akala ko ba-”
“Akala ko rin,” naiiling kong sabi. “Akala ko ay mahusay sa make-up ‘yong si Keziah. ‘Yon kasi ang photo na nakita ko. Pero nalaman ko rito kay Kim na hindi naman pala si Keziah ang nag-make-up sa kanya sa posibleng litrato na nakita ko—kung hindi siya lang din pala ang may gawa no’n sa sarili niya.”
“In short… Keziah has nothing to do nor knowledge in applying cosmetics.” Bumuntong-hininga ko nang maisip muli ang katangahan na nagawa ko. “Mukhang hinuhuli lang niya ako… and… I don’t know. Hindi na ako magugulat mamaya sa posibleng mangyari.”
“Hindi ‘yan,” aniya, na para bang sigurado siyang walang gano’n na mangyayari. “Kung ‘yon lang din naman ang pagbabasehan niya, hindi ‘yon sapat para paniwalaan siya ng mga magulang ni Ziah. Hangga’t wala siyang enough evidence laban sa iyo, ikaw ang paniniwalaan ng mga magulang ni Ziah. Trust me.”
“How sure are you?”
“Remember… you’re portraying their daughter. At ang posisyon lang ni Kim sa bahay ay ampon lang naman ng mga magulang ni Ziah. Sino ngayon sa inyong dalawa ang mas may potensyal na panigan ng mga parents niya? Syempre ikaw.”
Natigilan ako sa malupit kong pag-aalala nang matauhan ako sa sinabi ni Felix. Hindi naman kasi talaga kadugo nina Keziah si Kim, e. Kung baga naampon lang yata or galing sa malayong kamag-anak ng pamilya nila si Kim na ayaw nang umuwi sa mga malulupit nitong magulang. And besides, may point din naman si Felix. Kasi no’ng nakaraang nagtangka si Kim na komprontahin ako at palabasin na peke ako, still sa akin pumanig sina Mama.
“Huwag ka na mamroblema kay Kim. Makukuha rin natin ang tiwala niya.” Bumaba na rin siya sa kotse nang makarating na kami sa ospital.
Tulad ng sinabi niya, hindi ko na lang din iisipin pa ‘yong si Kim. Basta next time ay mag-iingat na ako sa kanya. Hindi na ako basta-basta maniniwala sa ginagawa niyang pagpapanggap. Ako rin naman ay nagpapanggap—pagalingan na lang kaming umarte kung ‘yon ang gusto niya.
“She’s here… still unconscious.”
Narating namin ang ICU, doon ay nakita ko ang totoong Keziah. Nakahiga siya sa kama na puno ng aparato ang katawan niya. Mukha namang kaya pa niyang maka-survive, and any minute she can wake up from her sleep.
“Sana magising na siya agad,” ang naibulong ko sa sarili. Gusto ko nang matapos na sa pagpapanggap na ito. Natatakot akong mabuko. “How is she?” I asked Felix.
“Comatose. May pag-asa pa naman na magising pa siya. Akala ko matutuloy ang sinasabi ng doktor na i-consider na brain dead na siya.” Napuno ng pag-aalala ang mga mata ko. “Relax. Hindi nga natuloy. She’s just sleeping and all we have to do is to wait for her to open her eyes… soon.”