Chapter 16

2038 Words
“Do you really believe she’ll be okay?” Hindi ako mapakali sa pag-iisip habang nasa kalagitnaan kami ng byahe pauwi. “Noong nakita ko ang kalagayan ni Keziah, yeah… she’s okay. She seemed to be fine. Pero hindi ba habang patagal nang patagal ang isang tao na comatose, the brain will slowly stop to function?” “I know she’ll survive. Ginagawa naman ng mga doktor doon ang lahat ng makakaya nila para mas bumuti ang lagay ni Ziah. May palugit din naman sila kung kailan posibleng magigising na si Ziah-” “Posible? So, hindi pa pala sure na after six months ay magigising na siya. Or more likely ay makaka-recover, magiging normal na siya ulit para palitan na ako sa posisyon ko?” Buong akala ko kasi ay after ng six months kong pagpapanggap sa lahat, tapos na ‘yong trabaho ko. Tapos na ang kontratang pinirmahan ko. Pero mukhang hihigit pa yata sa anim na buwan ang lecheng trabaho na pinirmahan ko agad nang hindi muna pinag-iisipan nang mabuti. “Hindi mo kailangang mag-alala, Julie. Malay naman natin ay mapaaga ang paggising ni Ziah. We can’t say. Prognosis lang ng doktor ang paggising niya more or less six months. Pero nasa katawan pa rin ni Ziah kung p’wedeng mas mapaaga sa time-frame na ibinigay sa kanya ang paggising niya.” “At paano kung humigit sa anim na buwan bago siya magkaroon ng malay ulit?” Bumuntong-hininga lang siya. ‘Yon lang ang naisagot niya sa akin sa rami ng pagdududa at tanong na umiikot sa tuktok ko. Sana kasi talaga ay mas inalam ko muna nang maigi ang bawat detalye nitong trabaho na papasukin ko. Sana mas naging picky ako at observant. Sana nag-isip muna ako nang maigi bago ako pumayag at pumirma. Ngayon tuloy na gusto ko nang mag-backout dito, hindi ko magawa kasi nakulong ako ng sarili kong pirma. “Julie, ‘wag mo na munang isipin ‘yan. Ako na ang bahalang umayos nito at sisiguraduhin ko sa iyong masusunod naman natin ang lahat ng mga nakasulat sa kontratang pinirmahan mo.” I just nodded my head at isinandal na lang ang ulo ko sa upuan habang hinihintay kong makarating na kami sa bahay nila. Isa’t kalahating araw na hindi ako dumalaw kay Lola Tasha, e nalaman ko kay Felix na hinahanap na pala ako ng matanda. Marami akong pinagkaabalahan nitong nakaraang araw kaya nawala na sa isip ko na dumalaw sa kanya. Ang dami ko na ngang obligasyon sa buhay, nakikisali pa siya. Bakit ba kasi ako nangako sa kanya na araw-araw ko siyang dadalawin? Kung hindi ba naman ako bida-bida, e. — “Mas gusto kong kumakain dito sa garden kaysa sa loob. Mas masarap damhin ang sariwang hangin kaysa sa lamig na nagmumula sa aircon. Kahit na p’wede akong makalanghap ng alikabok dito, humahangin naman.” Nakangiti lang siya all the time nang hindi pa rin ginagalaw ang vegetable salad niya sa table. “Tiyaka na-re-relax ako ‘pag nakikita ko ang mga bulaklak na ‘yan.” “Ang gaganda nga po ng mga bulaklak.” “Kinolekta ko ang mga ‘yan.” Hindi sinasadyang napalingon ako sa kanyang muli nang ito’y tumugon. “Mula sa iba’t ibang bansa na pinanggalingan ko noong mga nakaraang taon, hindi p’wedeng uuwi ako ng Pilipinas nang wala man lang mga halaman akong nabibitbit mula roon sa bansang ‘yon.” Namangha naman ako sa sinabi niya. Kung mayroon man na ‘planTITA’ ang tinatawag ang mga tao sa henerasyon ngayon, mayroon din palang mga lola rin ang mahilig mangolekta at mag-alaga ng iba’t ibang klase ng mga halaman at bulaklak. “Kaya po pala sagana sa iba’t ibang halaman itong garden n’yo.” Genuine ‘yong complement ko, huh? Noong unang tapak ko pa nga lang dito sa mansyon, ang laki ng paghanga ko sa garden nila. Ang ganda kasi. “Ang aliwalas pong tingnan ng isang bahay na puno ng mga halaman at puno. Nakaka-relax pong tingnan everytime na pagod sa trabaho.” “Tutol pa nga si Felix sa akin d’yan. Ayaw niya kasi ng masyadong maraming halaman d’yan sa garden.” “Bakit naman po?” “May allergy kasi siya sa mga amoy ng bulaklak. Nababahing na lang siya kasi nasasangsangan siya sa amoy ng mga ito. Pero pinilit ko pa rin siyang pumayag at napagkasunduan namin na ‘wag na lang siyang tutungo rito sa garden para hindi na siya mabahing.” Sa nalaman ko, doon ko lang napagtanto na ang mga tao rin pala ay posibleng magkaroon ng allergy sa bulaklak? Ang babango kaya at nakakaadik na amuyin ang mga petals nito. Lalo ‘yong sampaguita. Samantalang ang iba ay ‘pag nakakaamoy ng sampaguita, e feeling nila ay nagpaparamdam sa kanila ‘yong kamag-anak nilang yumao… ako naman, e naaadik sa amoy nito. Ang bango kaya. “Ngayon ko lang po nalaman na allergic po pala siya sa bulaklak. Dapat po bang hindi na lang ako humawak ng bulaklak sa kasal namin? Willing naman po akong mag-adjust.” Talagang ‘yong tungkol pa sa kasalan ang naisip ko. E, na-curious din kasi ako nang bahagya. Kasi kung sensitive ang ilong ni Felix sa mga bulaklak at kung magdadala pa ako ng bulaklak sa kasal, baka bahing siya nang bahing habang nagsasalita ‘yong pari. Nakakahiya naman yata ‘yon. “Okay lang ba sa iyo na wala kang hawakan na bulaklak?” May pag-aalala sa mukha niya, na para bang malaking bagay ang bibitawan ko… e, bulaklak lang naman ‘yon. “Lahat kasi ng mga babaeng ikinakasal, syempre mayroon silang hawak na bulaklak bilang simbolo ng p********e nila. P’wede namang inuman ni Felix ng gamot ang sarili niya before the wedding, hija. In that way, ma-pe-prevent kahit papaano ang pag-atake ng allergy niya.” “Pero mainam na rin pong maging sigurado. Kung iinuman niya lang po ng gamot, may possibility pa rin po na umatake ang pagiging sensitive ng ilong niya. Knowing po na makakatabi ko siya at maaamoy niya ang hawak kong bulaklak. Pero kung pipiliin ko pong ‘wag na lang magdala sa araw ng kasal, mas magiging smooth po ang takbo ng wedding, ‘di po ba?” Halata pa rin sa mukha ng matanda na parang ayaw niyang sumang-ayon sa akin. Bakit parang napapansin ko na ang laking bagay naman yata sa kanila if ang bride ay hindi magbibitbit ng bulaklak sa araw ng kasal niya? Hindi ko naman ito i-su-suggest kasi trip ko lang. Inaalala ko rin naman ang kapakanan ni Felix kaya ko ito ginagawa, e. “In our family, sa mga babaeng myembro ng pamilya namin, e lahat ng mga babaeng ikinasal ay may tangan na bulaklak as they walk into the aisle. Bukod sa simbolo ito ng pagiging babae, it symbolizes new beginnings as well—sa iyo at sa apo ko.” “Tradisyon na ito ng pamilya namin… at sure ako ng pamilya mo rin. Hindi basta-basta’ng p’wedeng baliin na lang ang nakasanayang tradisyon ng dalawang pamilya kahit na ang concern mo naman talaga rito ay ang apo ko.” Nagsimula na rin siyang kutsarahin at isubo ang isang mangkok niyang vegetable salad. “Sana maintindihan mo, apo.” Wala naman akong ibang choice kung hindi ang sumang-ayon. Sana lang talaga ay sa mismong araw ng wedding namin ay hindi magbabahing buong seremonya si Felix sa simbahan. — “Nababanggit nga ni Felix sa akin na mukha namang nakakapag-adjust ka. At nakakagulat din na malaman na ang bilis mong nakagaanan ng loob ang lola ni Felix… knowing na picky sa mga pinagkakatiwalaan niya si Lola Tasha.” Bilib na bilib sa akin si Melody na para bang mayroon akong ginawang tama—e, puro pagsisinungaling nga ang ginagawa ko. “Siguro dapat lang naman na maging mabait at maayos ang pakikitungo niya sa akin dahil na rin sa kasunduan na mayroon sila sa pamilya ni Ziah,” tutol ko sa naiisip ni Melody. “Alam mo naman na ‘yong kasunduan na mayroon ang pamilya nina Felix sa pamilya ni Ziah ang tanging bagay na nagkokonekta sa dalawa. E, ngayong kilala ako bilang si Ziah ni Lola Tasha, malamang kaya siya mabait sa akin.” “Pero kung siguro ay ibang tao ako, hindi siya magiging gano’n sa akin.” Tinawanan ko na lang ang huling pahayag ko… although ‘yon naman ang totoo at ‘yon ang isang bagay na masakit tanggapin pero kailangan. At tiyaka isa pa… mayroon din kasi akong sikreto niya na sa akin niya lang sinabi. Baka isa rin ‘yong factor kung bakit mas lalong bumabait sa akin si Lola Tasha day after day. “Nga pala…” Nagsalita ako ulit, at si Melody ay natigil sa pag-inom ng kape. “Itatanong ko lang sana kung alam ba ni Felix kung bakit may kasa-kasamang nurse si Lola Tasha?” “Lagi kasing wala sa bahay nila si Felix. Marami siyang trabaho na inaasikaso, na tipong hindi na siya natitigil sa bahay nila para maalagaan o matutukan ang lola niya. So, nagkasundo silang dalawa na mag-hire na sila ng nurse para kay Lola Tasha. At least may titingin na sa kanya kahit na umagahin na sa trabaho si Felix.” “Maliban doon?” Nangunot ang noo niya. “May iba pa bang dahilan maliban doon?” “Uh…” Kinakabahan ako. May side kasi sa akin na parang gusto ko nang magpakatotoo kay Melody. Gusto kong ikwento na sa kanya ang tungkol sa nalaman ko. Ang problema nga lang ay baka maikwento niya pa kay Felix. Close pa naman silang dalawa. “Wala naman siguro siya no’n-” “Ng ano?” Pilit akong umiiwas sa mga mata niya, pero si Melody ay hinawakan ang magkabila kong balikat para pilitin akong tingnan siya sa mga mata niya. “Ano bang gusto mong sabihin, Julie?” Heto na naman ako. Naestatwa na naman ako… napipi na para bang naubusan na ako ng boses para magsalita at nawalan ng mga letra para buuin at bigkasin. Nangako kasi ako kay Lola Tasha na mananatiling sa aming dalawa lang ang sikreto niya kaya hangga’t maaari ay sinisikap kong pigilan ang sarili ko na magsabi o magsalita ng related roon. Kaya lang hindi ko naman maiwasang mag-alala sa kanya. Hindi naman niya kasi p’wedeng solohin lang habambuhay ang sakit niya… lalo na’t ang sakit niya ay wala naman talagang lunas ‘yon. P’wede ‘yong mapabagal sa pamamagitan ng pag-inom ng mga gamot… pero lalala lang din naman nang lalala ang sitwasyon niya. Kaya’t naisip ko na habang maaga pa at nakakaaalala pa siya… mainam na malaman na rin ni Felix ang tungkol sa kondisyon niya. “Julie!” Gagawin ko na ba? “Natanong ko lang naman. Masama bang magtanong?” At the end, hindi ko rin nagawa. Nagpanggap na lang akong natatawa para hindi na mahalata pa ni Melody na mayroon nga akong itinatago. “Hindi rin naman posible ang iniisip ko na baka mayroon siyang sakit kaya mayroong umaaligid na nurse sa kanya. E, malakas pa nga siya sa kalabaw.” “Saan mo naman kasi napulot ‘yan? Alam mo kung mayroon mang itinatagong sakit si Lola Tasha, hindi niya paglilihiman si Felix.” Napalingon ako kay Melody sa sinabi niya, may halong pagtataka. “Open sa lahat si Lola Tasha sa apo niya, at wala siyang isinisikreto rito na kahit na ano. Kaya kung mayroon man siyang malubhang karamdaman, I’m sure si Felix ang unang-una na makakaalam no’n.” Kaya nga lang… mayroon naman talaga. Pero bakit ako ang unang nakaalam imbes na mismong ang apo niya? Syempre naintindihan ko naman kung bakit hindi pa malakas ang loob ng matanda na sabihin sa apo niya ang totoo. Double kill kay Felix ‘yon ‘pag nagkataon. At ‘yon din kasi ang isang bagay na pinanghahawakan ko kaya ako nananahimik pa rin… at pinipilit ang sarili na manahimik pa lalo. “So, don’t worry. Inaalagaan lang ng nurse ni Lola ang pasyente niya. Doesn’t mean an old lady has her own nurse, e may sakit na siyang malubha. ‘Wag mong isipin na may gano’n. It’s not and will not happen, Julie.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD