Chapter 13

2196 Words
Parehong nawala ang angas namin ni Felix nang bumoses ang isang taong hindi namin inaasahang mapakikinggan ang sensitibo naming pinag-uusapan. Si Lola Tasha. Nanunuya ang paraan ng kanyang pagtingin, tila hinahamon kaming ‘pag hindi kami nagsabi ng totoo, sasabog siya sa galit. “Anong hindi totoo? Anong sinasabi n’yo?” “Felix?” Tumingin ito sa kanyang apo. “Ipaliwanag mo nga sa akin.” “Hindi totoong mahal namin ang isa’t isa,” ang sagot niya. Akala ko ay aaminin niya nang hindi ako ang totoong Keziah… pero bakit hindi niya ginawa? “Arranged lang naman ito, ‘di ba? Ang gara naman po kasi, e. Bakit po ba kailangan kong magpakasal sa taong hindi ko mahal?” “Apo… akala ko ba ay maliwanag na sa iyo ang lahat. Para naman din ito sa kapakanan mo, ‘di ba?” “Oo nga po pala. Kailangan ko nga po palang magpakasal at magkaroon ng sariling pamilya para makuha ko na ang pamana sa akin ng mga magulang ko.” Pilit na pilit ang mukha ni Felix na ipakita sa lola niyang okay lang siya. “Kaya nga po ang pinagtatalunan namin ni Ziah, e gusto ko pong bongga ‘yong kasal namin. Siya naman po ‘yong may ayaw. Hindi naman daw po kasi namin mahal talaga ang isa’t isa kaya para saan pa na pagkagastusan.” Ngunit alam niya sa sarili niyang hindi naman talaga ‘yon ang dahilan ng pag-aaway namin. Buong akala ko ay ako lang ang mahusay sa paggawa ng mga excuses, ngunit si Felix din pala. “But I insist. Once in a lifetime lang naman ang kasal kaya gusto ko pong gawin na itong magastos at elegante. Afterwards, kapag naman po naghiwalay na kami, e wala na rin naman po akong balak magpakasal ulit.” “At bakit mo naman sinasabing maghihiwalay kayo?” Mukhang sa bagay na ‘yon, e mahihirapan siyang lusutan. Batid kong nadulas siya na sabihin ‘yon. “I’m just being practical po. Kung ang mag-asawa ngang kinasal na mahal ang isa’t isa ay naghihiwalay after years of marriage… kami pa kaya ni Ziah? Ni hindi nga namin pangarap na makasama ang isa’t isa o maikasal, mas may potensyal naman po sigurong maghiwalay kami after just months of marriage.” “Pero…” Nalungkot nang sobra si Lola Tasha sa mga sinasabi ni Felix sa kanya—na purong katotohanan lang naman. “Kapag naman nasanay ka nang kasama si Ziah sa buhay mo… sigurado akong mamahalin n’yo rin ang isa’t isa-” “Depende pa po ‘yan sa sitwasyon. Hindi sa lahat ng pagkakataon, kaya ng tao na turuan ang puso niyang magmahal ng isang taong hindi naman nito gusto noong una pa lang.” Matapos ipahayag ‘yon ni Felix nang malamig sa lola niya, nauna na siyang bumalik sa living room para balikan ‘yong wedding planner. Sa akin naman lumipat ang mga mata ni Lola Tasha… as if she’s very worried about me. Tanging ngiti ang ibinigay ko sa kanya just to make sure na okay lang naman ako… at kahit na masasakit ‘yong mga narinig ko, hindi naman ako si Keziah para mag-react na nasasaktan ako. “Okay lang po ako.” “Pasensya ka na sa mga narinig mo sa apo ko. ‘Wag mo na lang sanang intindihin pa ‘yon, huh?” “May point din naman po kasi siya, ‘la. Na-arrange lang naman po kami na magpakasal sa kagustuhan n’yo pong makapag-settle na siya ng sarili niyang pamilya bago kayo mawala. And I understand that completely. Pero hindi pa rin po mabubura no’n ‘yong katotohanan na dahil sa agreement, kaya kami nandito ngayon sa setup na ito. E, wala naman po kaming magagawa. Nandito na kami, e.” “I just really hope the words you’ve said make it true someday. Kung talagang p’wede nga pong mangyari na kung tatagal man ang pagsasama namin after the wedding, I really hope our hearts will learn to love each other… Hindi lang po basta pinili na lang na manatili at makasama ang isa’t isa under one roof because of a certain condition… and because we have no choice but to be with each other.” “That’s the saddest, in case.” Ang matanda ay nanahimik lang. Tinapik niya ang balikat ko at iniwan na rin ako sa lugar. Batid kong maski siya ay nalulungkot at may bahid na rin ng pangongonsensya dahil nga sa ginawa niyang pag-arrange sa apo niya at kay Keziah. Ngayong naglabas ng saloobin si Felix, feeling ko tuloy ay mas lalong bumigat ang loob niya… leading her to obtain some stressors that may trigger her health condition. Ano kayang p’wede kong gawin? — Bago ako tuluyang umuwi sa bahay namin, sinadya ko munang puntahan si Lola Tasha sa kwarto niya. Ako na ang nagpresinta na magdala sa kanya ng meryenda niya ngayong hapon, kung saan ito ay vegetable salad at gatas. “Oh, bakit ikaw pa ang nagdala n’yan? Hindi ba’t pauwi ka na?” “Magpapaalam na rin po sana ako.” Ibinaba ko na ‘yong tray sa table na nakapwesto sa gilid ng kama. “At… i-re-remind ko lang po kayo na ‘wag n’yo na po sanang i-stress-in pa ang sarili n’yo tungkol sa nangyari kanina. Makakasama po ‘yan sa kalusugan n’yo.” “Sino ba namang hindi ma-se-stress sa buhay na ito?” natatawa niyang tugon. “Nililibang ko na nga lang ang sarili ko sa pagbabasa nitong mga nakatambak kong libro nang hindi ko na maisip pa ang tungkol doon. Kaso napapahinto talaga ako while turning the pages. Hindi pa rin kasi mawaglit sa isip ko. Hindi ko mapigilan na isipin pa rin na pagiging makasarili yata na ginawa ko ‘yon sa buhay ng apo ko.” “Hindi po pagiging makasarili ang tawag doon. Ang ginawa n’yo po ay ‘yong sa tingin n’yong makakabuti sa kanya. Kay Felix. You’re such a lovely granny to him. Kaya ‘wag n’yo na pong isipin na naging makasarili kayo sa ginawa n’yong desisyon. Hindi po gano’n.” “Buti ka pa…” Malalim na buntong-hininga ang kumawala. “Sana kasinglawak ng pag-iisip mo ang mayroon ang apo ko para maintindihan niya na ang mga bagay na ginagawa ko ay para lang din sa ikabubuti niya. Sana dumating ‘yong araw na… kahit naman itago ko nang mabuti at maingat ang sikreto ko, darating pa rin talaga ‘yong oras na malalaman din niya ang tungkol dito. Dahil wala namang sikretong hindi nabubuking, e.” That hit me hard. Walang sikretong hindi nabubuking sa dulo. Kagaya ng amin ni Felix, alam kong darating din ‘yong timing na kami naman ang mapapaamin sa kanila tungkol sa sikretong itinatago namin ngayon. At dapat ay araw-araw akong maging handa. Wala naman kasing specific date kung kailan kami mabubuking. It is best to be prepared everyday… than never. “Kaya once na malaman na niya ang tungkol sa kondisyon ko, sana ay hindi niya ako kamuhian na itinago ko sa kanya ang totoo. Sana ay mabilis niyang maunawaan na ang dahilan kung bakit ko isinikreto sa kanya na may sakit ako ay dahil ayaw ko pang maaga siyang mangulila sa akin… e, buhay pa naman ako at lumalaban, ‘di ba?” Para naman hindi maisip ni Lola Tasha na mag-isa siya, sinamahan ko siyang matawa sa sinabi niyang hindi naman talaga nakakatawa at the first place. I could clearly see that she’s just faking her delightness just to show me she’s just doing fine after all the trials she had faced just for one day. Ang tapang niya. — “What do you think, anak? Tingin mo kaya ay babagay sa akin ang gown na ‘yan para isuot ko sa wedding day mo? Magmumukha ba akong younger?” “Hindi ko pa man po nakikita na nakasuot ito sa inyo…” Inilipat ko ang mga mata ko sa katawan ni Mama. “E, nakikita ko pong babagay po ito sa inyo. At magmumukha po kayong bagets. Baka nga po pagkamalan pa tayong magkapatid ng mga bisita, e.” “Ang galing mo mambola, ha!” “Totoo kaya ‘yon.” Ibinalik ko na rin sa kanya ‘yong phone. Doon ko kasi tiningnan ang itsura ng gown na isusuot daw niya sa wedding day ko. “Baka nga rin ‘yong pari, e mapagkamalan ka pong ikaw ‘yong ikakasal.” “Ikaw talaga-” “Ang corny kaya ng pambobola mo.” Dumarating sa sala habang may hawak na mangkok ng chips si Kim. “Too good to be true… sinong tanga ang maniniwala sa iyo?” Hindi naman siya inaano ng mga pambobola ko at mga complements kay Mama. Grabe namang maka-react ang isang ito. Hindi na lang sana siya tumahimik na lang at kumain ng mga low calories niyang foods. “Ano ka ba, Kim? Ako ang naniniwala sa kanya. Sinasabi mo bang tanga ako?” “Bakit ka naman po kasi maniniwala sa kanya? Baka kagaya niya… kung saan niya lang napupulot ang mga sinasabi niya para makapagpa-good shot po sa iyo… sa inyo.” “She’s a fake.” Napasinghap ako sa sinabi niya… sa kasunod na salitang lumabas sa bibig niya. Hindi kaya… nakakahalata na ang Kim na ito tungkol sa pagkatao ka? Nahahalata na kaya niyang nagpapanggap lang ako bilang si Keziah? “Kimberly, ano bang sinasabi mo? Magdahan-dahan ka nga! Ate mo ‘yan, ha!” Kung kanina ay tunog na parang nakikipagbiruan pa si Mama, ngayon ay nagsimula na siyang maging seryoso. “Huwag na huwag kang aakto nang ganyan sa Ate Ziah mo. Baka gusto mong isauli kita sa mga magulang mo?” “Masama po bang magsalita? She looks fake, e.” “What made you think of that?” Hindi na ako nakapagpigil pa na sumingit at magsalita para sa sarili ko. “P’wede mo ba akong bigyan ng mga dahilan na p’wede kong gamitin para pekein ko ang sarili ko sa inyo?” “Just don’t mind her, Ke-” “I will.” Nakikipag-taasan sa akin ng noo si Kim. “Una sa lahat, conyo si Ke. Noong mga bata pa kami, halos dumugo ang ilong ko para lang makausap siya. She likes to read english books kasi. At na-a-adapt niya ang pagsasalita ng english on her daily lives.” Oh… I didn’t know about this. “Hija, hindi naman forever nananatili sa tao ang pagiging conyo or kahit ano pang katangian na nakikita natin sa kanila between their early stage of years and the adolescents. It’s normal na magbago ang way of speaking ni Ke. If she changed her hobbies through the years, malaking factor ‘yon.” “E, nabanggit pa sa akin ni Ke na bigla siyang nagkaroon ng trauma sa pagbabasa ng mga libro kaya matagal na niyang hindi hobby ang pagbabasa no’n. That’s it.” Woah, life-saver talaga itong mama ni Keziah. “Aside from that… Ate Ke’s skin used to be glowy and white. Anong nangyari ngayon?” “Remember… I’ve been living in an old apartment with no air-con. What do you expect?” “And why is that?” Tinaasan niya akong muli ng kilay. “Bakit ka titira sa isang apartment na walang air-con kung afford mo namang mag-rent ng apartment na maganda, maluwag, at air-conditioned pa? Or p’wede ka rin namang mag-stay sa house? Bakit mas pinili mo sa isang lugar na iitim ka?” Hindi ko kinakaya ang bigat ng interrogation na inaabot ko. Baka mamaya ay maubusan ako bigla ng idadahilan sa kanila… aba, lagot na talaga ako. Hindi dapat ako mabuking ng sarili kong dila. “I used to live independently during my college, Kim. Mayroon akong gustong patunayan sa mga magulang ko kaya ko ‘yon ginawa. Nag-enroll ako sa isang university na nag-o-offer ng scholarship, bilang naroon din naman ang dream course ko. Doon ako nag-aral. Doon din ako nag-boarding house. It is a public university—not air-conditioned at all. Libre na nga ang tubig at kuryente, renta na lang ang babayaran… hindi naman ako aabot sa point na kakapalan ko ang mukha ko para pakabitan ng air-con ang akin, samantalang ang iba ay electric fan lang ang gamit.” Bigla na lang lumitaw sa isip ko ang imbentong kwento na ‘yon. Mukha namang napaniwala ko si Mama kasi amaze na amaze siya sa akin habang inilalahad ko ang kwento. Si Kim naman… ewan ko kung anong nagawa ko sa kanya para mag-init ang dugo niya sa akin. Hindi man niya direktang sabihin sa akin na may lihim siyang galit, nakikita ko ‘yon sa mga mata niya—na parang bang mayroon siyang plano na patunayan na nagpapanggap lang ako. “Hindi pa rin ba sapat, Kim?” tanong ko sa kanya. “Uhm, wala naman akong dapat patunayan sa iyo. Kung ayaw mong maniwala na totoo ako, hindi na kita pipilitin. Besides, hindi naman kailangan ng opinyon mo.” Nakangiti akong lumapit sa kanya at bumulong, “Kapag hindi parte ng pamilya, hindi counted ang opinyon.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD