Chapter 17

1403 Words
Weston Vega "They already put him behind bars. They will also conduct a drug test on that bastard." Isandro said. Nailing pa siya at napatingin kay Indie na natutulog sa passenger seat. Naka-reclined lang ang upuan para komportable siya. "Gusto mo ba makausap 'yong driver na dapat sasakyan niya?" he asked. Nailing ako at ngumiti. "Huwag na, lumapit naman na siya sa akin kanina. Nag-thank you ako and I even gave him a tip. Ayoko rin pumasok sa loob para makita 'yong gagong 'yon at baka hindi ako makapagtimpi." The police said that Indie rode the wrong car that she booked earlier. Tapos saktong may checkpoint pala sa bungad at mukhang hindi iyon alam ng gagong driver. Malayo pa ang narating nila gawa na pasukin ang cemetery at maraming pasikot-sikot. Mukhang may binisita siya sa sementeryo na 'yon. Nang mapansin daw ni Indie 'yong checkpoint ay nakipag-agawan siya ng manibela sa driver kaya nahalata 'yon ng mga sundalong nagbabantay. Indie know what to do that time lalo na napansin niyang may checkpoint. Bumangga sa barrier 'yong sinasakyan at pinuntahan sila ng mga bantay. Humabol din 'yong totoong driver na dapat sasakyan niya at guard ng cemetery dahil nakakutob sila lalo na wala si Indie ro'n sa pick-up point. Nahulihan pa ng baril at kutsilyo 'yong suspect at carnapped pa ang ginamit na sasakyan. Ang lakad ng loob ng gago. Hinubad ni Isandro ang jacket niya at ipinatong kay Indie. Napangiti ako at inayos 'yon. "Wala naman bang masakit sa kanya?" tanong pa nito. Nailing ako. "Wala raw, just some scratches because of that motherfucker. Pinunasan ko na ng bimpo kanina na binigay sa 'kin." Nasa labas kami ng kotse at nakatingin lang kay Indie na tulog sa loob. Kahit na tulog na siya ay bakas pa rin ang takot. Yumuko ako para abutin ang kanang kamay niyang nanginginig kanina pa. Tumigil na 'yon kanina pero bumalik na naman. Nakakunot ang noo niya na para bang may napapanaginipan. Hinawakan ko ang ulo niya at hinaplos hanggang sa mawala ang pagkakakunot niya. Bumuntong hininga ako at tumayo na nang maayos. "I think you should give her a bodyguard," aniya. "Meron naman sila Tita 'di ba? Baka pwedeng isa sa kanila," dagdag pa niya. "No need. Sa nangyari kanina, hindi na safe. Mahirap na at baka mas malala pa ang mangyari sa susunod. Kakausapin ko na lang si Mommy about sa security ng building pati sa kung sa mall kung nasaan ang Art gallery kung saan siya nagtatrabaho." "Pigilan mo na rin mag-commute or sumakay muna mag-commute kapag aalis." Napatango ako. "I need to convince her first." Mahinang natawa si Isandro na ipinagtaka ko. "Are you okay? Parang hihimatayin ka rin kanina," tukso pa niya. Sinamaan ko siya ng tingin. "Don't laugh at me, okay? I felt like having a heart attack when I saw her." Sumang-ayon naman si Isandro. "Same. She's literally trembling earlier. Kahit ang mga pulis daw kinabahan kasi ayaw silang kausapin. Dadalhin sana siya sa infirmary kaso ayaw ni Indie. Ayaw din niya pumasok sa loob kaya nasa labas lang siya. Hindi niya pinapansin 'yong mga pulis." "Ayaw niya sa tao," sambit ko. "Kahit sa akin nga ilap na ilap siya. Sa iba pa kaya?" dagdag ko pa. "Mukhang takot din siya sa pulis. She saw my leg holster with a gun yesterday and she told me that she's not comfortable with it." "Mukhang kailangan niya mag-loosen up. Kahit man lang sa nakapaligid sa kanya, kailangan niya magtiwala. I know that she's safe with you, so you need to earn her trust para mas mapalagay siya." "Right… and that trust needs to start with me." Napatingin kami ni Isandro sa lalaking paparating. He's wearing military attire. Agad kaming sumaludo ni Isandro nang makarating sa harap namin si Tito and Mel at ang tao niya. Napunta ang mata ni Tito kay Indie na natutulog pa rin. Siya 'yong tinatawagan ni Isandro kanina nung dumating kami rito. "Someone tell me that she's your wife…" "Y-Yes po," nautal kong sambit. Mahinang natawa si Isandro, siniko ko siya at tumikhim na lang siya. "Eh, bakit sabi ni Ester nung nakaraan ay may church wedding pa? Edi hindi ka pa kasal?" Napakamot naman ako sa ulo. Ngayon pa na niya ako bubusisiin? "Meron pa nga po," sambit ko. "Pero kasal na talaga kami." Nailing si Tito. "Mukhang hindi na nakatiis ang Mommy mo sa pag-aasawa mo at minadali ka na. Magaling pumili si Ester. Buti hindi ka tumakas nung ipagkasundo ka." Nagtawanan naman sila. "By the way, ako na bahala sa nangyari. I just came here to ask if she's really okay? Alam na ba 'to ng Mommy mo?" I nodded. "Indie's okay, nakatulog na sa kakaiyak kanina. Yes po, natawagan ko na rin kanina si Mommy. Nasa penthouse na rin sila. Medyo nag-hysterical si Mommy pero okay naman na." "Your wife is beautiful," Tito said, smiling. "I have this gut feeling that she has Winona's attitude. Masungit ba kumbaga. " Sa sinabi ni Tito ay natawa si Isandro nang malakas pero sandali lang dahi sinuway ko siya, at halos umikot ang mata ko. Malayo! Oo, masungit si Winona pero mahilig makipag-socialized. Kailangan dahil nasa business world siya. "Pero Tito, mas matindi 'tong asawa ni West— ouch! Kanina ka pa!" maktol niya nang hampasin ko nang likod ng palad ko ang dibdib. "Ikaw ang kanina pa. Ang ingay mo," suway ko. Natawa naman si Tito at muling bumaling kay Indie. "Kung kakailanganin niya ng bantay, sabihan mo lang ako. Your Mom and I knows someone, actually marami naman. Gusto niyo ba ng escort pag-uwi?" I smiled. "Thank you, Tito. Sasabihan na lang kita kapag may problema." Bumaling naman ako kay Isandro. "At saka huwag na po sa escort, andito naman si Isandro, vest ko kaya 'to." Pang-aasar ko. Nakita kong lumaki ang butas ng ulong niya. Pikunin. Siya 'tong malakas mang-asar pero kapag babawian na siya, ang bilis mainis. Nagpaalam na sa amin si Tito pati ang kasama niya. Naiwan kaming dalawa ni Isandro. Napasandal ako sa sasakyan at napabuga ng hangin. Isinara ko na ang pintuan kung nasaan si Indie. Pakiramdam ko ay naubusan ako ng enerhiya sa nangyari. Pumasok na si Isandro sa backseat, at sumakay na ako sa driver seat. "Sure kang ikaw ang magmamaneho?" tanong niya. "Yes, ako na." Nilingon ko muna si Indie at ikinabit na ang seatbealt niya. Napansin kong may luha sa mata niya kaya agad ko 'yong pinunasan. Kung anong oras siya umalis at pumunta sa cemetery. Hindi na rin daw kasi namalayan ng guard dahil iba na ang nakaduty simula nung umaga. But Tito will talk to the management of that cemetery to have a copy of their cctv review, good thing that they have 24/7 security. Sadyang nakakagulat lang 'yong nangyari sa labas ng waiting shed. Siguro hindi napansin agad ni Indie na iba ang sinakyan niya. Hindi niya siguro tiningnan 'yong plate number. Iyong nasakyan niya at dapat sasakyan niya ay parehas ng kulay kaya nakakalito talaga. Bago pa ako makapagmaneho ay may kumatok sa winshield, iyong tao ni Tito. Ngumiti ito at may inabot na pamilyar na gamit. Iyong pouch na pinaglalagyan niya ng board and pen niya. Basag na rin ang phone niya. "Ayan daw po pala 'yong nakuhang gamit sa kanya kanina." "Eto lang dala niya?" tanong ko. Tumango naman ito. "Yes, sir." Nilagay ko ang ibinigay niya sa dashboard at sumaludo na. I started the engine and drove away. Habang nasa byahe ay tumawag si Mommy. "Thank god you answered!" she exclaimed. "Hon, calm down." I heard my father's voice. "Paano ako kakalma, Dad? Dapat mabulok sa kulungan 'yong kung sinuman na iyon. Dinala niyo ba siya sa hospital? Nasaan na pala kayo?" sunod-sunod niyang tanong. "Papunta na kami diyan, Mom. Indie's sleeping. Can you please tell Dad to go to my server room? Paki-review naman ng cctv for last night." "Sure, iho!" sambit ni Daddy. "Anak, we'll wait for you here. Dahan-dahan lang sa pagmamaneho, if wala ka sa mood si Isandro na lang muna. Nakabili na rin kami sa Eataly's ng pagkain natin for lunch." Napangiti naman ako. "Yes, Mom. Thank you and love you so much." And the call ended. Muli kong sinulyapan si Indie. I just hope that she'll open up and talk to me when she wakes up. Gusto ko lang malaman mismo sa kanya ang nangyari. Kung hahayaan niya lang ang nangyari kanina, ako hindi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD