Weston Vega
"What the hell are you doing here?" I asked, irritatedly. It's already 9:00 in the morning and the first person who appeared in front of me was Isandro. Late na rin ako nagising dahil napasarap ang tulog ko.
"We don't have a duty!" he exclaimed, happily.
Naningkit ang mata ko. "I know, Isandro."
"Pwedeng tumambay?" he asked with a grin on his face.
"Wala ka bang bahay?"
"Alam mo na sagot diyan!" aniya at basta na lang pumasok sa unit ko.
Hahablutin ko na sana ang braso niya nang mabilis siyang tumakbo at sumampa sa sofa. Umagang-umaga mukhang pasasakitin ng lalaking ‘to ang ulo ko! May unit din naman siya at sariling bahay pero kung makatambay sa akin ay akala mo pinapabayaan nila Tita. Sanay naman na ako na andito siya pero andito rin si Indie! Halata naman na hindi komportable ang asawa ko sa mga tao.
"Andito si Indie!” paalala ko sa kanya.
“So?” hirit niya.
My eyes widened and snatched the pillow from the one-seater sofa and threw it to Isandro. “You dimwit! Of course, she’s not comfortable with strangers!”
Umismid naman siya. “I’m not a stranger! You’ve met me first before your wife!” Umikot pa ang mata niya.
I gasped. “The hell? Don’t tell me nagseselos ka?” tukso ko sa kanya.
Umakto siya na parang nasusuka kaya nauwi kami sa tawanan. Nailing na lang ako. "Hindi ko na magugulo si Ambrose kasi may baby na sila, ikaw na lang muna kasi ayaw naman sa 'yo ng asawa mo."
Muli ko siyang binato at napangisi kong inalala ang mga nangyari kahapon. That was a progress but I know that it was just temporary. Panigurado na mamaya at sa mga susunod na araw ay susungitan na naman niya ako. "Pinansin niya ako kahapon. We even go on a coffee night," pagmamalaki ko.
He laughed. "Is that a late night talk?" Hindi ako sumagot. "You're happy because she talked to you? Panandalian lang naman 'yan for sure! Mukhang napilitan lang naman ang asawa mo na pansinin ka tapos— ouch!" Napangiwi siya nang malakas kong naihagis sa kanya ang isang unan. "That was hard!" singhal pa niya.
"May isasakit pa 'yan kapag hindi ka tumigil," pananakot ko.
Napakamot na lang siya sa batok at bumusangot habang humihilata sa sofa. "Patambay na kasi, parang 'di ko naman gawain 'to," aniya na parang nagmamakaawa.
Wala na akong nagawa kundi ang hayaan siya. "I'll behave and be respectful to your wife," he said.
I chuckled, I'd say that he got scared because of his tone, it's not the usual. Hinayaan ko na lang siya at binuksan ang blinds ng glass window.
"Where's your wife?" Isandro asked.
I shrugged. "I don't know. Hindi ko pa siya nakikita ngayong umaga. Hope she's fine," I whispered.
I told Indie last night that I'll never forget that moment because we'd a wonderful evening. My Mom's happy because she already had a talk with her, mukhang nagkamabutihan pa sila. Naging masaya rin ako kasi may times na ang kalma niya sa akin, may times na ang sungit. Ang lala makairap, akala mo aalis 'yong eyeballs niya sa mata. I hope she's always like that, iyong nakakausap nang maayos at kalma lang. Parang lagi kasi siyang sasabog na akala mo ba dragon.
"Ngumingiti ka na mag-isa, delikado ka na." Narinig kong sambit ni Isandro habang pinapanuod ako.
"Nakita mo pa 'yon, ha?"
Natawa naman siya. "I was observing you."
"Why do you need to do that? I'm fine." Humarap ako sa kanya. "Do you want some coffee or any drinks?" I asked him.
Nailing naman siya. "I'm okay, thank you. Hayaan mo, ako bahala sa lunch mamaya." Tinaas-baba pa niya ang kilay niya.
Napangisi naman ako. "I want my favorite Chinese food, It's been a while since the last time I ate those."
"Sure, 'yon lang naman."
Nagpaalam muna ako kay Isandro para maligo. I just wore cargo shorts and a plain shirt. Dito lang din naman ako sa unit, baka mamaya bumisita ako sa Eataly's. Pupunta rin kasi si Ambrose ro'n para mag-monitor.
Nang makababa ay tumingin sa akin si Isandro at may itinuro. "Is that your phone? Parang kanina pa tumutunog, hindi nga lang sobrang lakas."
Napatingin ako ro'n at napansin ang phone ko na may naka-flash sa screen. I think someone is calling. Tinungo ko ang kinalalagyan no'n at kinuha ang phone.
Indie is calling… But why?
Instead of answering her phone call, I ran upstairs and went to her room. Nang mahawakan ko ang smart lock ay bumukas agad iyon, and it's not f*****g locked! My heart thumped in uneasiness when I widened the door. I roamed around and didn't see any trace of her. Tinahak ko rin 'yong banyo at closet niya pero wala siya ro'n. Muling tumunog ang phone ko at tumatawag ang number niya. I just had a bad feeling about it. Hindi ko alam pero kinakabahan ako habang pinipindot ang answer call.
"Hello? Is this Weston Vega? This is the Police Station Seven—"
I cut the caller. "What f*****g happened to her?" Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses. Hindi ko inalis ang phone sa tainga at tumungo sa kwarto ko para kunin ang wallet ko at susi ng kotse.
"We rescued a woman named Indie Emerson from a robbery by an unknown driver—"
"Where is she?"
"S-Sir, she's outside. We tried talking to her but she won't answer us—" Hindi ko na tinapos ang tawag at nagmadaling bumaba ng second floor.
"What happened? Why are you shouting?" Isandro asked in confusion.
"I'll go to Police Station Seven, something happened to Indie." God, I can't even f*****g recognized my voice because I'm literally shaking! I've never been this nervous in my entire life! Ngayon lang!
"I'll drive you, give me your keys and just calm down!" suway ni Isandro habang palabas kami ng unit. Mabibilis ang hakbang namin patungo sa elevator.
"P-Paano siya mapupunta ro'n? Magkasama kaming umuwi k-kagabi! Paano…" Nahilamos ko ang kamay sa mukha. "She got robbed by a f*****g driver!" sigaw ko pa.
Magkasama kami kagabi. Magkasama kaming umuwi! Paano nangyari 'yon? Umalis ba siya kanina? At anong nasa labas siya? Hindi ba nila pinapasok sa loob for safety? O di kaya dinala man lang sa hospital?! I tried calling Indie's number pero hindi na iyon sinasagot.
"This is what I'm talking about! This is the reason why I don't want her to leave all by herself!"
Habang nasa sasakyan ay hindi ako mapakali. Si Isandro ang nagmamaneho, ang dami niyang sinasabi pero walang pumapasok sa isip ko. Si Indie lang ang inaalala ko. Nasaktan ba siya? Anong ginawa sa kanya?
"Just stay serene , natakot na si Indie, huwag mo nang takutin pa ang asawa mo. Let her feel calm and safe," paalala ni Isandro sa akin. "Mahihirapan ka kung sasabayan mo ng init ng ulo mamaya."
I shut my eyes tightly and let out a heavy sigh. Sunod-sunod pa ang mahihinang mura ko. He's right, if I will burst out later, baka mas matakot si Indie at hindi ako pansinin. Sana lang talaga magawa ko. Nagdidilim ang paningin ko na para bang gusto ko saktan 'yong gumago sa kanya. Agad na nag-park si Isandro sa slot na nakita niya. Hindi pa niya tuluyang napapatay ang makina ay mabilis akong bumaba. Imbis na sa entrance ng police station ako dumiretso ay napunta ang mata ko sa bulto ng taong nakaupo sa gutter sa labas ng station, sa gilid iyon at medyo malayo sa entrance. The person was sitting on the gutter, hugging her knees. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakasuot siya ng cap. Sa buhok pa lang ay kilala ko na kung sino iyon.
What the hell? Bakit andito lang siya sa labas?!
"I-Indie," bulong ko at malalaki ang hakbang na tinungo ang kinaroroonan niya. May bottled water sa gilid niya at halatang hindi pa iyon naiinuman. Nakita ko si Isandro na nilalapitan ng dalawang pulis at may kinakausap siya sa phone. Siya na ang bahala.
Huminto ako sa harap ni Indie at nag-squat para mapantayan siya. Her face is buried on her knees. I can see that her right hand is shaking, habang hawak-hawak iyon ng kaliwang kamay niya. Damn it, my heart is thumping so fast.
"Indie…" Kinakabahan kong tawag sa kanya. Napansin ko ang paninigas niya sa kinalalagyan. "I'm h-here." Hindi ko na alam sasabihin ko! "It's Weston," bulong ko pa. Ilang segundo lang ay gumalaw siya, nag-angat ng mukha. Nagtama ang mata namin. Balot na balot ng takot ang nanginginig niyang mata. Nakita ko pang may sugat ang pisngi niya.
Parang nabunutan ako ng tinik sa pagtingin niya sa akin. I gave her a small smile and nod. "You're safe, I'm now here."
Napatingin ako sa kamay niyang nanginginig pa rin. "Can I hold your hand? It's shaking."
Hindi siya sumagot sa akin but the way she looked at me is something I should be taken care of. It looks like she's asking for any help from me. She looked so tired and pale. Marahan kong hinawakan ang kamay niya. Ramdam ko ang lamig no'n, I hope the warmth of my hand soothes her.
"We'll talk later, okay? But for now, just calm down. If you want to cry, nandito lang ako. I will not leave you. Isandro will take care of them. Wala bang masakit sa 'yo? Do you want me to bring you to the hospital?" sunod-sunod kong sambit.
Hindi niya inalis ang titig sa akin at para akong matutumba sa kinalalagyan dahil sa tingin niya. Maya-maya ay mas nanginig ang mata niya at tuluyan nang tumulo ang luha niya. Humigpit ang hawak ko sa kamay niya at hinila na siya patayo para yakapin. Sobrang higpit ng yakap ko sa kanya sa balikat dahil pakiramdam ko ay any minute by now ay matutumba na siya. Naramdaman ko ang pagkabasa ng shirt ko at kumapit na rin siya doon.
I closed my eyes tightly, let out a sigh of relief as I hugged her. She's now safe, and I'm holding her in my arms right now.