Chapter 15

1860 Words
Indie Emerson "Hi, Indie!" Nanigas ako sa kinauupuan ko nang maramdaman ang kamay ni Shane na humaplos sa braso ko habang bumabati sa akin. Pumisil pa iyon kaya halos magtayuan ang mga balahibo ko sa katawan. Shane, Ingrid's boyfriend, smiled at me as he sat in the chair in front of me. May bitbit siyang paperbag at alam kong para kay Ingrid 'yon. "Kanina pa kayo? Where's Ingrid?" he asked while looking around. Itinuro ko ang banyo. "Oh, comfort room?" Napatango naman ako. Inilapag niya sa tabi ang paperbag na hawak at may hinalungkat doon. Inilabas niya ang maliit pang paperbag at iniabot sa akin. "For you," aniya. Napatitig ako ro'n, iyong ngiti pa niya ay halos hindi na maalis sa labi niya. "Ibinili na rin kita," dagdag niya. Tumango na lang ako at hindi na nag-abala pang usisain iyon. Mabilis kong inilagay 'yon sa bag. Naging tahimik lang kami dalawa hanggang sa dumating si Ingrid. "Hi, babe!" she exclaimed and hugged Shane. Shane kissed Ingrid in front of me. Nahampas pa siya ni Ingrid. "Ang landi mo! Nasa harap lang si ate!" natatawa niyang sambit at kitang-kita ko ang pagkapula ng buong mukha niya. Shane and Ingrid are having a secret relationship for almost a year. Ako lang nga ang nakakaalam dahil bawal pa talaga siya magkaroon ng boyfriend. Napagsabihan ko siya kasi baka magalit sila Mama pero nagpumilit siya dahil mahal na mahal niya raw si Shane. Magkasing-edad lang kami ni Shane. Galing din siya sa mayamang pamilya. Kapag nagkikita silang dalawa ay lagi akong kasama para hindi magtaka si Manang at sila Mama. Sa family event at messages raw sila nagkausap. Shane courted her at sinagot naman niya agad after ng isang buwan. Mabait naman si Shane, but there's something in him that I'm not comfortable with. The way he smiles and touches me. Hindi ko dapat binibigyan ng malisya kaso hindi ko maiwasan na hindi mangamba. Kaya hangga't maaari hindi ko na lang siya masyado pinapansin. Napapasobra na siguro ang panunuod ko ng movies kaya kung anu-ano na ang naiisip ko. "Ayos lang naman sa 'yo Indie, 'di ba?" Nakangisi niyang tanong sa akin. Si Ingrid naman ay nakangiti lang at hinahampas ang boyfriend. "Hindi naman niya tayo isusumbong," dagdag pa niya at sumilay ang ngiti na hindi ko maipaliwanag. I was catching my breath when I woke up. Napahawak ako sa dibdib ko at napansin ang panginginig ng kanang kamay. Hinawakan ko 'yon at napatingin sa orasan na nasa tabi ng kama ko. It's already one in the morning. Dalawang oras pa lang ako nakakatulog mula nang umuwi kami ni Weston kanina. Hindi naman na bago 'yong mapapanaginipan ko 'yong mga ganap noon na kasama si Indie. Ang bago lang ay 'yong makita ko sa panaginip ang mukha ni Shane. I should not think about them but my dreams won't let me. Hindi pa rin maiwasan. I let out a heavy sigh and rose from my bed. Agad akong dumiretso sa may closet at kinuha ang oversized jacket ko at isinuot. Kinuha ko rin ang isang cap at inilagay sa ulo. Kumuha rin ako ng pera sa wallet ko at inilagay sa bulsa ng sweat pants. Nagsuot din ako ng rubber shoes. Mabilis at tahimik akong lumabas ng kwarto dala-dala ang crochet pouch ko at phone. Alanganin na ang oras pero naisip ko na pumunta sa Mausoleum ni Ingrid. Ilang buwan na rin akong hindi nakakadalaw gawa nang may nagbabantay minsan at ayaw ni Mama. Ayaw niya na pumupunta ako roon. May pass pa naman ako kaya makakapasok ako kahit na ganitong oras. Allowed sa Parishio Cemetery ang 24 hours visit as long as may visit or gate pass. Puro mayayaman ang mga nakalibing doon at puro Mausoleum. Mayroon sariling Mausoleum si Indie, hindi siya isinama sa ibang Emerson na sumakabilang buhay na. Tahimik kong tinahak ang hallway at bumaba sa hagdanan. Hindi ko alam kung gising pa si Weston, nakita kong bukas ang lamp sa living area pero walang tao. Tulog na rin siguro 'yon. It's been a long night for us, actually. I should be sleeping peacefully right now… but peacefully is not on my vocabulary. My life is a mess and so am I. I don't have a peaceful and positive mindset. Mahirap akong intindihin, mahirap akong pakisamahan. At mukhang mahihirapan din ako pakisamahan si Weston kasi magulo ang buong pagkatao ko. Binuksan ko ang pintuan ng penthouse niya, lumabas at tahimik na isinarado rin iyon. Tinakbo ko ang elevator at pinindot ang buttom doon. Feeling ko tuloy para akong magnanakaw sa asta at suot ko. Pumasok ako sa loob pagkabukas at pinindot ang lobby. Agad ko naman binuksan ang phone para makapag-book na. Dumiretso sa convenience store sa labas at doon na lang nagpa-pick up, bumili pa kasi ako ng bottled water. Ilang minuto pa ang lumipas ay dumating na 'yong binook ko at sumakay na ako. Mabilis ang byinahe namin dahil hindi naman na traffic. Nagpapa na lang ako sa entrance at ipinakita 'yong pass and identification card ko. Pinapasok din naman ako kaagad at tinahak ko na ang daan. Buti na lang nagsuot ako ng jacket dahil malamig. Madilim na pero may ilaw naman sa mga poste kaya hindi nakakatakot, hindi naman ako takot sa multo! Pero minsan kapag napaparanoid ako, may naiisip ako na kakaiba. Safe naman dito sa cemetery kasi private. May cctv din sa paligid at 24/7 na security. Mahaba pa ang nilakad ko hanggang sa makarating ako sa Mausoleum ni Ingrid. Maliwanag dahil may ilaw sa loob. It's a modern design mausoleum, may glass window sa harap pero hindi naman ganoon kalaki. Nasa ten to fifteen feet din ang taas no'n, may tatlong baitang pa ng hagdan bago marating ang spitfire door. May cross din na naka-emboss sa pader. Tinungo ko ang pintuan at agad na humawak sa smart lock doon. Nilagay ko ang thumb finger pero tumunog lang iyon. Kumunot ang noo ko sa nangyari. Gumagana ang fingerprint ko rito! Bakit ngayon ayaw?! Ilang beses ko pa iyong sinubukan pero wala talaga. Nilagay ko rin ang passcode na birthday mismo ni Ingrid pero wala! Multiple fingerprints ang nakalagay dito kaya imposibleng wala ang akin! Pinalitan ba nila or inalis nila ang akin? Sa inis ay nahampas ko ang pintuan at inalog pa iyon. Naramdaman ko na lang ang pag-iinit ng mata ko habang umaasa na mabubuksan iyon. Pati ba naman dito tinanggalan nila ako ng karapatan! Gusto ko lang naman makita at makausap si Ingrid! Humigpit ang hawak ko sa mahabang handlebar ng pinto hanggang sa mapaupo na lang ako sa marmol na sahig. Naramdaman ko ang pag-iinit ng mata ko at ilang segundo lang ay nauwi na ako sa paghikbi. I miss her so much. Kung hindi ko lang siguro sinunod 'yong gusto niya, hindi mangyayari 'to. Hindi kami masasangkot sa aksidente. Wala siya rito at kasama pa niya ako at ang mga Emerson. Mapait akong napangiti nang maisip na sana ako na lang ang nakalibing do'n. Hindi ko rin naman magagawa ang gusto niya na alagaan sila Mama at Papa kasi ayaw nila sa akin. Wala rin naman saysay kung buhay pa ako. Wala akong magulang, wala akong kaibigan, wala akong pamilya. Lahat sila ayaw sa katulad ko, hindi sila natutuwa sa kalagayan ko. I will die lonely and alone. Nasaan na kaya 'yong mga totoo kong magulang? Buhay pa ba sila? Anong ginagawa nila? Mayaman din kaya sila tulad ng mga Emerson o simple lang? May mga kapatid kaya ako? Katulad ko rin ba sila? Ilang taon na sila? Anong itsura nila? Ang dami-dami kong gustong malaman. Bakit nila ako iniwan at hinayaan sa ampunan? Ayaw ba nila sa akin? Siguro baby pa lang ako ay naramdaman na nila na magiging pabigat ako kaya maaga pa lang ay iniwan na nila ako. Marami akong gusto malaman pero hindi na ako umaasa na mabigyan pa lahat ng sagot. Habang iniisip 'yon ay lumakas ang pag-iyak ko. Napahawak ako sa kanang dibdib ko dahil sa sakit na nararamdaman. Tulo nang tulo 'yong pesteng luha ko. Dapat masaya ako kasi hindi ako pinalaglag ng magulang ko, dapat masaya ako kasi buhay ako… pero bakit ganito? Ang hirap para sa akin mabuhay. Ang sakit-sakit. Gustong-gusto ko na lang sumunod kay Ingrid. Baka doon masaya ako, walang ganito, hindi mabigat sa loob. Nakakapagod na talaga. Nakakapagod mabuhay sa kalagayan ko. Nakatulala akong naglalakad palabas ng cemetery. Nakatulog ako sa pwesto ko sa kakaiyak. Nagising na lang ako nang gisingin ako ng babae. Personnel staff siya ng cemetery. Sinabi niya na alas-otso na ng umaga. Nakatulog na pala ako habang umiiyak, hindi ko namalayan. Binati ako ng guard sa paglabas at agad akong pumwesto sa may waiting shed na naroon. Umupo muna ako dahil naramdaman ko ang pagsakit ng ulo ko, kumukulo na rin 'yong tiyan ko dahil sa gutom. Nang tingnan ko ang mukha ko kanina sa banyo ay maga ang mata ko sa kakaiyak at ang pula ng ilong ko, pakiramdam ko ay sisipunin ako. Habang akap-akap ang crochet pouch ay kinuha ko ang phone ko para mag-book. Malapit na rin akong maubusan ng battery! Ilang sandali pa ay may humintong kotse sa tapat ko. Ayan na siguro. Hindi ko na inusisa ang phone ko at ang kotseng nasa tapat, at saka mabilis na akong sumakay doon. Tumingin ako sa driver dahil hindi naman ako binati. Nasanay lang siguro ako na lagi akong binabati ng nasasakyan kong transport service. Umandar na ang sasakyan at humihikab kong ipinatong sa kandungan ang gamit na dala. Inaantok ako pero kailangan ko pa rin pumunta sa Art Bar. May kailangan din akong tapusin na commission. Ilang portraits din 'yon at malaki ang bayad. Nagpatugtog si kuyang driver at nagulat ako sa lakas no'n. Hindi ko na lang sinuway. Nagsalubong ang kilay ko nang maramdaman ang pag-vibrate ng phone ko sa hita. Unknown number. Hindi naman 'to si Weston dahil naka-save na ang number niya sa akin. Ilang beses pa 'yon nag-ring hanggang sa namatay na lang. Sa pagtigil ay tinext ko ang unknown number kung sino iyon. May notif din sa booking app na ginamit ko na your driver is here. Mas nagtaka ako nang mag-reply ang number na tumatawag. Unknown number: Good morning, ma'am. Andito na po ako sa tapat ng waiting shed. Nanlaki ang mata ko at nagsimula nang umusbong ang pangamba sa sarili. Agad kong binuksan ang booking app at nakitang nasa pick-up point sa waiting shed ang driver ko, hindi gumagalaw. And this car that I'm riding is now moving. Nanginginig ang mata kong napatingin sa rear mirror kung saan kita ang hindi pamilyar na mukha ng driver. Nagtama ang tingin namin at nakita ko ang pagngisi niya. Namali ako ng kotseng sinakyan… and this car will surely rob me or worst than that? Am I right? Mabilis kong hinawakan ang interior door handle at bago ko pa magalaw ay nakarinig ako ng pag-lock. Mabilis nahablot ng driver ang phone ko at wala akong magawa kundi ang manigas sa kinalalagyan. Hindi pa nga ako nakakabawi sa gulat dahil sa paghablot niya ng phone sa kamay ko ay biglang bumilis ang takbo ng sasakyan. Weston...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD