Chapter 14

1818 Words
Indie Emerson I was so downhearted that night, umalis ako ng party, sa exit ako dumaan at agad na nag-book ng sasakyan. Sa park malapit sa bahay ako nagpababa. I stayed there dahil magtataka si Manang kung bakit maaga akong umuwi. Ayokong mag-alala siya. Habang nasa park ay iniyak ko lang lahat. Pinsan ni Ingrid si Angela, nakakalaro namin siya nung bata pa kami kaso nung nalaman niya na hindi ako nakakapagsalita nagbago siya. Nagbago silang lahat, nag-iba ang turing nila sa akin. Mas tumindi pa ang trato nung namatay si Ingrid. Mama Isabelle's words lingered in my head. Lahat ng mga sinasabi nila ay nasa utak ko pa rin hanggang ngayon at naglalaro. Dahil sa kalagayan ko, ramdam na ramdam ko kung ano ang ipinagkait sa akin ng mundo. Hindi ko na napigilan ang pagluha nang yumakap sa akin ang Mommy ni Weston. I also hugged and cried silently, hinayaan niya lang ako hanggang sa kumalma na ako. “It’s okay to cry, Indie. Sometimes, you just have to let it all out para maging magaan ang pakiramdam mo. It’s not a sign of weakness, okay? I know that you’ve your silent battles at alam kong malalampasan mo iyon. Hindi ko na aalamin pa kung bakit gano’n kung umasta si Isabelle, basta pagkatapos no’n naisip ko na gusto kitang alagaan.” Nagkatinginan kaming dalawa at nginitian niya ako. “I don’t know your whole story, but I think that leaving that house and marrying my son will save you. It’s my way of dragging you out from Isabelle’s madness o kung anu pa man 'yon. Hindi kasi ako makatulog sa mga narinig ko sa inyo, sinabi ko ‘yon sa asawa ko. I don’t know what he did, but he just told me na naka-set na ang meeting niya with the Emerson’s. Naikwento ni Weslie kay Isabelle na lagi naming nirereto si Weston dahil gusto na namin siya mag-asawa, hanggang sa sabihin niya rin ang tungkol sa ‘yo. Little information lang naman ang ibinigay niya about sa ‘yo." “May inis ang asawa ko sa Mama mo dahil sa ginawa niya sa ‘yo. Kaya sinabi niya na kung pwede ay ireto kayong dalawa o hindi kaya magkaroon ng merging for the benefits of the company both sides. Nang sabihin sa akin ni Weslie ‘yon ay natuwa ako. Wala kaming pake sa benefits ng merging of companies, pera lang ‘yon at marami kami no’n, ang tanging naisip naming mag-asawa ay ang kalagayan mo.” Hindi na ako nakatiis at niyakap ko na si Ma’am Ester. Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko sa mga narinig pero kinuyom ko lang ang kamao. Alam ko sa sarili na ayokong umalis sa bahay kahit na ayaw nila sa akin dahil sa utang na loob sa pag-ampon nila sa akin. Pero napagtanto ko nitong mga nakaraang araw na tama lang din na umalis ako sa kanila dahil sarili ko lang ang pahihirapan ko sa mga sinasabi at ginawa nila sa akin. Kung hindi pa ako aalis ay baka mas lalo akong madurog. Sa tingin ko, it’s already the time to choose myself first. Lalayo muna ako sa mga Emerson. They gave me so much trauma. Gusto ko naman magpahinga mula sa kanila kasi nakakapagod pala. “Huwag kang mag-alala dahil safe ka kay Weston,” sabi niya nang maglayo kaming dalawa. “Makulit po siya.” Gumalaw na lang basta ang bibig ko. Napatakip ako ro’n at natawa si Ma’am Ester. “Wait! Hulaan ko ‘yang sinasabi mo. isa pa nga ulit!” natutuwa niyang aniya. Inulit ko ang sinabi kanina. Napapitik siya bago magsalita. “Makulit ang anak ko?” Sunod-sunod akong tumango at bahagyang natawa. Nahampas ako ni Ma’am Ester pero mahina lang ‘yon. “Nasa anak ko na lahat! Matalino, gwapo, mayaman, mabait kahit madaldal! Kaya saan ka pa?” May sumilay na maliit na ngiti sa labi ko sa narinig. May pinagmanahan talaga ang lalaking ‘yon. He’s definitely a ray of sunshine. A man full of warmth. Dumating na si Weston at nagreklamo pa kaya sinuway siya ng Mommy niya. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin, mukhang napansin niya na naiyak ako kaya dali-dali kong pinunasan ang mukha. Sa paglabas namin ay tinanong niya ako kung ayos lang ba ako and for the first time, I gave him a wide smile. Mabilis lang iyon para hindi na siya mag-alala. Mukhang paranoid din siya tulad ko. Kitang-kita ko ang gulat sa kanya nung nginitian ko siya. Napairap na lang ako. Parang ngayon lang nakakita ng babaeng ngumingiti. Nagtagal pa kami ng isang oras kela Weston hanggang sa magpaalam na siya. Humirit pa ang Mommy niya na balik daw kami sa susunod, hindi ko na nagawang tumanggi. Habang tinatahak namin ang village nila palabas ay sumenyas ako kay Weston. "Pwede ba tayong dumaan sa coffee shop? Kung may madadaanan tayo, if sobrang layo pa or wala okay lang." Mabilis siyang tumango. "Sure! May alam ako na madadaanan natin." I signed. "Thank you." At muling itinuon ang tingin sa bintana. Narinig ko na lang na binuksan niya 'yong stereo ng kotse kaya pumailanlang na ang magandang kanta. "Indie." Napatingin ako sa kanya, ang mata niya ay nakatingin lang sa daan. "Nag-enjoy ka ba? Pasensya ka na sa bunganga ni Mommy. Madaldal talaga 'yon." Pansin ko na nakangiti siya nang sabihin iyon. "May naikwento si Daddy sa amin dati na nilagyan niya ng tape ang bibig ni Mommy kasi ang ingay daw, but it was just for a short time." Gusto kong mangiti pero hindi ko na ipinakita sa kanya. I saw the way her father looked at his mother. There was this amusement in his face, his eyes were also sparkling and I'd feel his love for her… so much love and care. "I think I'm talking too much." Natawa pa siya. "If I really do, pwede mo naman sabihin lalo na kung naiinis ka para mabawasan ko rin kadaldalan ko." Hindi na ako nagsalita. I won't stop him. Ngayon pa lang kami nag-usap nang mahaba aside sa unang pagkikita namin na puro siya lang naman ang unang nag-i-insist. Kahit kapag nasa penthouse niya ay siya pa rin. Kung nakakapagsalita naman ako kakausapin ko rin siya, eh kaso hindi. So, I would just listen to him until he gets tired of talking. Hindi rin ako sanay sa usapan na palaging good vibes lang dahil sa bahay namin ay puro away at pagtatalo kami, puro sigawan. Kung meron man, bata pa ako no'n kaya sobrang tagal na rin. "Drive-thru or should I park?" he suddenly asked. I blinked when he spoke, I looked around and saw that we're approaching the coffee shop. "I want to dine-in, okay lang ba sa 'yo o drive-thru na lang para makauwi na tayo dahil pagod ka na at kailangan mo na magpahinga? Okay lang din naman kung iiwan mo ako rito, kaya ko naman umuwi mag-isa." Mahabang senyas ko sa kanya. He smiled. "Sure, we can dine-in. Hindi pa naman ako pagod at sanay ako sa puyatan," natatawa pa niyang sabi. Napatango na lang ako at bumaling sa backseat para kunin ang wallet ko. Nakahanap ng parking slot si Weston at sabay na kaming lumabas. Pinauna niya akong maglakad. May bumati sa amin na staff pagkapasok at napansin ko na wala masyadong tao. Napahinto ako para tumingin sa menu board nila. "Open ba for dine-in 'yong sa labas?" Narinig kong tanong ni Weston sa bumati sa amin. "Yes po, sir." "That's nice. Sige, doon na lang kami." Dahil hindi ko pala nadala 'yong board and pen ko ay hinintay ko si Weston. Nang maramdaman ko siya sa gilid ko ay tumingin ako sa kanya. "Pwede bang ikaw na lang ang mag-order? I forgot my pouch," senyas ko. "Sure, but this time—" "I'll pay," I mouthed to him, then handed the one-thousand peso bill. "Bilis," he mumbled. Napahilot pa siya sa tungki ng ilong niya at mahinang natawa. Seryoso lang akong nakatingin sa kanya, nakataas ang kilay. Inabot niya iyon at iwinagayway ang isang libo. "You're unbelievable." Naiiling niyang sambit. "What's your order?" he asked calmly. Lumapit ako sa counter at ngumiti sa cashier saka inabot ang menu at muling lumapit kay Weston. Itinuro ko sa kanya ang akin. "Java chips in venti and s'mores," banggit niya. "Wow, too much sugar," he said. Inabot niya ang menu na hawak ko. I just glared at him. "Dito ko rin ibabawas ang akin, ha?" Hindi ako sumagot. He chuckled. "Anything else?" he asked. Nailing ako at iniwan na siya. Mukhang may binulong pa siya pero hindi ko na 'yon masyadong narinig. Hindi ko na siya pinansin at umupo na sa isang pwesto ro'n. I was just watching him ordering. Napansin ko na grabe rin makangiti 'yong cashier, hindi ko alam kung dahil ba sa kinikilig siya o sadyang kailangan lang dahil customer si Weston. Sino ba naman kasi ang hindi mapapangiti kapag nakita nila si Weston? He's a good-looking guy! Hindi nga siya mukhang thirty. Limang taon pala ang tanda ko sa kanya. Should I call him kuya? Umiwas ako ng tingin nang sumandal sa counter si Weston paharap sa akin habang naghihintay ng order. Ramdam ko ang lagkit ng titig niya. Habang nakatulala ay naisip ko na kailangan ko maging mabait sa kanya habang magkasama kami. Kahit iyon lang ang maibigay ko. Mabait siya sa akin kaya dapat gano'n din ako. Ang bait pa ng pamilya niya. I felt like I found a new home with them. "Ang lalim ng iniisip mo." Mabilis akong napatingin kay Weston nang magsalita siya. I shook my head. Akala ko ay uupo siya pero humakbang siya palayo sa akin kaya nagtaka ako. He smiled. "Mas maganda sa kabila, presko." Hindi na ako kumontra at sinundan siya. Itinulak ng braso niya ang glassdoor kaya agad ko rin iyong hinawakan. Pagbukas ng pinto ay nadala na ng hangin ang buhok ko. Medyo mataas kasi na lugat ang nga nadaanan namin kanina. Tanaw ko na rin ang city lights! "I hope you like it here. Gabi na rin kasi kaya hindi natin makikita 'yong city view. Mas maganda rito kapag umaga." Doon kami umupo malapit sa may railings. Halos na-glue na 'yong mata ko sa view. Hinayaan ko na rin na sumayaw ang buhok ko sa malakas na hangin. Ilang minuto rin 'yon. "Feels good?" he asked. Nang tumingin ako sa kanya ay nakita kong ibinaba niya ang phone niya. "Thank you for bringing me here." Nakangiti kong senyas sa kanya. His eyes sparkle in bliss as he stared at me. Mabilis akong nag-iwas ng tingin at itinuon na lang ang pansin sa view habang sumisimsim ng java chips. Dalawang kamay ko pa ang nakahawak doon. Akala ko tuluyan nang mamamayani ang katahimikan sa amin hanggang sa magsalita siya. "I'll treasure this night 'coz for sure we're strangers or you're distant again tomorrow."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD