Chapter 13

1361 Words
Indie Emerson Weston apologized to me and I just said it's okay, hindi ko hahayaan na ilagay sa pahamak 'yong pangalan nila. Hindi ko naman hahayaan na may mangyari sa akin at mauwi na naman sa kung ano. Ayoko nang makarinig ng kung anu-ano sa mga tao. Tama na 'yong nangyari noon. I didn't go to the Art Bar and I was just reading a book the whole day. Alam kong pinapanood ako ni Weston that time, hinayaan ko lang din siya. Nilalapitan niya ako kapag inaalok ng pagkain. The next day, pumasok na ako. Maaga akong umuwi kasi nag-message sa akin ‘yong Mommy ni Weston. She asked if we had free time to visit her. Nahiya na ako kaya pumayag na ako. Maaga akong umuwi kasi baka sakaling makita ko siya pero wala pa pala kaya tumambay muna ako sa Yobo. Hindi ko agad napansin na may tumatawag kasi naka-silent ‘yong phone ko. Hanggang sa kunin ko ‘yong phone at makita ‘yong mga tawag ng isang unknown number– ni Weston. Ang kulit niya! Dinamihan ko na ‘yong reply para hindi na siya mangulit. May isinusulat ako sa journal ko nang makita ko siya. Weston still on his uniform, pero mukhang hindi ‘yon ang isinusuot nila sa duty. Parang police shirt lang na fitted iyon. Agad na napansin ng mata ko ‘yong baril niya sa hita kaya agad kong ipinatanggal ‘yon. Just like what I’ve said before, I don’t like policemen, that’s why their guns are included in the things that I hated. Her Mom is bubbly and chatty, may pinagmanahan si Weston. His Daddy was just smiling the whole time, naiiling na lang nga sa kakulitan ng asawa niya, ganoon din si Weston. Ngayon lang ako naka-encounter ng mga taong tulad nila na para bang wala lang sa kanila na pipi ako. They don’t mind talking to me non-stop as long as I’m fine and comfortable with it. Ang dami ko nga rin gustong sabihin at ikwento sa kanila kaso hindi ko naman magawa. Her mother, Ester, loves to travel and read. Iyong mga hindi niya raw nagawa no’ng kabataan niya ay ginagawa na niya ngayon lalo na malaki na ang mga anak niya. Hindi na nasundan pa ‘yong dalawang magkapatid kahit na gusto pa sana nila ng maraming anak. Kapag binubuksan ng Mommy ni Weston ‘yong topic about sa mga Emerson ko ay napansin ko na maingat siya sa pagtatanong lalo na sa pagdating sa akin at kay Mama. Alam kaya nila na ampon lang ako? Hindi rin naman kasi na-open ‘yon sa public dahil ayaw nila at baka ma-issue raw lalo na’t pipi ako at malayong-layo sa kanila. Naisipan ni Ma’am Ester na dalhin ako sa library niya para ipakita sa akin ‘yong iba niyang book collection, namangha ako sa dami no’n. Gusto ko rin magkaroon ng library sa bahay ko kapag nakabili na ako. Hindi ko na rin kasi naasikaso gawa na mapilit ako na manatili sa mga Emerson kahit na gusto naman na nila akong umalis do’n. “Mabait naman ba sa ‘yo ang anak ko?” tanong bigla ng Mommy ni Weston habang nasa library kami, nakatayo sa harap ng mga bookshelf. Tumango ako bilang sagot. Mabait naman si Weston kahit na nagkaroon kami ng pagtatalo kahapon, agad siyang humingi ng sorry. Naiintindihan ko siya at ang nais niyang iparating, medyo naging overthinker din ako kahit na totoo naman ‘yon. He will be at ease kapag hindi ako ang asawa niya. He deserves better and everything. He must not settle for a situation just like this. “I’m sorry, Indie.” Napatingin ako kay Ma’am Ester nang magsalita siya. She said… sorry? For what? Inabot niya ang dalawa kong kamay ay hinimas ng thumb finger niya ang likod ng kamay ko. “I’m sorry for putting you and my son in this set-up. Alam kong mahirap para sa ‘yo but trust me… ligtas ka sa anak ko.” Sa sinabi niya ay doon na ako mas nagtaka. Ligtas? Anong ibig niyang sabihin? “Naalala mo ba ‘yong 30th anniversary ng Emerson Empire?” she asked in a low voice. Bigla kong naramdaman ang malakas na pagkabog ng dibdib ko sa narinig. I remember that! That was four to five months ago! Hindi na niya ako hinintay makasagot nang muli siyang magsalita. “I saw you there wearing a black dress and holding a pouch. Ikaw agad ang una kong nakita dahil nag-iisa ka sa gilid at halatang hindi ka sanay sa ganong event. I asked my husband, Weslie, kung kilala ka niya at sinagot niya lang na baka anak ka ni Isabelle kasi nakita ka niyang kasama siya no’ng dumating kayo sa venue. Ikaw ‘yon ‘di ba?”Sunod-sunod akong tumango. “The whole time sayo lang ako nakatingin dahil nga nakuha mo ang atensyon ko. I was also mesmerized by your beauty. Hanggang sa nawala ka at nagpunta ako sa banyo. I was having my time there until I heard a commotion. Alam kong masama ang makinig sa usapan ng iba pero may nagtulak sa akin para gawin iyon.” Napayuko ako nang maalala ang naging pagtatalo namin ni Mama nang gabing ‘yon. Humigpit ang kapit ni Mama sa braso ko habang hinahatak namin ang banyo. Nakita niya kasi ako kanina sa hallway at basta na lang hinatak. Dumaing pa ako dahil ramdam ko ang kuko niya sa balat ko na halos bumaon doon. Pakiramdam ko mamaya ay magkakapasa na ako. Hawak pa ng isang kamay ko ang gown ko dahil sa haba no’n. Pabalya niya akong binitawan nang makapasok kaming dalawa sa banyo. “What are you doing here, Indie?” Mama asked in annoyance. “Wala ka dapat dito!” sigaw pa niya sa akin. Napapikit ako sa lakas no’n at umusbong ang takot sa akin. Dahil hindi naman nakakaintindi si Mama ng sign language ay mabilis kong kinuha ang board at pen sa crochet pouch na dala-dala at saka nagsulat. Habang nagsusulat ay ramdam ko ang frustration kay Mama dahil kung anu-ano na ang sinasabi niya. Nang matapos isulat ang dahilan kung bakit ako nagpunta rito sa event na ‘to kahit na hindi ko naman gusto ay ipinakita ko iyon kay Mama. Nanginginig pa ang kamay ko habang hawak ko ang board. “Nagpadala po si Angela ng package sa bahay na laman ‘tong dress. May sulat din po na nagsasabi na inutusan mo siyang padalhan ako para isuot at dapat pumunta ako. Ayoko naman po sana pumunta kaso sayang ‘tong damit at saka utos mo naman.” “Wala akong inuutusan!” sigaw niya. “Idadamay mo pa ang pamangkin ko! Siya nga ang nakakita sa ‘yo at nagsabi sa akin na andito ka. Paano ka niya papadalhan, eh abala siya sa mga pinsan niya!” Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng luha ko nang duru-duruin niya ang noo ko gamit ang daliri niya. “Natatakot ang mga pinsan mo dahil andito ka, alam mo naman na ayaw nila sa ‘yo pero nagpapakita ka pa rin. Next time, use your brain! Ipapahiya mo pa ako!” Akmang magsusulat ako nang pigilan niya ako. “Stop that, naiirita ako!” Napahawak siya sa ulo niya na para bang sumasakit iyon. Itinuro niya ang pouch ko at inutusan na ibalik iyon. “Naiirita ako sa 'yo kapag nakikita ‘yang gamit mo! God, I still can’t accept the fact that you’re mute at nag-alaga ako ng tulad mong kriminal.” Bulong lang ang huli niyang sinabi pero narinig ko iyon at halos tumagos iyon sa dibdib ko. Nanlambot ang mga tuhod ko at napahawak ako sa sink. Hinalungkat ni Mama ‘yong pouch niya at may kinuha ro’n. Inabutan niya ako ng ilang libo at nag-iwas siya ng tingin nang humikbi ako sa harapan niya. “Don’t cry in front of me, walang talab ‘yan. Use that money for your taxi fare at umuwi ka na sa bahay. I don’t wanna see your face here,” malamig niyang sambit at iniwan ako sa banyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD