Indie Emerson Nabitawan ko ang charcoal pencil nang maramdaman ang pangangalay ng kanang kamay. Hinilot ko muna iyon at pinatunog ang bawat daliri. Napansin kong gumalaw si Hank na tulog na tulog sa coffee table na ginilid muna namin. Si Weston naman ay nakahiga sa sofa kung saan din ako nakaupo. Nasa may bandang tiyan na ako nakapwesto at nasa likod ko naman siya, nakatagilid, mahimbing din ang tulog. Nakanganga pa bahagya ang bibig niya. Antok na antok na talaga siya. It's been hours since we did it. Nilinisan niya ako habang natutulog tapos nung nagising kami doon na kami naligo. Hapon na rin ngayon at tinuloy ko na 'yong ginagawa ko nung medyo maramdaman ko na kaya ko naman. Bumangon naman kami kanina for lunch at para makainom ulit ako ng gamot. Hindi na ako nakatulog ulit kaya nag

