"I'm sorry about that," he said. Napakamot pa siya sa ulo niya. "Ahm, are you busy?" he asked. I nodded and looked at my area. Marami na ngang kalat at wala na rin sa lagayan 'yong iba kong ginagamit na mga pencil. May kalat na rin ng tasa ro'n sa ibabaw ng isang bond paper. He pursed his lips. "I guess next time na lang?" Ngumiti siya at tinanguan ako. "Thank you again, Indie." Hindi pa umalis si Diesel after that, naglibot pa siya sa Art Bar at naghanap ng portraits na binibenta ko. Bumili siya ng dalawa na ako mismo ang may gawa at ibang portrait na gawa ng ibang artist. Pagkatapos no'n ay nagpaalam na siya sa akin. Tinukso pa ako ng ibang staff na nakakakilala sa kanya dahil after mawala ni Diesel ay ngayon lang ulit siya nagpakita sa amin. Muli akong bumalik sa working area at

