KEANNO'S POV-- Nagngangalit ang bagang ni Keanno habang nakatingin kay Sasa at Damon na magkahawak ang kamay. Kakarating niya lang galing Manila at ito ang maabutan niya. May nangyari sa kanila ni Sasa at umasa siyang iyon ang simula ng lahat para ayusin ang sa kanilang dalawa. Pero bakit magkahawak kamay ang dalawa? Kulang nalang ay takbuhin niya ang mga ito at ilayo si Sasa kay Damon. He was the one supposed to be doing that to her. Kung hindi lang niya kailangang ayusin ng personal ang kompanya niya ay hindi na sana siya aalis. Napagdesisyonan niyang hanggang sinusuyo niya ang babae ay dumito muna siya. At kapag maayos na ang lahat ay dadalhin niya ang mag ina at iuuwi sa bahay nila. Bumuga siya hangin at nag iba ng direksyong tinahak. Sa Casa siya dumeretso at sa kwartong nilaan

