" Ang hirap talaga ng buhay mangingisda, Lea. " wika sa kanya ni Ryan nang dumating ito mula sa pangingisda. Kahapon pa ng alas kuwatro ito umalis at umaga na nang bumalik. " Wala akong huli kahit pang ulam man lamang. " palatak nito.
" Ano ang gagawin natin ngayon? tanong niya.
Ngumiti ito.
" Huwag kang mamoroblema. Maraming trabaho rito basta masipag ka lang. Malapit na ang taniman ng tubo, magtatrabaho ako sa mga Mendoza. "
" M...Mendoza? "
" Oo. Yong dating asyenda ng mga Benitez dito ay nabili ng mga Mendoza. Iyon bang kilalang mayayaman at negosyante sa lungsod. Hanggang dito ay nakaabot ang pag nenegosyo nila at nabili nga iyong asyenda na dating pinag tatrabahuan ng mga tagarito."
" G...ganoon ba? " hindi niya matandaan kung saan niya narinig ang pangalang Mendoza, pero parang pamilyar sa kanya ang pangalang iyon.
Parang narinig na niya, nakasalamuha.
" S...sino ba ang Mendoza na narito? " kusang nanulas sa mga labi niya.
" Si Alexander Mendoza. Siya ang namahala sa asyendang nabili nila rito. "
" G...ganoon ba? "
" Oo. Kabilang ako sa mga sakada na nag tatrabaho sa tubuhan. "
Hinawakan niya ang ulo dahil bahagya iyong kumirot. Maagap naman siyang inalalayan ni Ryan papasok sa loob ng bahay.
" Hayaan mo, Lea kapag nakaipon na tayo ay patitingnan kita sa isang espesyalista sa utak para magbalik ang alaala mo. " sincere nitong wika.
" Maraming maraming salamat , Ryan at sa iyo ako napunta. Pero pakiusap huwag na huwag mong babanggitin sa iba ang totoong kalagayan ko. "
" Gagawin ko, Lea. Huwag kang mag alala. " pinisil nito ang palad niya.
" KUMUSTA ka na, pinsan? " salubong kay Kendrick ni Alex nang bumaba sila mula sa kotse.
Sa kalituhang nararamdaman, ipinasya ni Kendrick na magbiyahe muna, dinalaw niya ang pinsan na nakabase sa Valle Trinidad kung saan ito ang natokang mamahala sa bagong biling rancho at asyenda ng mga magulang na sina Danilo at Mariella.
" Heto. " sagot niyang nagkibit balikat.
" Bakit parang malungkot ka pa rin? " tanong nitong tinapik siya sa balikat. " Ngayon pang nagbalik na si Cassy? Naitawag na sa akin nina Tito Clinton na okay na, di ba? "
" She is in a state of amnesia. " sagot niyang nagpakawala ng buntung hininga.
" Nagbago ba ang feelings mo sa kanya ng dahil doon? " tanong nito habang naglalakad sila papasok sa loob ng kabahayan.
" I don't know. " iling niya. " Hindi ko maintindihan ang sarili ko. I feel something missing inside me. "
" So, ano ngayon ang plano mo? "
" Ewan ko. " pahinamad na naupo sa sofa ang binata. " Can I stay here for a while? "
" Sure. Alam mo, siguradong natutuwa ang mga kalaban natin sa negosyo sa balitang ang isang Mendoza na kagaya mo ay tinakbuhan ng babaeng pakakasalan niya. But no, hindi ka niya tinakbuhan. She was kidnap and tortured. Kaya nga siya nag ka amnesia, di ba? "
Naupo siya sa sofa at itinukod ang magkabilang palad sa mga hita.
" I'm just wondering kung paano siya nakarating sa Manila? Doon siya natagpuan ng babaeng kumupkop sa kanya. "
" Dinala siya roon ng kumidnap sa kanya, gano'n lang yon. "
" Pero bakit pa? " hindi niya makita ang logic doon.
" Ang mga taong gumagawa ng mga masasama ay kung anu ano ang naiisip upang makasiguro na hindi sila sumabit. " wika ni Alex.
" Sabagay. Siyanga pala, gusto kong maglibot dito sa hacienda mo. Nariyan ba ang paborito kong kabayo na ipinadala pala rito ng papa? "
" Oo, puntahan mo lang sa kuwadra. " sagot nito. " Naroon si Istoy. " tukoy nito sa tagapangalaga ng mga kabayo.
" Sige. "
" Kung gusto mo ay pasama kang mangabayo kay Istoy. Baka hindi mo pa kabisado ang lugar. "
" No, it's okay. Kapag naligaw ako ay mag tatanung tanong na lang ako kung paano makauwi rito. "
" Bahala ka. "