Episode 15 Pagkikita ni Kendrick at Lea

844 Words
Kahit malamig ang simoy ng hangin, nakadama ng pagkainip si Lea. Mag isa lang siya dahil nasa dagat si Ryan. Naisip niyang lumabas ng bahay at maglibot. " Ang ganda ng lugar na ito! kung alam ko lang kung sino ako, mas gugustuhin kong dito manirahan. " Kung saan saan siya nakarating, sa tubuhan, sa sagingan at maisan. Sa kalalakad niya ay nakarating siya sa isang makipot na landas. Sa ibaba niyon ay bangin at ilog. Natakam siya sa tubig ilog. Gusto niyang maligo roon. Mabilis niya iyong tinungo. Tahimik na tahimik ang lugar at wala siyang makitang kahit isang tao. Naghubad siya ng damit pero nagtira siya ng underwear. Excited siyang tumalon sa tubig. Sarap na sarap siya sa kanyang paliligo nang makarinig siya ng mga yabag ng kabayo. Tarantang umahon siya sa tubig at dinampot ang kanyang mga kasuotan. Nagkubli siya sa likod ng malaking bato habang nagbibihis. Natanaw niya ang lalaking sakay ng kabayo na pababa sa makipot na landas, ang ilog ang tinutumbok nito. " Naku, palapit dito. Sino kaya..... " Napatili siya nang makita ang isang malaking bato na gumugulong. Kitang kita niya na tumama iyon sa kabayo. Napatili siya nang masaksihan ang pagkahulog ng lalaking sakay ng kabayo. " Ahh! Saklolo! " sigaw ng lalaki. Alanganin man, mabilis niya iyong dinaluhan. Saglit siyang natigilan nang makita ang mukha nito. Pamilyar iyon sa kanya pero hindi niya matandaan kung saan niya nakita. " Ouch! God, ang sakit! " namimilipit ito sa sakit habang sapo ang tagiliran na tiyak ay tumama sa matigas na bagay. " S...sandali lang! " inalalayan niya itong tumayo. " Salamat. " anas nito na tumitig sa kanya. Kitang kita niya ang tila pagkagitla sa mukha nito. Noon lamang niya naalala na wala nga palang takip ang kanyang mukha. On impulse ay tumalikod siya rito. Pinitas niya ang dahon ng gabi na nakita niya at itinakip sa mukha. " Okay lang, Miss. " wika nito. " Hindi mo na kailangang takpan ang mukha mo. " Hindi ka natatakot sa mukha ko? " paanas na tanong niya. Kasunod niyon ay narinig niyang may binanggit itong pangalan. " Kilala mo ako? " tanong niyang kakaiba ang kaba. Umiling ito. " Sorry, Miss. " iling nito. " May naalala lang ako na ka boses mo. " sapo pa rin nito ang tagiliran. Ang kabayo nito ay nakahiga pa at hindi makatayo. " God, I can't walk. " deaperadong wika nito. " Aalalayan na lang kita. " pagkukusa niya. " Pakitawag na lang ang ilan sa mga tauhan namin para masundo ako. " wika nito. May kalakip nang awtoridad ang tono nito kahit nakikiusap ito. Hindi siya tuminag. " Hindi ho ako tagarito. " wika niya makaraan ang ilang saglit. " Hindi mo rin siguro ako kilala. " wika nito. " Ako si Kendrick Mendoza " sinulyapan nito ang kabayo. " Please go on that way. " binigyan siya nito ng instruction papunta sa bahay nito. " Hanapin mo ang pinsan ko na si Alexander Mendoza. Tell him this accident. " napangiwi ito. " S...Sige. " mabilis siyang lumakad. Malayo na ang nalakad niya nang makasalubong niya ang isang lalaki na may dalang kalabaw at balsa. " Mama, si Kendrick Mendoza na disgrasiya roon sa may ilog. Kailangan niya ng tulong. " Nataranta kaagad ang lalaki. Pero sa kabila niyon ay nakita pa rin niya ang kuryusidad na sumungaw sa mukha nito dahil sa nakita sa kanyang mukha. " Salamat sa impormasyon, Miss. " wika nito na nagmamadaling tinungo ang direksyon na ibinigay niya. Iniisip niya kung sasama siya rito o hindi. Ang isang bahagi ng isip niya ay gustong makitang muli ang gwapong mukha ni Kendrick Mendoza. Pero para naman siyang kinabahan. Ganoon pa man ay sumunod siya sa lalaki pero hindi nagpakita rito. Na relief siya nang daluhan nito si Kendrick. " Sir, naku kailangan ko kayong dalhin kaagad sa hospital at baka nabali ang buto ninyo sa tagiliran. " wika ng lalaki. " Hindi naman siguro. " sagot ni Kendrick. " Napuruhan lang ang laman at may ugat yatang naipit. " " NAKITA ko si Kendrick Mendoza kanina, Ryan. " kuwento ni Lea rito nang dumating ito. Pang ulam lang nila ang nahuli nitong isda. " Ang guwapo pala niya. " ikinuwento niya rito ang aksidenting nangyari. " Sa susunod ay huwag kang lumayo at baka kung ano pa ang mangyari sa iyo. Mabuti at hindi ikaw ang nabagsakan ng bato. Laging nangyayari ang ganoon dito. May mga naglalakihan kasing bato sa itaas ng ilog. " " Ano na kaya ang nangyari sa kanya? Sana ay hindi siya nabalian ng buto. " " Marami namang pera ang mga Mendoza kaya magagawan nila iyon ng paraan. " wika ni Ryan. " Thirty hectares ang lupang pag aari nila rito. Singkuwenta porsiyento niyon ay tubuhan. Rancho at maisan ang iba pa. May sagingan din sila. Ang yaman, di ba? " Tumango siya habang nag iisip. May mga lugar na nagkislapan sa balintataw niya. Pinilit niyang magbalik sa isip niya ang mga iyon kaya sumakit na naman ang ulo niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD