Episode 16 Pagkakatulad

830 Words
" Nasabi mo na yan kanina, Kendrick. " wika sa kanya ni Alex nang banggitin ulo niya ang tungkol sa babaeng tumulong sa kanya. Sinabi niya rito na kaboses ni Cassy ang babae. " Wala namang nakapagtataka roon. " wika nito. " Marami naman talagang tao ang magkapareho ang boses. " " Pero pati tindig niya ay para talagang kay Cassy. " wika niya. " Natigagal ako nang makita siya. Iyong mukha lang niya ang kakaiba. Para iyong inalisan ng laman. " kumislot ang mukha niya. Awang awa siya sa babae. " Sayang at hindi ko naitanong ang pangalan niya. " " What is so special about her? " tanong ni Alex na bahagyang kumunot ang noo. " Hindi ko maipaliwanag. Pero may kung anong meron siya na nakapukaw sa interes ko. Sigurado ka na hindi mo siya kilala? Umiling ito. " Sabi mo nga ay hindi tagarito. Tiyak na nagbakasyon lang iyon dito sa isang kamag anak. " " Gusto ko siyang makita uli. " wika niya. Tumindig siya at tinungo ang pinto. " Saan ka pupunta? Magang maga pa yang tagiliran mo. Hindi ka pa puwedeng umalis ng bahay. " " Mag lalakad lakad lang ako sa labas. " sagot niya. Mabuti na lang at hindi siya nabalian ng buto. May ugat lang na naipit pero nahilot na iyon ni Aling Maria, ang kilalang manghihilot sa lugar na iyon. " ALEX, I'll go with you. " wika ni Kendrick nang makita itong paalis ng bahay. Papunta ito sa tubuhan. Unang araw iyon ng pag tatanim ng tubo. " Hindi na ba masakit yang tagiliran mo? " tanong nito. " Hindi na. " " Mag lalakad lang ako, exercise rin iyon. " " Okay lang. " wika niya at mas nauna pang lumabas ng bahay. " Maglakad na lang tayo para ma exercise ang mga muscles mo. " wika nito na nilagpasan ang garahe. " You look weak and pale, Pinsan. " Nang makarating sila sa tubuhan ay napatingin si Kendrick sa isang bultong papalapit sa isang sakada. " Siya iyong tumulong sa akin, Pinsan. " wika niya na nakatingin sa direksyon ng bultong iyon. " Iyang babaeng may takip sa mukha? Iyang lumapit kay Ryan? " tanong ni Alex na nakatingin sa direksyong tinitingnan niya. " Oo, siya nga. " tango niya na humakbang palapit sa dalawang kasalubong. " Miss, salamat sa pagtulong mo sa akin noon sa may ilog. " ang nakangiting wika niya. " W...walang anuman, Sir. " " Tawagin mo na lang akong Kendrick. Ano nga pala ang pangalan mo? " Si Ryan ang sumagot. " Lea ho, Sir. Matalik ko ho siyang kaibigan. Hinatiran ho niya ako ng pagkain. " Makikipag kuwentuhan pa sana siya kay Lea pero tinawag na siya ni Alex. " Si Dennis. " wika nito sabay abot ng cellphone nito sa kanya. " Kanina ka pa raw niya tinatawagan sa cellphone mo pero walang sumasagot. " " Naiwan ko sa bahay. " wika niya. " Yes, Dennis? " " Come home. " ang agad na wika nito. " Kailangan ka ni Cassy. " Nakadama siya ng guilt. Dapat sana ay nasa tabi siya ni Cassy. Pero paano niya ba magawang manatili sa tabi nito gayong marami siyang agam agam na nararamdaman? Malaki rin ang ipinagbago nito. Naging aggressive ito at hindi niya iyon gusto. Na miss niya ang dating Cassy. Ipinaliwanag naman sa kanya ng doctor na dala ng anumang pinag daanan nito ang pag babagong iyon pero hindi niya matanggap. " Kendrick? " untag sa kanya ni Dennis. " Uuwi ako next week. " sagot niya sa mahinang tinig. Nagpaalam na siya rito. Matapos iabot kay Alex ang cellphone ay tumingin siya sa direksyon ni Ryan. Masaya itong kumakain kasama si Lea. May kung anong lungkot na kumudlit sa kanyang puso. Naalala niya ang mga masasayang sandali nila ni Cassy na pinagsaluhan nila sa panahong tinanggap na siya nito bilang magiging asawa. Hindi na yata nila iyon maibabalik pagkatapos ng mga nangyari. Lumabas sa check up na hindi na ito virgin. Marahil ay nirape ito ng mga dumukot dito. Pero hindi iyon ang dahilan ng pagbabago ng damdamin niya. May ibang dahilan na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya matukoy. " Pareho sila ni Cassy ng tindig, di ba Alex? baling niya rito. " Kapag nakatalikod, pero mas payat siya at kung maglakad ay parang naninimbang. She is hesitant in every move she makes. " Nag excuse siya rito at binalikan sina Ryan at Lea. Hindi niya mapigil ang sariling huwag alamin kung ano ang nangyari sa mukha nito. " Naaksidente po siya. " wika ni Ryan sa kanya. Halatang ayaw nitong pag usapan ang tungkol sa bagay na iyon. " I'm sorry. " wika niya. Nakadama siya ng matinding awa kay Lea. Sa tingin niya ay magandang babae ito base sa bone structure nito. Maputi at makinis ang mga braso nito't mga paa. Muli ay naisip na naman niyang malaki talaga ang pag kakatulad nito kay Cassy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD