" Nasa Manila na sina Ryan at Lea, Kendrick. " wika sa kanya ni Alex nang tawagan niya ang pinsan sa cellphone.
" Doon na ba sila titira? " dismayadong tanong niya.
" Siguro. Actually ay hindi siya nagpaalam sa akin. Nalaman ko lang sa mga kasama niyang sakada. About Lea, walang nakakakilala sa kanya kundi si Ryan. Wala na raw itong kamag anak sabi ng ilang sakadang malapit kay Ryan. "
" Alam mo ba kung saan sa Manila? "
Napatanga si Alex sa kanya.
" Huwag mong sabihin sa akin na pupuntahan mo si Lea? "
Nagpakawala siya ng buntung hininga. Kagabi ay napanaginipan niya si Lea. Humihingi raw ito ng tulong sa kanya. Sa panaginip niya ay damang dama niya ang matinding concern dito. At nagising siyang labis na nag aalala. Hindi niya maipaliwanag ang kanyang damdamin. Maawain talaga siya sa mga taong may kapansanan pero parang hindi lamang awa ang nararamdaman niya para kay Lea. Tila higit pa roon.
" Alex, I don't know how to explain this to you. " wika niyang tumanaw sa malayo. " Pero pakiramdam ko ay may responsibilidad ako kay Lea. "
" Hindi ko alam kung paano iintindihin ang damdamin mo na yan. " ang naiiling na wika ni Alex. " Bakit kailangan mong pakialaman ang buhay ng iba? Bakit hindi iyong problema ninyo ni Cassy ang harapin mo? "
Dama niya ang kakaibang pintig ng kanyang puso pagkarinig sa pangalan ni Cassy. Pero ang hindi niya maintindihan ay kung bakit iba ang nararamdaman niya sa tuwing nakakaharap niya si Cassy. Hindi na talaga katulad ng dati ang damdamin niya.
" Iyong tanong ko na lang ang sagutin mo, Alex. Alam mo ba ang address nina Lea sa Manila? "
" Hindi ko alam, Kendrick. " napapailing ito. " What is happening to you? You are really acting strange. Kahit sino ay maguguluhan sa iyo. "
" Ganoon din ako. " pag amin niya. " Sa ngayon ay iisa lang ang gusto kong gawin. Ang sundin ang dikta ng damdamin ko. Kailangan kong makita si Lea. Kailangan niya ang tulong ko, Alex. "
" Hindi kita pakikialaman. Alam ko kung gaano katigas ang ulo mo. "
" Kapag may impormasyon ka tungkol kay Lea ay iparating mo sa akin. " wika niya at saka nagpaalam nang umalis.
" FOR Christ sake, Kendrick! Alam mong wala na rito sa San Simon si Paul, iiwan mo na naman ako! " hindi napigilang wika ni Dennis nang magpaalam siya rito.
" May tao akong hahanapin doon. " walang gatol na sagot niya. " I promise, pagbalik ko ay babawi ako. Ako naman ang sasalo sa trabaho mo. "
" Iyon bang Lea na sinasabi ni Alex ang hahanapin mo roon? "
Tumango siya.
Matiim siyang tinitigan ni Dennis. " Tell me, what do you feel towards her? "
Hindi siya makasagot.
" Paano na si Eva? "
" I've told you, hindi ko na siya mahal. "
Tila nahahapong napapailing si Dennis. " Bakit ba lagi ka na lamang ganyan? Hindi na matapos tapos ang problema namin sa iyo, kay Cassy. " Tinapik siya nito nang marahan sa balikat. " Please Kendrick, spend time with Cassy. Ngayon ka niya higit na kailangan. "
Hindi siya nagsalita. Nagi guilty ba siya? Hindi niya matiyak. Sa panahong iyon ng kanyang buhay ay punong puno siya ng uncertainties. " Nakikiusap ako sa iyo, Kendrick be faithful. Ganoon ang pag ibig. "
" Dennis, kahit minsan ba ay hindi ka nagduda sa damdamin mo kay Joan? "
Umiling ito. " When I admit that I love her, I mean it. Kaya nga ipinaglaban ko siya sa iyo. "
" Hindi ko rin naman gusto ang nararamdaman kong ito, Dennis. Pero ano ang magagawa ko? Hindi ko na maramdaman iyong dati kong naramdaman kay Cassy. "
" Akala mo lang yan, Kendrick. Apektado ka pa rin kasi sa nangyari. Pero bakit hindi mo na lang iyon kalimutan? Hindi iyon kagustuhan ni Cassy. She was kidnapped... "
" Iyong sulat na iniwan niya, ebidensiya iyon na tinakasan niya talaga ang kasal namin. But that's not the point, brod. Ang punto ko ay nagbago na nga ang feelings ko. "
" Just give her a chance. Bago ka umalis dito sa San Simon, go out with her. "
Saglit na nag isip si Kendrick.
" Okay, I will. "
" Good! "
GABI na nang dumating si Ryan at halatang hapung hapo ito. Ipinaghanda niya kaagad ito ng pagkain. Ipinagsalin niya pa ito ng tubig sa baso. Talagang pinag sisilbihan niya ito ng buong puso.
" Kumusta ang araw mo? " tanong ni Ryan habang sumusubo. Gutom na gutom ito sa tingin ni Lea.
" Naiinip ako rito, Ryan. " sagot niya. " Umuwi na lang tayo sa probinsiya. Mas maganda roon. Malinis ang paligid at sariwa ang hangin. Sariwa pa ang mga pagkain. "
" Lea, narito ang tsansa para makilala mo ang pamilya mo. " wika nito.
" Paano? " dismayadong tanong niya. Inalis niya ang takip ng kanyang mukha. " Makikilala pa ba nila ako sa hitsura kung ito? "
" Pero kapag nakita mo sila ay malaki ang posibilidad na magbalik ang nawawala mong alaala.
" Paano ko sila makikita? Narito lang ako sa bahay. "
" Bukas ay linggo, lalabas tayo. Linggo linggo na tayong lalabas. Pupunta tayo sa kung saan saan. At saka nagsimula na akong mag imbestiga. Lahat ng mga kakilala ko at kaibigan ay tumulong sa akin na magtanong sa lahat ng makakasalamuha nila kung may nawawala ba silang kamag anak. "
" Napakaraming tao sa mundo, Ryan. " ang dismayadong wika niya. Habang tumatagal ay unti unti siyang nawawalan ng pag asang matagpuan pa niya ang kanyang pamilya. Lalo pa ngat may kaba siyang nararamdaman sa tuwing iniisip niya kung ano kaya ang nakaraang buhay niya.
" Pero gagawa ng paraan ang tadhana para matagpuan mo ang pamilya mo, Lea. Magtiwala ka sa akin. Gagawin ko ang lahat para makabalik ka sa kanila. "
" Maraming salamat, Ryan. " sincere na wika niya.