Episode 19 I don't want her Anymore

1326 Words
" May problema ba, Lea? " tanong sa kanya ni Ryan nang lapitan siya nitong nakaupo sa labas ng bahay. Tinitingnan niya ang mga rosas na itinanim niya roon. " Iniisip ko lang kung bakit ayaw mag balik nang alaala ko. " malungkot na wika niya. Naipa X-ray na nila ang kanyang ulo at wala naman iyong diperensiya. " Ayon sa nabasa kong libro ay maaaring psychological ang pagkakaroon ng amnesia. Masaklap siguro ang nakaraan mo kaya ayaw mo na iyong balikan pa. " " Ryan, bumalik na ba si Sir Kendrick? " tanong niya nang humarap dito. Na mimiss niya si Kendrick Mendoza. Sa katunayan ay nagpupumilit siyang pumunta sa tubuhan minsan para lang makita ito. Pero nabigo siyang masilayan ang mukha nito. " Bakit mo na itanong? " may kung anong damdamin na saglit na sumungaw sa mga mata nito. " Wala lang. " sagot niya na nagyuko ng ulo. " Lea, hindi lang ikaw ang babaeng naghahangad na mapabilang sa angkan ng mga Mendoza. Halos lahat ng mga kadalagahan dito ay nangarap na mapansin ng kahit sino sa kanila. " wika ni Ryan na bakas ang concern sa tinig. Hindi siya nakapagsalita. Obvious marahil sa mga kilos niya na may pagtingin siya kay Kendrick. " Ayokong masaktan ka, Lea. Kaya habang maaga pa ay kalimutan mo na ang anumang nararamdaman mo para kay Sir Kendrick. " Hindi siya nagsalita. Damang dama niya ang pagtutol ng isang bahagi ng kanyang puso sa sinabi ni Ryan. Ganoon man ay alam niyang tama ang sinabi nito. " Halika na, matulog na tayo. " hinawakan siya nito sa siko. " DENNIS, ayoko munang pumunta sa mga Gonzales. " wika ni Kendrick nang makabalik na ng San Simon. " Parang wala pa kaming dapat na pag usapan dahil sigurado na ako sa sarili ko na hindi ko na gustong magpakasal sa kanya. " " Pero ang akala ko ba ay mahal mo pa rin siya. " " Pangalan na lamang ni Cassy ang minahal ko." buong pait na wika niya. Nakakalito pero iyon talaga ang nararamdaman niya. May impact sa kanya ang pangalan ni Cassy. Pero kapag nakita na niya ito ay iba na ang nararamdaman niya. Dama niya ang unti unting pag usbong ng galit niya rito. Galit na hindi niya alam kung saan nagmumula. " Kailangan ay siguradong sigurado ka na sa desisyon mo, Kendrick. " seryosong wika ni Dennis. " Baka kung kailan ayaw mo na ay saka mo marealize na mahal mo pa pala siya. Alalahanin mo, nahirapan kang mapaibig noon si Cassy. " " I don't want her anymore. " mariing wika niya. Tinitigan siyang mabuti ni Dennis. " But what is that confussion in your eyes? "tanong nito. " I'm not confuse. " tanggi niya bagamat iyon talaga ang nararamdaman niya. " I'm very sure that I don't want her anymore. Tama lang ang desisyon kong ito. Isa akong baliw kung pakakasal ako sa isang babaeng tumakas sa araw ng aming kasal. That embarrassing moment, paano yon makakalimutan. " " Kakausapin ko sina papa, sasabihin ko sa kanya na bigyan ka pa ng isang linggo para makapag isip nang mabuti. For the mean time ay ipapa cancel ko na muna ang nakatakdang paghaharap natin sa mga Gonzales. " " I will not change my mind, Dennis. " mariing wika niya. " I'm afraid that you will. " puno ng makahulugan nitong wika at saka tinungo ang pinto. " Think it very well, brod. " " Okay, I will. " " LEA, tapos na ang trabaho ko sa hacienda kaya naisip ko na pumunta tayo sa Manila. " wika sa kanya ni Ryan nang dumating ito. " Bakit? Wala na bang ibang hanapbuhay rito? " protesta niya. Ayaw niyang umalis doon dahil kay Kendrick Mendoza. Baka bumalik doon ang binata. " Mayroon pa naman pero mas maganda ang magiging trabaho sa Manila. Sinulatan ako ng dati kong kasamahan sa trabaho roon. Mas malaki ang kikitain ko roon, Lea. " Nadismaya siya. " Gusto ko na sana rito, Ryan. " " Pero mas mapapaganda ang buhay natin sa Manila, Lea. Isa pa ay mas malaki ang tsansa na makita natin ang pamilya mo roon. Malay mo, pagdating natin sa Manila ay magbalik na ang alaala mo kapag nakita mo ang pamilya mo. Ganoon ang kadalasang nangyayari. " " Kung sabagay ay may punto ka. " pag sang ayon niya. " Kailan tayo aalis? " " Bukas na. Nakabili na ako ng ticket kanina. " dinukot nito ang dalawang ticket sa barko at ipinakita sa kanya. Binasa niya ang lahat ng impormasyong nakasulat sa ticket niya. Napamulagat siya pagkatapos. " Bakit Misis? " " Apelyido ko kasi ang ipinagamit ko sa iyo. " " Hindi lang naman mag asawa ang pareho ng apelyido. " " Huwag mo ng intindihin yan, Lea. " Walang kaso yan. Mag empake na tayo. Bukas nang madaling araw ang alis natin dahil alas sais nang umaga ang alis ng barko. " " Kendrick. " habol ni Lea ang hininga nang magising. Ang ganda ng mga eksenang napanaginipan niya. Nag dedate daw sila ni Kendrick. Parang nakapagkit pa sa kanyang isip ang mga lugar na kanilang pinuntahan. Parang hindi niya mapaniwalaan na nanaginip lamang siya. Para talagang totoong nangyayari ang mga eksena sa kanyang panaginip. " Nakapagkit na yata siya sa isip ko. " wika niyang yumakap sa kanyang unan. Damang dama niyang nahuhulog ang kalooban niya kay Kendrick. Nakadama siya ng matinding panlulumo. Walang kinabukasan ang nararamdaman niyang iyon. Mas makabubuting patayin na niya iyon habang maaga pa. Matamlay siyang bumangon at niligpit ang higaan. Itinulak lamang niya iyon sa ilalim ng isang sofa na butas butas na. Nagising na rin si Ryan at nag paalam sa kanyang bumili ng pandesal. Naghilamos siya at nag sepilyo. Nakapag walis at nakapag bunot na siya ng sahig ay hindi pa rin bumabalik si Ryan. Nangalumbaba na lamang siya sa may bintana at iniisip si Kendrick. Kakaiba talaga ang taglay nitong appeal. Hindi niya kailan man pag sasawaan ang mukha nito. Si Kendrick pa rin ang laman ng kanyang isip nang matanaw niya si Ryan na duguan. Tarantang sinalubong niya ito. " Ryan, anong nangyari sa iyo? " tanong niyang punung puno ng pag aalala. Sapo nito ang punong braso na may sugat. " Walang kaso ito, Lea. " sagot nito. " Huwag mo itong intindihin. Napag tripan lang ako sa labas. " " Ano? Napag tripan ka ng mga tambay sa labas. " " Wala tayong magagawa, napunta tayo sa lugar na..... " " Bakit kasi dito tayo tumira? Ang gulo rito. " " Wala naman kasi tayong pera na pang upa sa bahay na nasa disenteng lugar. " Oo nga pala, naalala niya. Mabilis na lang siyang naghagilap ng maipanggagamot sa sugat nito. Wala siyang makita. Nagpaalam siya rito na lumabas para bumili ng gamot. " Huwag na Lea. " pigil nito sa braso niya. " Baka mapagkatuwaan ka pa sa labas. Ikuha mo na lang ako ng tela para maipantali ko rito sa sugat ko. " Panyo ang ipinantali niya sa sugat nito. Pagkatapos ay nagpakulo siya ng tubig para panlinis sa sugat. " Alam mo, Lea natutuwa ako at nakilala kita. " seryosong wika ni Ryan habang nililinis niya ang sugat nito. " Masayang masaya ako sa piling mo, Lea. " Hindi siya nakapag salita. Dama niya ang malalim na kahulugan ng sinabi nito. " Sana ay hindi tayo magkahiwalay. " buong pag asam na wika nito. Hindi siya nagsalita. Si Kendrick ang nag susumiksik sa isip niya. Lumilitaw ang kabuuan nito sa kanyang balintataw. Tila nakapagkit na ito sa utak niya. " Pangako, poprotektahan kita laban sa lahat ng masasama, Lea. " puno ng katapatang wika nito. Kinabig siya nito gamit ang kabilang kamay. " Gano'n ka kahalaga sa akin. Lea. " Nakadama siya ng matinding kalungkutan. Malinaw na sa kanya na may malalim itong damdamin sa kanya. Nakakapang hinayang dahil batid niyang hindi niya magawang suklian iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD