Episode 18 Attraction

1108 Words
" Gusto mo ba ang pagkain doon? " tanong kay Kendrick ni Alex na nakikikain na naman sa baon ng mga sakada. Sadya itong nagyaya sa kanya na pumunta sila sa tubuhan para makasalo ang mga sakada sa pananghalian. May dala naman silang pagkain pero ayaw nitong kainin. Iyong pagkain ng mga sakada ang pinagdidiskitahan. Ang pagkain nila ay pinag aagawan naman ng mga sakada. " Hindi. " iling niya. " Tingin ka kasi nang tingin sa kanila. " anito. " Anong ulam nila? " " Isda at gulay. " Tumingin siya sa malaki nilang lunch box. Simot na ang pagkain doon. Bibigyan pa naman sana niya ng ulam sina Ryan at Lea. Nang makita niyang paalis na si Lea ay humabol siya rito. " Kendrick? " tanong nito sa kanya nang abutan niya. Napanganga siya. Wala siyang alam sabihin. Hindi niya alam kung bakit hinabol niya ito. " Ingat. " lumabas sa bibig ni Kendrick. " Salamat. Ikaw rin mag ingat ka. " " RYAN, alam ko na kung bakit pinag titiyagaan mo si Lea kahit pangit ang mukha niya. " dinig ni Lea na wika kay Ryan nang sakadang si Elson na dumaan sa kanila. Nasa silid siya at nagbibihis. " Ubod pala ng puti at kinis ang balat niyang hindi naka expose. " Ang sumunod niyon ay ang tila pag daing ni Elson. Nagmamadali siyang lumabas ng silid kahit hindi pa niya tapos ibutones ang suot niyang pang itaas. Nakita niyang pinipitserahan ni Ryan si Elson. " Hayop ka! " singhal ni Ryan sa mukha ni Elson. " Binubosohan mo si Lea? " Itinaas nito ang kamao para magpakawala ng suntok. Pinigil niya ito ng pagtili. " Ang gagong ito. " wika ni Ryan na patulak na binitiwan si Elson. Humihingal ito at galit nang humarap sa kanya. " May ginawang kalokohan. Umalis ka na! " baling nito kay Elson. Nagmamadali namang umalis si Elson. " Bukas ay aayusin ko ang banyo. " wika ni Rosendo na nakakuyom pa rin ang magkabilang kamao. " Mainit ang mga mata sa iyo ng ilang kalalakihan dito. " Nagyuko siya ng ulo. Alam niya na dahil sa mukha niya kaya na curious ang mga tao na makita ang katawan niya. " Naglagay na ako ng pagkain sa lunch box kaya hindi mo na kailangang pumunta sa tubuhan mamaya. Ang init init ng panahon tapos ay naghahatid ka ng pagkain sa akin. " " Okay lang iyon, Ryan. Gusto ko naman iyon para makakain ka ng bagong luto. " " Bagong luto naman ang kinakain ko sa umaga at sa gabi. " wika nito at saka nagpaalam nang umalis. Na dismaya siya. Hindi na niya makikita si Kendrick Mendoza. " KANINA pa nagkanda haba haba ang leeg ni Kendrick sa katitingin sa direksyon ni Ryan. Kumakain na ang ibang sakada pero ito ay hindi pa. Hindi pa kasi dumarating si Lea. Nakapagtataka. Pasado alas dose na. Sa nakaraang mga araw ay laging maaga kung dumating si Lea, alas onse pa lang ay dumarating na ito. " Sinong hinahanap mo, Pinsan? "tanong sa kanya ni Alex na nasa likuran niya. " Nagtaka lang ako kung bakit wala pa si Lea. " " Pinsan, huwag kang magagalit pero may napapansin ako sa iyong hindi normal. Are you falling for Lea? " Napamulagat siya rito. " Bakit mo naisip yan? " " Mahigit isang linggo ka na rito sa Valle Trinidad. Ngayon lang nangyaring nagtagal ka rito. I figure out that it is because of her. " " Naaawa lang ako sa kanya. " pabuntong hiningang wika ni Kendrick. " Tell me. " seryosong wika nito. " Ano ba talaga ang balak mo? Tumawag na naman si Dennis kani kanina lang. Kinukumusta ka niya. Tumatawag daw roon ang mga Gonzales para pag usapan ang tungkol sa inyo ni Cassy. " " For sure it is about the wedding. " mariin niyang wika. " Itutuloy mo ba ang pag papakasal kay Cassy? " " Pag katapos ng nangyari? " nagpakawala siya ng buntung hininga. " I can't decide that easily. Mahirap ang sitwasyon ko, Alex. " " Just say yes or no. " " I said I can't decide. " iling niya na bahagyang tumaas ang tinig. " So, in other words, pababayaan mo muna ang mga trabahong nakalaan sa iyo sa Hacienda Mendoza sa San Simon? " " Ibinilin ko naman iyon kina Paul at Royeth. " Napa buntong hininga na lang si Alex at hindi na kumibo. " KENDRICK, anas ni Lea nang matanaw itong nag jojogging. Mga sampung metro na lamang ang layo nito sa kanya. Makakasalubong niya ito. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya. Para siyang nenerbiyos na hindi niya maintindihan. " Hi, Lea! " bati nito sa kanya nang ganap na makalapit. Tumutulo ang pawis nito sa noo. Nakadama siya ng urge na punasan iyon ngunit pinigil niya ang sarili. " H...hello. " ganti niya na humigpit ang hawak sa telang nakatakip sa kanyang mukha. " Saan ang punta mo? " tanong nito. " Doon lang sa tindahan, bibili ako ng mantika. " Sumabay ito sa kanya at nakipag kwentuhan. " Tagasaan ka ba talaga, Lea? " interesadong tanong nito. " T...taga Manila ako. " " Ang pamilya mo? " " Wala na akong pamilya." kusa rin iyong lumuwas sa bibig niya. " I see. " tango nito. Tingin niya ay may gusto pa itong itanong ngunit nag aalangan ito. " Si Ryan nga pala? " Kahit hindi nito sabihin ay naramdaman niya na gusto nitong malaman kung ano talaga ang relasyon nila ni Ryan. " Nasa bahay siya. " Nang buhat sa di kalayuan ay napasulyap sila sa parating na kotse. Nang huminto iyon sa tapat nila ay lumabas roon ang isang lalaki na may hawig dito. Sa pakiwari ni Lea ay kilala niya ito. Sigurado siya na nakita na niya ito. Hindi nga lamang niya matandaan kung kailan at saan. " Dennis, bakit ka narito. " tanong ni Kendrick dito. " Sinusundo kita. " sagot ni Dennis na nakatingin sa kanya, bahagyang kumunot ang noo nito. " Hindi pa ako uuwi, Dennis. " sagot ni Kendrick. " You need to, Kendrick. Kailangan kang makausap ni papa. " tumingin uli sa kanya si Dennis. Parang may gustong itanong pero nag bago ang isip. " C'mon, Kendrick, mahaba ang byahe. " Bumaling sa kanya si Kendrick. " Bye, Lea. I'll see you when I get back. " Tumango lang siya. Sinundan niya ito ng tingin nang sumakay ito sa kotse. Kumaway pa ito sa kanya. Kumaway rin siya rito in return. Sinundan niya ng tingin ang papalayong kotse. Nakadama siya ng kahungkagan at hindi niya alam kung bakit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD