Mystery Girl POV
Ikinurap kurap niya ang mga mata. Nasa tabing dagat siya, nakadapa sa buhanginan at mahapdi ang kanyang mukha. Masakit ang buong katawan niya. At halos hindi niya magawang salubungin ang sikat ng araw.
Hinawakan niya ang kanyang ulo. Bakit ganoon? Bakit blangko iyon? Wala siyang maalalang pangyayari. Ni hindi niya kilala ang sarili. Iniisip pa niya kung bakit naroon siya sa lugar na iyon na napakatahimik. Tanging ang mga alon lamang sa dagat ang kanyang naririnig.
Tinangka niyang bumangon pero hindi niya kanyang buhatin ang katawan. Masakit na masakit talaga iyon. Tumihaya nalang siya sa buhanginan at kinapa ang kanyang sarili. Basa siya.
Muli siyang nagtangkang bumangon ngunit hindi niya talaga kaya. Hinayaan na muna niya ang sarili sa ganong ayos na nakatihaya. Pero humapding lalo ang kanyang mukha ng tamaan iyon ng sikat ng araw. Natakot siyang isipin kong anung nangyari sa mukha niya at ganoon na lamang ang hapdi at kirot na nararamdaman niya. Nanginginig ang kamay niyang kinapa iyon. Nag papanic ang kalooban niya, it was flesh, laman ang nakapa niya sa kanyang mukha.
" Diyos ko, anung nangyari sa mukha ko? " tanong niya na hinahabol ang paghinga. Gumapang siya patungo sa tubig upang tingnan ang mukha niya.
Napasigaw siya sa kanyang nakita. Halos ay hindi siya makapaniwalang mukha niya ang nakita sa tubig. Nakakatakot iyon, umuuka ang laman. Muli siyang tumili hanggang sa mapaos siya. Nang umiyak siya ay lalo lamang humapdi at kumirot ang kanyang mukha.
" Bakit ? anung nangyari sa akin? " umiiyak na dumapa siya sa buhanginan, hanggang muli siyang makatulog.