Episode 3 BETRAYED

577 Words
Kendrick POV " KENDRICK.... " " Please leave me alone. " wika ni Kendrick kay Dennis na papalapit sa kanya. Nakataas ang kamay niya bilang pag tataboy rito. " Kendrick, ilang araw kanyang hindi nakikipag usap.... " " Please go. I don't need anyone. All I want is to be alone. " " Kendrick, hindi makakatulong sa iyo ang ginagawa mo. Lalo kalang mababaon. " " Stop it! " Nagbuntung hininga ito. " Listen to me Kendrick. Hindi ako naniniwalang tinakasan ka ni Cassy. " " At ano ang gusto mong isipin ng lahat? Na may kumidnap sa kanya? Ganoon ba Dennis? " " Ganoon ang paniniwala ng mga magulang niya. " " Paano nila ipapaliwanag ang sulat na iyon? Kung kinidnap siya ay bakit siya mag iiwan ng ganoong sulat? At sino ang kumidnap sa kanya? " " Iyon nga ang pinapa imbestigahan ko at ng mga magulang niya. " " Wala nang dapat na paimbestigahan. " mariing wika niya. " Maliwanag ang ginawa niya. Pinaglaruan niya ako. Tiyak na sa mga sandaling ito ay naroon siya sa isang lugar at tumatawa. Savoring the pleasure of..... " " Wala sa character ni Cassy na gagawin niya iyon! And you know that, Kendrick ! " mariing wika nito. " Bakit ka ba nag iisip ng ganyan sa kanya? Hindi bat nagkaroon ka naman ng pagkakataong kilalanin siya? Kaya nga lalo mo siyang minahal hindi ba ? " " Akala ko lang pala iyon! Bahagi iyon ng drama niya. Don't you see? Dinadramahan lang niya ako.Tayong lahat. " " Hindi kita masisisi kung mag isip kaman ng ganyan. " puno ng pagsukong wika nito. " Pero sana ay malinawan din ang isip mo. Hindi ganoong klase si Cassy. Nag papanic na ngayon ang parents niya dahil hindi man lamang siya tumatawag sa bahay nila. Kung nag layas siya ay hindi niya matitiis na huwag kumuntak sa mga magulang niya. At saka hindi pa siya naglayas kahit minsan. " " Iyon na nga, hindi pa siya naglayas kahit minsan kaya nang makawala siya sa poder ng mga magulang niya ay animo siya ibon na nakawala sa kulungan. Hindi na siya babalik pa. Walang dahilan para kontakin pa niya ang parents niya. Sakal na sakal siya sa mga ito, she hates her parents. " " Sobra ka na, Kendrick. " wika ni Dennis na nagtiim ang bagang. " Hindi ganoon si Cassy." " Nakausap ko si Adrian, ang best friend niya. Kinontak ko siya. Tinanong ko siya kung may alam siya sa pagkawala ni Cassy. Ang totoo ay katulad din ng paniniwala mo ang paniniwala ko noong mga nakaraang araw. Pero matapos ng mga sinabi sa akin ni Adrian ay nagising ako mula sa pandadayang ginawa ko sa aking sarili. " " Hindi parin tayo dapat na magbigay ng conclusion. Patuloy kong pinakikilos ang mga tauhan natin. Maliit lang ang Pilipinas, makikita rin natin siya. " " Kapag nakita ninyo siya ay huwag mong iharap sa akin. " Tiim bagang na wika niya . " Dahil kapag nagkataon ay baka kung anu lang ang magawa ko sa kanya. " Napabuntong hininga nalang si Dennis. Damang dama nito ang paghihirap ng kalooban ng kapatid. Wala itong nagawa kundi iwanan na lang muna siya. Naiwang nakatigagal sa kawalan si Kendrick. " How could you do this to me, Cassy ? patuloy sa pagtatanong ang pusot isip ni Kendrick nang mapag isa. Tsaka niya naalala ang mga pangyayaring akala niya ay naayos na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD