Cassy Pov
Madilim ang mukha ni Cassy, ang dahilan kasi ay ngayon ang dating ng mag anak na Mendoza para pormal nang pag usapan ang mga detalye para sa nalalapit nilang kasal ni Kendrick Mendoza.
" Damn that man ! Akala ko'y nagkaintindihan na kami na hindi na siya papayag sa pagmamanipula ng aming mga magulang na ipakasal kami, bakit ngayon darating pa rin sila? "
Lalong na balisa si Cassy habang nakaupo sa kama niya. Maya maya ay tumayo siya at namintana.
" hmmp! Paano ko ba naman hahangarin na makasal sa kanya? Walang isang salita!" sumagap siya ng hangin upang mapuno ang dibdib.
Nang matigilan ang dalaga. Buhat sa bintanang kinaroroonan ay natanaw niya ang nagagahol na guwardiya sa pagbubukas ng malaking gate nila.
" Oh my God ! Narito na sila !" bahagya siyang napalunok at bumilis ang t***k ng kanyang puso.
" Anong gagawin ko? Hindi ako dapat mapasubo sa kasalang ito! Ayoko kay Kendrick! " litong nag palakad lakad sa kabuuan ng kanyang silid si Cassy.
Nanlalamig ang kanyang kamay na walang malamang gawin.
" Cassy! Bumaba ka na at nariyan na sina Balaeng Clinton at Balaeng Lucy. "
" H..ho ? " lalo siyang nataranta. " O..oho! "
" Bilisan mo at mag ayos kang mabuti, ha? Magpaganda ka ! Kailangang magandang maganda ka kapag nakaharap mo na ang mga biyenan mo! "
" s**t! " Napamura na lang siya. " Bakit kasi ako, Mama? Bakit ako ang gusto mong gawing puhunan para maabot mo ang pinapangarap mong posisyon sa mataas na antas ng lipunan? Bakit hindi pa kayo kuntinto ni Papa sa kayamanang naipundar ninyo? Bakit kailangan pa ninyong madigit sa pangalan ng mga Mendoza para lang makatiyak na lalong lalago ang negosyo ninyo? "
Narinig niya ang mga yabag na palayo sa kanyang silid. Humugot ng malalim na hininga ang dalaga, pagkuwa'y sinalubong niya ng tingin ang sariling repleksiyon sa malaking salamin na nasa kanyang silid.
" You'll pay for this, Kendrick. Alam ko na ngayon, binola mo lang ako ng sabihin mong ikaw na ang uurong ng kusa sa kasal na ipinipilit sa akin nina Mama at Papa. Gusto mo lang mapanatag ang loob ko kaya mo ako pinaasa! Pero kung inaakala mo na mata trap niyo ako, no way! Pag sisisihan mo ito! "
Pagkuwa'y inis na lumabas na ng kanyang silid ang dalaga. Ni hindi siya nag abalang mag ayos ng mukha, o magpulbo man lang. Hinayaan lang niyang nakalugay ang mahabang buhok at ang suot na walking short at blouse ay hindi rin niya pinalitan.
" Tingnan ko nga kung hindi ka ma turn off sa beauty ko! Akala mo ba'y magpapaganda ako para sa iyo, Mr. Kendrick Mendoza? hah, No way! "
Third Person
Napatayo sina Clinton at Lucy nang makitang pababa na ng hagdan si Cassy.
" Oh my! " napatuptup sa bibig si Carmina nang makita ang ayos ng anak na hindi sinunod ang utos nito na mag ayos at magbihis ng maganda.
Bahagya namang napapitlag si Kendrick sa pagkakaupo sa sofa nang makita si Cassy. May sumungaw na fondness sa mga mata niya nang magtama ang mga mata nila.
Isang pailalim at palihim na sulyap ang ipinukol ni Cassy sa binata at saka buong kaplastican na ngumiti kina Clinton at Lucy.
" Good evening ho." bati nito sa mga magulang niya. Pagkuwa'y humalik ito sa pisngi ni Lucy.
" Good evening, Hija. Cool na cool ka ahh." bulong ni Lucy sa kanya nang magdikit ang pisngi nila. " No wonder ikaw ang gusto ng anak ko, kahit anu ang ayos mo ay napakaganda mo parin. "
" H...ho? " bahagyang napapitlag si Cassy. Pero bumalik na sa upuan nito ang babae.
" Ang batang ito talaga, ni hindi man lang nagbihis ng maayos. " nahihiyang wika ni Carmina na apologetic na tumingin sa mag asawa, Pagkuwa'y kay Kendrick na hindi man lang sinulyapan ni Cassy.
" No, it's okay Balae. Alam mo naman ang mga kabataan ngayon, mas kumportable sa kaswal na damit. Anyway, talaga namang kahit na ano ang isuot ni Cassy ay bagay sa kanya. Hindi ba, Kendrick? " baling ni Clinton sa anak.
" Ho? " bahagya pang napapitlag si Kendrick. " Oho naman. "
" Aba at nagkakahiyaan pa yata ang ating mga anak. Ang mabuti pa ay kumain na muna tayo ng hapunan para mapag usapan na natin ang mga detalye ng kasal nila. " wika ni Carmina.
" Oo nga naman balae. " sabat ni Manuel na bihirang magsalita.
" Aba'y sige. "
Ilang sandali pa magkakasalo na sila sa pahabang mesa sa kumedor. Pinag sasaluhan nila ang masarap na putaheng matiyagang inihanda ni Carmina. Talagang gusto nitong ma impress ang magiging kabalae.
At bakit nga ba hindi, of all people na may kaya rin naman sa San Simon, sa kanila pa nakipag lapit ang pamilya ni Clinton Mendoza, hanggang sa maging magkakaibigan sila at kalaunan ay napag kasunduang ipakasal ang mga anak nila.
Natural na hindi tatanggi si Carmina at ang asawang si Manuel. Bukod sa malapit nang bumagsak ang negosyo nila, noon pa nila tinitingala ang mga Mendoza sa bayan nila.
Hindi nga nila malaman kung bakit ang anak nila ang napiling ligawan ng mga ito para ipareha sa anak ng mga ito.
" Then, it settled. Magsisimula na silang mag lakad ng mga kakailanganin para sa kasal nila. " wika ni Clinton.
" Oo naman Balae. " saka sinulyapan ni Carmina si Kendrick na walang ka kibu kubo sa pagkakaupo sa sofa.
" Oy Cassy, dalhin mo nga muna sa terrace itong si Kendrick at nang makapag kwentuhan naman kayo. Marami pa kaming pag uusapan nitong sina balae. "
" Ho? " bahagya pang napapitlag ang dalaga nang tampalin ng ina sa hita. " Ma.... "
" Oo nga naman Hija, samahan mo naman itong magiging manugang ko. " wika ni Manuel na tinitigan nang matiim ang anak. At alam ni Cassy ang kahulugan nang titig na iyon ng ama, inuutusan siya nito na sumunod sa suhestiyon ng kanyang ina.
" O...oho. Halika muna sa terrace, Kendrick. " muli ay pailalim ang ibinigay nitong tingin sa kanya at tuluyan na itong tumayo mula sa sofa.
Napabuntong hininga na lang si Kendrick na sa totoo lang, naiilang sa sobrang coldness na ipinakikita ni Cassy. Pagkuwa'y sumunod na siya sa dalaga na walang pakialam na nagtungo na sa terrace.