Episode 5 Pag Uusap

834 Words
" Nag usap na tayo, bakit hindi mo tinupad? " hindi lumilingon na wika ni Cassy nang maramdaman nitong nakatayo na siya sa may likuran nito. " I'm so sorry, pero hindi kasi pumayag ang mama't papa dahi.... " " Ang sabihin mo, wala ka talagang ginawang paraan para huwag matuloy ang pamanhikang ito. " " Cassy... " " Tell me Kendrick, ano bang hinahabol mo sa akin at ganyan na lang kung makipag cooperate ka sa mga magulang mo sa arranged marriage na ito? " " Masunurin lang akong anak Cassy. Pero kung ayaw mo talagang pakasal sa akin, bakit hindi ikaw ang gumawa ng paraan? Iyon ay kung kaya mong suwayin ang mama't papa mo. " " Wala akong power dito. " wika nito. " Kahit sinasabi ko kina mama at papa na ayaw kong pakasalan ka ay tuloy parin ang negotiation nila ng pamilya mo. Ikaw ang lalaki sa ating dalawa kaya ipakita mo ang pagiging lalaki mo. Tututulan mo ang kasal. " " Kung ayaw mo, edi huwag kang sumipot sa kasal natin. " pagalit niyang wika na napipikon na. " Bakit kailangan pang umabot sa ganon? Umorong ka na ngayon habang maaga pa. Kapag ikaw ang umurong ay wala nang magagawa ang parents ko. Alangan namang mamilit sila sa pamilya ninyo kung ayaw mo di ba? " " Puwes, ayoko! " " Di gusto mo rin nga ang kasalang ito! " " Cassy... " " Ohh tapos na ba kayong mag usap? " wika ni Carmina na palapit na sa kanila. " ahh, oho Tita Carmina. " ngumiti si Kendrick. " Kung gayon ay tawag ka na ng mama't papa mo, uuwi na raw kayo dahil bukas ay maaga kayong lalakad nitong si Cassy para sa mga lalakarin sa kasal ninyo. " " Ganoon ho ba? Sige ho. Ahh Cassy, susunduin nalang kita bukas. " " hmmp! " harapan nitong inirapan ang binata. " Cassy! " kaya naman napahumindig na lang si Carmina. " No, it's okay Tita. Napikon kasi siya sa biro ko kanina. Alis na ho kami. " " Sige Hijo, ingat kayo sa daan. Oyy Cassy, halika at ihatid natin sila sa gate. " sabay hawak ng babae sa braso ng anak at hinila siyang palakad. " Oho! Sandali lang ho at madadapa ako! " kaya naman lalo itong nag rebelde dahil damang dama nito na hanggang sa pag uwi ay aligaga ang ina sa pag aasikaso sa mag asawa at kay Kendrick. " hmp! Palibhasa ay takot na hindi sila makinabang nang husto ng papa sa kayamanan ng mga Mendoza! " " Hindi mo dapat pinakikitaan nang ganoon si Kendrick, Cassy! " galit na galit si Carmina nang sugurin sa silid nito ang dalaga. " Ma, ano pa bang gusto nyong gawin ko? Humarap naman ako sa pag uusap niyo kahit na sukang suka ako sa naririnig kong mga detalye sa kasal namin, ahh! " inis na wika ni Cassy. " Iyon na nga, ehhh humarap ka nga para namang ayaw mong ngumiti man lang. " " At paano naman ako ngingiti, alam naman ninyo ang dahilan ahh. " " Hanggang ngayon ba naman, hindi mo pa rin matanggap na talagang si Kendrick ang kapalaran mo? Isa pa, ano bang inaayaw mo sa kanya? Por Diyos Por Santo, Cassy! Napakagwapo ni Kendrick. Dito sa San Simon ay walang babaeng hindi nagnanais na makuha ang kahit na sino sa mga Mendoza. Aba, mas gwapo at mas mayaman na ang bagong henerasyon ng mga Mendoza ngayon! At sa tingin ko nakahihigit sa kanila si Kendrick. " " Puwes, hindi ako nasisilaw sa gandang lalaki at yaman niya, Mama. Para sa akin, parusa ang maging asawa ng isang kagaya niyang gwapo at mayaman. Isa pa, alam naman ninyo ang track record niya sa mga babae. Noong hindi pa ninyo minamanipula ang kasal namin, ilang beses ko na siyang nakita na may kasamang babae! God! Hindi ko mabilang kung ilang beses. " Napabuntong hininga na lang si Carmina. " Dahil nga wala pang direksyon ang buhay niya noon. Pero na sisiguro ko Cassy, kapag kasal na kayo ay titigil na ang malikot na puso ni Kendrick. After all, ikaw na rin ang nagsabi na certified playboy ang lalaking iyon, it means kung ayaw pa niyang tumigil sa paglalaro sa mga babae, kahit magulang niya ay hindi siya mapipilit na mag asawa, hindi ba? " Natigilan si Cassy sa sinabi ng ina. " Ohh, ano nakapag isip isip ka na ba na kaya pumayag si Kendrick na pakasalan ka ay dahil posibleng may gusto siya talaga sayo? " Lalong natigilan ang dalaga. " Hindi imposible yon, Mama. " " Ayy naku, bahala ka na nga sa gusto mong isipin. Mabuti pa matulog ka na at maaga ka pang susunduin ni Kendrick bukas. " Iyon lang at lumabas na ito ng silid ni Cassy. " Napabuntong hininga na lang ang dalaga at nahiga na sa kama nito. " Kakausapin ko uli siya, hindi ko pa rin matatanggap na magpakasal sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD