Episode 6 Escaping Plan

858 Words
" Ano pa ba ang kulang sa akin, Dennis? Bakit ba hindi ako magustuhan ni Cassy? " himutok ni Kendrick habang nagsasalin ng alak sa baso. " Hindi mo alam? Hindi mo alam na kaya tumatanggi si Cassy na pakasal sa iyo ay dahil kasalanan mo rin? " Bahagyang natigilan ang binata. " Anong ibig mong sabihin? " " Show her your affection Kendrick, iyan ang kulang. Oo nga't hindi ka tumutol nang itakda nila mama na pakasalan mo si Cassy, pero hindi mo rin yata sinabi sa kanya na kaya ka pumayag ay dahil noon mo pa siya gusto! " Natigilang muli si Kendrick. " Hindi mo ipinadarama sa kanya ang pagiging caring mo. Iyan ang weakness ng kahit na sinong babae. " " How could I do that? Ang sungit sungit ng babaeng iyon! " At totoo iyon, tuwing nasa bahay siya ng mga Gonzales noon ay lumalayo sa kanya si Cassy. Lagi itong dumidistansiya sa kanya na animo may sakit siyang nakakahawa. " You're an expert on that. " tiwalang sabi ni Dennis. " Alisin mo na nga ang pride, iyan ang nagpapahirap sa iyo. Ang humahadlang sa iyo para ipakita kay Cassy na isa kang kaibig ibig na lalaki. " " That's not true. Nang i-announce ang engagement namin ay ibinili ko na siya ng engagement ring at ipinaukit doon ang initial ng pangalan niya. " " Pero hindi mo naman ibinigay hindi ba? " Natigilan ang binata. Oo nga pala, hindi niya naibigay. Kasi naman, nang puntahan niya ito sa bahay para ibigay iyon, tanda ng kanyang pag amin na gusto niya rin ang naging kasunduan ng kanilang mga magulang ay sinalubong kaagad siya ni Cassy ng mga hindi magandang salita. Hinamon nito ang p*********i niya. Gusto nitong umurong siya sa kasal bilang patunay na isa siyang lalaking may paninindigan. He was really hurt. Right there ay nag desisyon siyang huwag ng pakasal kay Cassy. Sabi niya sa kanyang sarili, si Joan na lang ang pakakasalan niya, after all kasundong kasundo niya ito. Walang tensiyon sa kanilang pagitan. Sa ibang babae ay laging may tensiyon lalo na sa pagitan nila ni Cassy. Ipinabura niya ang initial ng pangalan ni Cassy sa singsing, wala siyang pakialam kahit nabawasan ang kapal niyon. Ipinaukit niya roon ang initial ng pangalan ni Joan. Sinabi niya ang bagay na iyon kay Dennis, feeling helpless dahil inilantad na niya ang lahat ng baraha niya. " I believe she likes you. " wika ni Dennis. " My instinct told me. Kailangan mo lang kumilos at mag tiyaga. " " Paano kung nagkamali ang instinct mo? " " Take the risk. " Napatitig siya rito. " Hindi natin kontrolado ang mga pangyayari sa mundo, Kendrick. We're just human. Lahat ng bagay ay may risk. Iyan ang isang katutuhanan na kailangan nating tanggapin. Do everything to win her heart. That's my advice. " " Thank you big brother. " wika niyang hinawakan ito nang mahigpit sa magkabilang braso. " Sometimes love is Destiny, Kendrick. " wika nito. " I do believe na kayo ni Cassy ang nakalaan para sa isa't isa. Kagaya ng kami pala talaga ni Joan ang para sa isa't isa. " Nabuhayan siya ng pag asa. " Bukas, may lakad kayo simulan mo na ang panunuyo. Itapon mo ang lahat ng restriksiyon mo sa katawan, okay? " Tuluyang sumigla ang binata. " Yeah, I'll do that. " " Good! " nag appear pa ng dalawang lalaki. Pero paano makakapag simula si Kendrick na ipakita kay Cassy ang totoong nadarama nito, kung kahit maaga itong dumating sa bahay ng dalaga ay may nag pasama na sa diskarte ng binata. Isang lalaki ang natanaw ni Kendrick na pinagbuksan ni Cassy ng gate at tuwang tuwa pang niyakap at agad na pinatuloy sa loob ng bahay. " Sino yon? " Natigilan ang binata at natapakan ang preno ng kotse. Pagkuwa'y saglit siyang nag isip kung tutuloy na sa loob o maghihintay nalang na lumabas ang lalaki. Samantala sa loob ng bahay nina Cassy, masiglang inasikaso ng dalaga ang bisita. " This is a surprise Adrian! Akala koy sobrang busy ka na sa trabaho mo at hindi na tayo magkikita. " " Puwede ba naman yon. Anyway, kaya nga pala ako nagpunta at dahil dito. " Inilapag ni Arnel ang diyaryong dala sa center table. " Ha? " bahagya pang nagulat ang dalaga nang makitang naroon ang larawan nila ni Kendrick noong i-announce ang engagement nila. " Hindi no manlang nabanggit sa akin ito? " " Oo nga ehh, bihira kasi tayong magkita kaya hindi ka na updated sa nangyayari sa akin. " bahagyang kumulimlim ang mukha ni Cassy. At hindi iyon nakaligtas sa paningin ni Adrian. " May problema ba sa pag papakasal mo sa kanya? " " Malaki. " at dahil si Adrian ang best friend nito, natagpuan ni Cassy ang sarili na sinasabi rito ang lahat. " Kung ayaw mo talaga sa kanya ay may magagawa ka naman. " seryusong wika nito pagkakuwan. " Ano? Tatakas ako? baka isumpa ako ng mga magulang ko. Ayoko namang mangyari iyon. " " It's the only way out. " wika nitong nagkibit balikat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD