" Ohhh, Kendrick bakit nariyan ka? " untag ni Carmina na sakay ng kotse nito at parating galing sa bayan.
" Ahh, hello Tita. "
Bumaba ang Babae sa kotse at lumapit sa nakaparada niyang sasakyan sa tapat ng gate nito.
" Bakit ka kako nariyan? Hindi ba't susunduin mo si Cassy ngayon at may lakad kayo sa kabayanan.? "
" ahhh, oho kaya lang ay may nauna na ho siyang bisita ehh. "
" Hah, sino? "
" Hindi ko ho kilala, payat na lalaking matangkad pero may itsura. Tuwang tuwa nga ng pagbuksan niya ng pinto.
" Ahh baka si Adrian. Ohhh, wag mong sabihing nagseselos ka? "
" Ho? Naku hindi ho! " Umiral ang pride niya.
" Ayyy, naku hindi ka dapat talaga magselos dahil bading yon. "
" Bading ho? "
" Oo naman. Ohhh halika na at pumasok ka. Aba'y baka tanghaliin kayo. "
" Sige ho. " Tila naman gumaan na ang kalooban ni Kendrick sa kaalamang iyon.
Pero muling sumama ang pakiramdam ng binata nang mabungaran nilang magkahawak kamay pa sina Adrian at Cassy habang nag uusap sa sala.
" Oy Cassy, narito na si Kendrick ahh. " saad ni Carmina sa anak.
" Magandang umaga ho. " napatayo naman si Adrian at nabitawan ang kamay niya, saka napatingin kay Kendrick at bahagya itong tinanguhan.
" Magandang umaga naman. Naku mabuti at narito ka. Alam mo bang ikakasal na yang kaibigan mo? "
" Ahh, oho nasabi na po ni Cassy. "
" Ahh Adrian, si Kendrick nga pala, Kendrick best friend ko si Adrian. " napilitan si Cassy na ipakilala sa isat isa ang dalawang lalaki.
" Kumusta ka na pare? " kinamayan ni Kendrick ang lalaki.
" Mabuti naman. Ah, sige aalis na muna ako, may lakad pa yata kayo ni Cassy. "
" Ayyy, oo. Magpapatahi na sila ng damit pang kasal at kukuha na ng lisensiya. " sabat ni Aling Carmina.
Inis na inis na naman sa ina si Cassy. Alam ng dalaga na gusto lang nitong ipangalandakan ang nalalapit na pakikipag isang dibdib nito sa isang Mendoza.
Nagtuloy na sa kusina si Carmina bitbit ang mga pinamili.
" Tutuloy na ako Cassy. " paalam ni Adrian sa dalaga na halatang naiilang kay Kendrick. Minsan pa itong tumango sa binata.
" Sige pare. " matabang na tugon ni Kendrick.
Pareho nilang sinundan ng tingin ang lalaking palabas na.
" Bading ba talaga yon? "
Bigla siyang napalingon dito, nagtataka.
"Sabi kasi ng mama mo kanina ay bading daw iyon. "
" Ahhh, oo bading iyon. Bading si Adrian. " maikling tugon ni Cassy na napakagat labi.
At nahalata iyon ni Kendrick. Nagduda tuloy siya na baka hindi nga bading si Adrian.
" Wala sa itsura niya. " wika ni Kendrick. " Mahirap paniwalaan. "
" Pero bading talaga iyon. " Iniwas nito ang mukha sa kanya.
" Ahh, so let's go? "
" S..sige. " lalong naging mailap ang mata ng dalaga.
" Cassy.... "
" Kung may gusto kang sabihin ay sabihin mo na. " naiinis na wika ni Cassy kay Kendrick dahil kanina pa siya nakatitig dito. Naiilang ito at hindi makakain dahil sa naramdamang tensiyon.
" Ayoko na ng ganito, Cassy. " daing niya. " Gusto ko ng maging honest sa iyo. "
Napangiwi si Cassy. Sa gesture niyang iyon ay tila nawala sa aura niya ang pagiging Mendoza. Para na lamang siyang ordinaryong tao, isang trabahador na gustong mangutang sa amo pero hindi makapag salita dahil sa patung patong na ang utang.
" Mag salita ka na. " wika nitong naiinis na.
" I want to be honest to you. "
" Sabi mo nga. " anitong lalong nainis.
" Cassy.... " walang babalang kinuha niya ang kamay nito at dinala sa dibdib.
" H...ha? " natural na nabigla si Cassy at hindi agad nakapag salita. Hindi rin nito malaman kung anu ang dapat isipin. Tumitig na lang siya sa mukha niya.
" Mahal kita, Cassy. " mahinang wika niya. There, nasabi na rin niya. " Kaya ako pumayag na pakasal sa iyo ay dahil sa feelings ko na ito. Nilunok ko na ang pride ko Cassy, wala ng natira sa akin. "
Nakatitig lang ito sa kanya. Parang nag malfunction ang utak nito.
" Gagawin ko ang lahat para matutunan mo akong mahalin. Just give me a chance. "
Hindi pa rin ito nagsalita.
" Hindi ka ba naniniwala? "
" Imposible ang sinasabi mo. " iyon ang lumabas sa bibig ni Cassy bagama't may kakaibang kislap na sumungaw sa mga mata nito.
" Pero iyon ang totoo. "
Hindi nakakibo ang dalaga. Hindi nito inaasahan ang rebelasyong iyon.