At sa marami pang pagkakataon na nagkasama sila ni Cassy, ipinadama ni Kendrick sa dalaga ang affection ng isang lalaki para sa isang babae.
Muling dinala ni Kendrick sa over looking sa San Simon at sa ibang magkakaratig na baryo si Cassy ng hapong iyon. Doon sila naglagi hanggang sa gumabi na.
" Napagod ka ba sa maghapon nating paglalakad ng mga kailangan sa kasal? " malambing na tanong ni Kendrick nang magkatabi na silang nakaupo sa mahabang banko at nakaharap sa mga bahayan.
At dahil mag papasko na, karamihan sa mga bahay at may mga Christmas light na kumukuti kutitap ang mga ilaw na may iba' t ibang kulay.
" H...hindi naman. " at ewan kung bakit mas kakaiba ang pakiramdam ni Cassy ngayon.
" Napaka romantic nang sitwasyon natin, di ba? " lumapit siya nang upo sa dalaga at inakbayan ito. Naramdaman niya ang tila paninigas ng katawan nito. Alam ng binata na hindi ito komportable sa akbay niya. Pero hindi rin naman niya masabing hindi nito iyon nagustuhan.
" Gusto ko na maging normal ang lahat kaya habang paparating ang kasal natin ay uubusin ko ang panahon ko sa panunuyo sa iyo. Liligawan kita. "
Inalis nito ang pagkakaakbay niya rito.
" M...mahal mo ba talaga ako? "seryosong tanong nito.
" The fact that I will marry you is an assurance. I'm already showing you everything about me. Bakit nagdududa ka pa? "
" K...kasi bakit ngayon mo lang inaamin yan? G...gusto mo pala ako, bakit hindi mo ako niligawan muna bago ka pumayag sa gusto nina mama at ng mama mo na makasal tayo? "
" Natakot kasi akong ma reject. I never experience that. Walang babaeng tumanggi sa akin. Samantalang ikaw, parang galit ka sa akin. Kakaiba ka sa lahat. Hindi ka katulad ng mga babaeng iyon na kinikilig kapag nakikita ako. "
" Ganoon? "
Napabuntong hininga na lang si Kendrick.
" Cassy, magalit ka kaya sa akin kung sabihin ko ang totoo? "
" A...anong totoo? "
" Nang marinig kong boto ang mama ko sa iyo kapag kausap niya ang mama mo, bigla akong nag ka ideya. I told her that I wanna marry you. "
" H...ha? " gulat itong napalingon sa kanya.
Hindi nito inaasahan na nakatingin din pala siya rito kaya nagtama ang mga mata nila.
" It's me who manipulated all this, Cassy. Ako ang nag utos kay mama na hingin ang kamay mo sa iyong mama. Noong una at ayaw nila, hindi raw sila pabor sa arrange marriage. Kung gusto raw kita ay bakit hindi kita ligawan. Pero ng makita nila ng papa na seryoso ako, pumayag na rin sila. Gusto kasi ng papa na lumagay na rin ako sa tahimik. At naniniwala siyang mas magiging seryoso ako sa paghawak ng mga negosyo kung mag kakaroon na ako ng pamilya. Then, hiningan nila ako ng assurance na mapapaibig kita. I told them na kayang kaya kitang paibigin dahil feeling ko naman ay...ay may gusto ka rin sa akin. "
" What? "nanlaki ang mga mata nito sa narinig at parang gusto siyang awayin.
" Cassy, please don't get mad at me. " bigla niyang hinawakan ang kamay nito. " Huwag na tayong mag away please. Huwag mo na akong awayin. " saka marahan niyang pinisil ang palad ng dalaga.
" Mayabang ka pa rin, Kendrick Mendoza. " naiiling na wika nito. " Gano'n ba talaga ang mga dugong Mendoza? Umaapaw ang tiwala sa sarili? "
" Hindi sa lahat ng panahon." pag amin niya. " I lost my confidence when I saw you. " ano pa ba ang dahilan para magkaila siya? afterall, nasabi na niya ang lahat dito.
" Pero bumalik na iyon ngayon dahil sa tingin mo ay napabilang na ako sa mga babaeng iyon na nahulog sa karisma mo, right. " Habang sinasabi iyon ni Cassy ay hindi niya alam kung naiinis ito o hindi. Hinawakan ni Kendrick ang baba ng dalaga at bahagyang itinaas habang nakatingala to sa kanya.
" Nahulog ka na nga ba sa karisma ko? "
Napalunok ito at hindi nakasagot.
At nararamdaman ni Kendrick, unti unti nang bumibigay ang dalaga. Kaya lakas loob, dahan dahan niyang inilapit ang mukha sa mukha nito.
" K...Kendrick! " halatang naalerto ang dalaga.
Ngunit hindi na mapapalampas ni Kendrick ang pagkakataong iyon. Hanggang tuluyang magkalapit ang mga labi nila.
Bahala na kung masampal siya pagkatapos niyon, ngunit talagang noon pa niya pangarap na mahalikan ang labi ng dalaga.
" K...Kendrick.." anas nito bago tuluyang naglapat ang mga labi nila.
It's an overwhelming feeling, damang dama iyon ni Kendrick sa kanyang puso. Kahit pa marami na rin naman siyang nahalikan na babae, iba pala ang lasa ng mga labi ng babaeng talagang mahal niya.
Noong una ay dampi lang. Parang nananantiya si Kendrick kung ikagagalit iyon ni Cassy. Ngunit narinig niya ang mahinang ungol nito, na tila ba nasasaktan pero hindi naman.
Nang bahagya siyang dumilat ay nakita niyang nakapikit ang dalaga.
" Ohh Cassy! " kaya tuluyang nakalimot ang binata, dumiin ang halik niya sa labi nito. Naging mapusok, mapaghanap. Ayaw lang niyang magbigay, nanghihingi rin siya... ng katugon.
At hindi naman siya nabigo, naramdaman niya na ginagagad na nito ang galaw ng kanya ng kanyang mga labi, tumutugon...humahabol sa mapusok na paraan nang paghalik niya.
Napakurap si Kendrick sa bahaging iyon nang pagbabalik tanaw sa nakaraan.
" How could you do this to me, Cassy. Akala ko okay na tayo. Akala ko, natanggap mo na akong talaga at minahal na rin. Pero bakit mo ako iniwan? " gigil na tinungga ni Kendrick ang lamang alak sa kopita niya.
" Damn it, Cassy! Damn it! Bakit ba ikaw pa ang minahal ko? " at itinuloy ng binata ang pag inom. Gusto niyang lunurin ang sarili sa alak. Gusto niyang makalimot.
Itinakip niya ang kamay sa kanyang mukha upang protektahan iyon laban sa sikat ng araw. Makirot at mahapdi pa rin iyon kahit bahagya ng natuyo ang laman. Inabutan na siya ng paglubog at pagsikat ng araw sa lugar na iyon na kinaroroonan niya ay wala siyang makitang ibang tao.
Matinding hirap na ang dinaranas niya. Kagabi ay nagkubli siya sa mga malalaking bato upang labanan ang ginaw na umaatake sa kanya. Hindi pa siya gaanong nakakapaglibot sa lugar na iyon dahil mahina pa rin ang katawan niya. Wala siyang kinakain kaya paano siya lalakas?
Ang tanging konsolasyon na lamang niya ay ang matabang na tubig na nagmula sa isang bukal na nasa ilalim ng isang malaking malaking bato na animo payong. Maraming malalaking bato sa lugar na iyon. Marami ring mga tuod at may ilang puno ng niyog at iba pang malalaking kahoy. Hinihintay lang niyang bumaba ang level ng pananankit ng katawan niya bago niya pilitin ang sariling umakyat sa puno ng niyog para kumuha ng buko.
" Diyos ko tagarito ba ako? " tanong niyang tumitingala sa langit. Saan siya nagmula? Nasaan ang pamilya niya? At ang pinakamalaking katanungan ay iyong nangyari sa mukha niya. Bakit iyon nagkaganoon? May sumalbahe ba sa kanya? Tiningnan niya ang magkabilang braso, maputi iyon, sa kabila ng ilang gasgas na naroon ay halata pa ring dati iyong makinis. Sumilip siya sa loob ng kanyang damit. Maputi at makinis na balat ang nakita niya.
" Dito na ba ako mamamatay? "