LUISEE Matamlay akong bumangon sa aking higaan. Parang ang bigat ng pakiramdam ko. Sumasakit din ang ulo ko. Pero kailangan ko pumasok kahit abala ang lahat dahil sa magaganap na Masquerade Ball. Dalawang araw na ang nakalilipas simula ng maulanan ako. Panay din ang bahing ko. Kahit nga ayoko uminom ng gamot ay uminom ako dahil ayoko magtuloy-tuloy ang nararamdaman ko. Pero ngayon tila hindi ko yata kaya ang bigat ng katawan ko. Kahit nilalamig ay pinilit kong maligo. Limang minuto lang yata ako sa loob ng banyo ay lumabas na ako. Hindi ko na rin nagawa pa ang uminom ng kape. Hindi ko kayang gumalaw ng gumalaw. Umiikot ang paningin ko. Hindi ko rin pinuwersa ang sarili na maglakad ng mabilis dahil baka kapag ginawa ko iyon ay hindi ako makarating sa university dahil natumba na ako

