LUISEE Napaigtad ako mula sa aking kinauupuan ng kumulog ng malakas. Sumilip ako sa wall glass kung saan nakikita ang labas. Makulimlim ang mga ulap na tila ano mang oras ay may nagbabadyang pagbuhos ng ulan. Dinig ko ang bulungan ng mga kaklase ko. Ang iba ay nagrereklamo dahil wala silang dalang payong. Ang iba naman ay hindi naman daw tag-ulan pero bakit madalas ang pag-ulan? Ilang araw na kasi ang maya't mayang pagbuhos ng ulan. Ang sabi sa pag-asa ay may low pressure area na pumasok sa bansa. Dahilan iyon para may panaka-nakang pagbuhos ng ulan. Humugot ako ng malalim na buntong hininga habang nakapangalumbabang nakatanaw sa labas. Ang laki ng problema ng mga kaklase ko. Samantalang ako, ang payong ko hindi ko dinadala dahil tamad ko iyon bitbitin. Patapos na ang klase namin

