HABANG nagliligpit ng kanyang mga damit na dadalhin sa Maynila, narinig ni Elena ang ilang katok sa harapan ng pinto. Napangiti siya nang makita ang nobyo. Ngunit 'agad din siyang nagtaka ng makita ang kaseryosohan sa mukha nito. "May problema ba?" Hindi nito pinansin ang paghalik niya sa labi nito. Nasundan niya ito nang tahimik itong pumasok sa loob. Kaagad naman niyang isinara ang pinto. Ang kanyang Ina at Ama, nasa hacienda na. "Bakit ka nagsinungaling sa akin?" tanong nito. Ramdam ni Elena ang pagkabog ng kanyang dibdib. Hindi niya napigilang mapalunok sa harapan nito. Sa nakikita ng kanyang mga mata, mukhang alam na nito kung saang kompanya siya magtatrabaho. Kung bakit sa takot na hindi siya nito payagan, napagdesisyunan niyang magsinungaling sa nobyo. Nawala sa isip niya

