chapter 1
Nana Irish, pwede po bang sabihin niyo kay mommy na sainyo na lang po ako sasama? ayaw ko po dun kila tita Jonah, mas gusto ko po sa probensya ninyo. ani ng pitong taong gulang na batang si faye.
- naku kang bata ka, hindi naman ako uuwi or mag babakasyon sa amin. Staka Ang layo ng probensya namin anak. alam mo naman ang mommy khala mo faye, baka hindi yon papayag, para din naman saiyo itong ginagawa ng mommy at daddy mo anak, at babalik din naman agad sila madam pagkatapos ng kanilang business meeting, isang buwan lang naman diba? Kaya doon ka na lang sa
tita jonah mo, mabait naman yun diba? bakit ayaw mo sa kanya!?,
- ikaw po ang gusto ko nana, simula baby pa ako, ikaw na nag-aalaga sa akin, maliban kay mommy khala.
- pero hindi naman ako magbabakasyon kasi anak, Kaya pano tayo pupunta sa amin aber, at nginitian niyo Ang batang si Faye, na ngayun ay biglang lumongkot Ang mata at nangalumbaba sa mesa,
- O siya segi, susubokan kung kausapin si madam khala, na pag bakasyunin ako at sasabihin kung gusto mong sumama, pero pag di pumayag mommy mo ay wag na natin epilit ha!
ayaw ko ma walan ng trabaho anak, staka ma mimiss din kita pag nagka taon. pag papaliwanag ng matandang mayor doma sa mansion ng mga Castro.
-bigla namang nag liwanag Ang mukha ni Faye at sinabi pa nitong sasamahan umano siya nitong mag papaalam, Kaya naman ay Natawa na lang din siya,
Ikaw talaga bata ka. Halika nga payakap si nana sa napaka handing batang prinsisa sa balat ng mundo, pag bibiro pa nito at sa at na nagtawanan ang dalawa.
- Ang hindi alam ng dalawang mag yaya ay nasa may hamba ng pintuan ang mag-asawang Benedict at khala na nakikinig sa kanilang usapan.
----
-" Benedict, ano ang gagawin natin? alam kung may rason ang anak natin kung bakit ayaw niya doon sa kapatid mo.
-" pag bigyan na natin ang bata khala, kilala naman natin si nana Irish, parang anak na rin ang turing niya kay faye, at mas matubi na rin doon sa Probensya nila, malayo dito sa City, hinding-hindi nila matotuntun ang prinsisa natin.
-" napag isip-isip din ni khala na may punto din naman ang kanyang asawa, kalaunan ay pumayag na din siya, pero kailangan niya munang kausapin ang kanyang anak at alamin kung bakit ayaw nito sa hipag niyang si jonah.
-" kinagabihan sabay-sabay na nag hapunan ang mag-anak at napag usapan ng mga ito ang tungkol sa pag babakasyon ng anak nilang si faye,
- anak gusto mo bang mag bakasyon muna doon sa bahay ng tita jonah mo, may makakalaro ka naman doon, naroon naman mga pinsan mo. ani khala sa kanyang nag-iisang anak na si faye.,
bigla namang na lungkot ang mukha at iling ito ng iling at parang iiyak na ang kanilang anak kaya naman ay malakas ang kanyang kutob na may dahilan talaga ang anak nila, basi sa narinig nila kanina,
binalingan naman ni khala ang kanyang asawa at tinitigan ito ng may pag babanta
matapos nilang kumain ay sinama nila ang kanilang anak sa mini library sa loob ng kanilang mansion. ng maka pasok na sila ay tinabihan naman ni khala ang kanyang anak sa mahabang sofa at hinaplos-haplos ang mahabang buhok nito saka tinanong ukol sa ayaw nitong mag bakasyon sa bahay ng kanyang hipag.
-" Baby, alam mo naman Ang sitwasyon natin hindi ba? wala namang nililihim si mommy at daddy sayo sa istado ng buhay meron tayo, paninimula ni benedict.
- tumango naman ang batang si faye sa inihayag ng kanyang ama, yes po daddy,
- hmn! gusto sana namin ng mommy mo na doon ka muna sa titah jonah mo, deretsahang ani ni benedict ,
- nakita naman nila ang pamumutla ng kanilang anak at parang naging balisa ito kaya naman ay nakumpirma agad nila na may hindi magandang ginawa ang kanyang kapatid sa labas sa kanyang anak.
nagtagis naman ang bagang ni benedict at nag pupuyos sa galit at napa kuyom ang kamao ni khala., so, tama nga ang hinala niya, may hindi magandang ginawa ang kanyang hipag sa labas, sa kanyang anak.
sinubukan nilang tanungin ang kanilang anak pero iling lang ito ng iling, kaya hinayaan na lang muna nila, pero hindi siya titigil tatanungin niya parin ito hanggang sa umamin ito sa kanila.
--flashback--
habang nag-lalaro ang batang si faye sa kanyang mini playground sa loob ng kanilang bakuran ay aksedenti niyang narinig ang kanyang tita jonah na may kausap ito sa telepono
-" yes honey, wag kang mag-alala malapit na nating mapabagsak ang hilaw kung kapatid. kukunin ko ang kompanya sa kanila. gawin nating pa-in ang nag-iisa nilang anak, narinig ko kanina na iiwan muna nila ang batang iyon sa akin dahil may out of the country business meeting sila ng isang buwan, at sa akin nila planong ihabilin ang kanilang anak.
at seseguraduhin nating sa pag balik nila ay mapapasa atin na ang kompanya nila.
alam ko naman noon pa hindi ako pinamanahan ng matandang castro na iyon dahil nalaman niyang hindi niya ako tunay na anak, at niloko lang siya ng mommy ko para sa yaman. ani jonah sa kausap.
nang akmang lilingon na si jonah ay Dali-Dali namang nag tago ang batang si faye at tumakbo papasok sa loob ng bahay at hinayon ang kanyang kwarto.
- pero ang hindi alam ni faye ay kanina pa pala siya nakita ng kanyang tita, at nag panggap lang itong walang nakita,
nang nasa kanyang silid na siya ay wala pang limang minutos ay may kumatok sa kanyang silid, at ng pag buksan niya ang sinumang kumatok ay nabungaran niya ang kanyang tita jonah na may malapad na ngiti.
-" How are you princess faye, ani jonah habang
himas-himas ang buhok ng pamangkin na ngayun ay nanginginig na sa takot.
-" wag kang matakot princess, nothing bad will happen, I'm your tita right? dagdag pa nito, at kalaunan ay hinawakan ng mahigpit ang panga ng batang si faye at pinagbantaan.
-" Don't tell to your mom and dad about what you've heard a while ago,
did you understand? or else, papasabugin ko itong bahay niyo. pag babanta pa nito at pa balyang binitawan ang panga ni faye na hawak-hawak nito, tumango naman si faye habang nag landas ang mga luha at nanginginig sa takot.
kaya sa tuwing nakikita niyang bumibisita ang kanyang tita jonah sa kanila or naririnig niya ang pangalan nito ay nababalot siya ng takot.
"-faye! sigaw ni khala ng makita niya ang panginginig ng anak at umiiyak ito na naka tingin sa kawalan, kaya naman ay kinausap nila ito ng masinsinan.
-" Anak please tell us everything, tell us why you don't want to stay with your tita jonah,
Don't be scared, dahil kung hindi ka mag sabi sa amin ng daddy mo, we might be in-danger. so please, tell us everything baby, ani khala sa kanyang anak.
tumango naman Ang batang si faye at kinwento sa kanyang mga magulang ang kanyang narinig noon at ang pag-babanta sa kanya ng kanyang tita jonah.
-" hindi na napigilan ni benedict ang kanyang galit kaya na Hampas niya ng malakas ang kanyang working table at nag pupuyos sa galit. kaya naman ay naka bou na sila ng plano at kailangan nila ang kooperasyon ni nana Irish para magawa nila ito ng walang nakakahalata at mailigtas nila ang kanilang anak sa lalong madaling panahon.
hindi na sila nag aksaya pa ng oras ay tinawag nila agad si nana Irish at pinapunta sa kanilang mini library at kinausap nila ito sa kanilang magiging plano, at gagawin nila iyon bukas ng tanghali. iimbitahan nila si jonah sa pananghalian at ng matapos na ang kanilang problima.
hindi nila lubos maisip na magagawa iyon ni jonah sa kanila, dahil tinuring nila itong pamilya, minahal din ito ni benedict na parang totoong kapatid kahit na alam niyang hindi niya iyon totoong kapatid, sinabihan na siya noon ng kanyang ama bago ito pumanaw na hindi nito totoong anak si jonah.
kaya hindi siya maka paniwala na magagawa ito ni jonah sa kanyang anak at sa pamilya nila.
hindi niya hahayaang may mangyaring masama sa kanila, lalong lalo na sa kanyang nag-iisang anak.
nakarinig sila ng katok sa pinto kaya naman ay pinapasok nila agad ito.
kinabahan naman si nana Irish kung bakit siya pinatawag ng biglaan ng kanyang mga amo., dahil sa pagkaka-alam niya wala naman siyang nilabag o ginawa na labag sa mga ito.
dahan-dahan itong nag lakad papalapit sa kanila at napansin nila ang panginginig nito, kaya naman ay sinabihan nila itong may kailangan lang sila dito at wag itong kabahan, nakahinga naman ng maluwag si nana Irish sa sinabi ng kanyang mga amo.
- akala ko ma'am, sir, may nagawa akong kasalanan, wala po kasi akung matandaan na may nilabag ako dito sa loob ng mansion.
nasa edad 40 pa itong si nana Irish, hindi pa ito gaanong matanda, kaya lang naging nana na din ang tawag nila dito ay nakasanayan na iyon ni faye na tawagin itong nana, kaya nana na din Ng tawag nila kay Irish, matagal na din itong nani ilbihan na kanila, nasa 18 anyos pa lang ito ay naninilbihan na ito sa kanila.
-" walang paligoy-ligoy ay kinausap agad ito ng mag-asawang castro.
-" nana kaylangan namin ang kooperasyon niyo bukas. ani khala kay Irish.
- bakit po madam, ano po ang aking gagawin.
-narinig namin kayong dalawa ni faye na nag-uusap sa kusina kanina.
-ahh y-yun po ba ma'am. ahm
hindi na natapos magpa liwanag ni Irish ng putolin agad iyon ni khala.,
- Irish kailangan namin ang tulong mo, kailangan mailayo mo si faye dito. nanganganib ang buhay niya dito lalo na kay jonah.
- nag-tataka man ay pumayag din agad si Irish sa kagustuhan ng kanyang mga amo, Kinuha naman agad ni Benedict Ang subring nag-lalaman ng black card, para iyon sa mga gastusin nila ni Faye pag nasa probensya na sila.
Napa’s desisiyunan ng mag asawa na ibibigay nila kunyari Ang sahod ng kanilang mga katulong at tauhan, Baka kasi mag taka Ang iba nilang mga tauhan sa biglaa nilang pag-papatawag ky irish.
Pima pata wag lang kasi nila isa-isa Ang kanilang mga tauhan at nakakapasok Ang mga ito sa kanilang mini library kapag nag bibigay na sila ng pasahod sa mga ito. Kaya naman para hindi sila mahalata ay yun Ang naisip nilang paraan.
Ng makalabas ng opisinang iyon si irish ay sinabihan niya agad Ang kanyang mga kasamahan ng madatnan niya Ang mga ito sa kanilang quarter sa labas ng kusina na pinapatawag Ang mga ito ng kanilang mga amo at ibibigay ng mga ito Ang kanilang sahod ng Maaga dahil mawawala Ang mga ito ng isang buwan.
Ng maka labas Ang mga kasamahan ni irish sa kanilang silid ay dali-dalı niya namang sinuksok Ang subring binigay ng kanilang amo sa kanya na naglalaman ng itim na kaheta at tinago iyon sa kasulosulokan sa loob ng kanyang bag.