-------- ***Carleigh’s POV*** - Malalaki ang hakbang niya palapit sa akin. Parang bawat tunog ng sapatos niya sa sementadong kalsada ay mas lalo lamang nagdulot ng matinding takot sa dibdib ko. Bawat yabag niya ay parang martilyong tumatama sa ulo ko—malakas, paulit-ulit, at hindi matatakasan. Gusto kong tumakbo… gusto kong umatras… gusto kong sumigaw at humingi ng tulong… pero tila napako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makahinga nang maayos. Parang may kung anong pumipigil sa katawan ko, parang biglang naging banyaga ang sarili kong galaw. Hanggang sa tuluyan na siyang nakalapit sa akin. Hindi ko napaghandaan ang susunod niyang ginawa. Bigla niya akong kinarga sa balikat niya na parang sako ng bigas, habang hawak naman ng isang kamay niya ang maleta

