-------- ***Carleigh’s POV*** - Hindi ko alam kung ano ang nag-udyok sa akin… pero sumama pa rin talaga ako kay Hendrik. Siguro dahil broken hearted ako. Siguro dahil gusto kong gumanti—kahit kaunti lang—sa sakit na ginawa ni Holland sa akin. Twin brother niya si Hendrik… at ilang beses na akong binalaan ni Holland na iwasan si Hendrik. Kaya siguro… mas lalo kong gustong sumama. Parang may bahagi sa akin na sadyang gustong suwayin ang lahat—lalo na si Holland. Pakiramdam ko kasi, kapag nalaman ni Holland na kasama ko si Hendrik… magagalit siya. At sa ngayon, gusto kong maramdaman niya kahit kaunti lang ng sakit na nararamdaman ko. Gusto kong maramdaman niyang kaya ko ri siyang masaktan… at kaya ko ring gumanti, kahit sa paraang alam kong hindi ko naman talaga ugali. Wala akong pakial

