-------- ***Carleigh’s POV*** - “Nandito na tayo,” mahina niyang sabi. “This won’t take long. I’ll bring you back after. Let me do this… kahit konti lang… hayaan mo akong pagaanin ang loob mo.” Tumingin ako sa kanya. May pakikiusap sa mga mata niya… pero may kung anong lungkot din. Parang nasasaktan din siya—kahit hindi ko alam kung bakit. Hindi malinaw, pero ramdam ko. Parang may gusto siyang sabihin na hindi niya kayang ilabas sa salita. Napahinga ako nang malalim. Hindi nga naman makatarungan na aalis ako ngayon. Kahit naiinis ako sa kanya… kahit magulo ang lahat… ang sama ko naman kung hindi ko bibigyan ng chance ang effort niya. Kahit papaano, naglaan siya ng oras para sa’kin. Ako ang tumawag sa kanya. Ako ang sumama sa kanya. Fine. Ngayon lang ito. Saglit lang naman. “Fine,

