--------- ***Carleigh’s POV*** - Wala akong natanggap na tawag. Walang text. Walang kahit anong mensahe mula kay Holland. At sa bawat oras na lumilipas, mas lalo kong tinanggap ang katotohanan—hindi na niya itatama ang inakala kong kataksilan niya. Hindi na siya magpapaliwanag. Hindi na niya susubukang ayusin ang gulo sa pagitan naming dalawa. Parang hinayaan na lang niyang lumubog ang lahat… kasama ang tiwala ko sa kanya. Kaya nang makarating ako sa bahay… hindi ko inasahan ang nadatnan ko. Napatigil ako sa may pintuan. Nandoon si Holland. Nakaupo sa sala. Kaharap ang daddy ko. Parang may humila sa mga paa ko paatras. Bigla kong gustong umatras… umalis… magkunwaring hindi pa ako dumarating. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin pagkatapos ng lahat ng nalaman ko. Hindi ko alam

