Chapter 1
Nagising si Jeric dahil nakarinig siya ng ingay mula sa hindi kalayuan na tila may tumatakbo dulot ng kuryusidad niya ay sumilip siya sa siwang ng dingding. Sinipat niya kung saan nagmumula ang ingay hanggang sa may naaninag siya sa tulong ng sinag ng buwan.
“A-ano iyan?” kabang-kaba si Jeric sa kaniyang nakita, hindi niya mawari kung saan nagmumula pero sigurado siyang kalesa ang kaniyang nakikita.
Ang nag pagimbal lamang sa kaniya ay nang makita niya na ang kutsero ang nasabing nasa kalesa. Isang nilalang na may itim na usok at hugis tao, maging ang kabayong tagahatak ng karuwahe ay kulay itim din na naglalabas ng itim na usok. Nangatog ang buong katawan ni Jeric habang nakatingin sa paparating na kalesa.
Kahit anong pilit niya ay hindi niya magawang ilihis ang kaniyang titig, laking gulat na lamang ni Jeric dahil may nakasakay sa kalesa.
Tinitigan niya nang maigi iyon at tumayo ang kaniyang mga balahibo, nang makita niyang ang sakay ng kalesa ay ang kapit bahay nilang si Mang Landon derektang nakatingin ang matanda sa daanan at nang makalagpas na sila sa bahay nina Jeric ay biglang lumingon ang mama`
Halos lumundag ang puso ni Jeric nang makita niyang lubog na lubog ang mga mata ni Mang Lando. Sa sobrang sindak ng bata ay napaatras siya nang mga sandaling iyon.
Napa balik siya sa higaan nila ng kanyang Lola nag talukbong siya ng kumot habang naririnig niya ang papalayong kalesa. Ng biglang may naramdaman siyang humaplos sa kanyang paa napabalikwas ng bangon ang binatang si Jeric at hingal na hingal ito.
Panaginip.. panaginip lang pala. “Bakit?” Bakit napanaginipan ko nanaman iyon. Wika ni Jeric sa Sarili.
Lumabas ng silid si Jeric nakita nya ang kanyang Lola na nag aasikaso na ng amusal nila
“Oh Jeric, apo halika’t mag almusal na tayo”. Wika ng kanyang Lola Nita nya.
Hindi na nasilayan ni Jeric ang kanyang mga magulang, kaya ang kanyang Lola Nita nalang nya ang kinagisnan nito mula nung lumaki sya.
Hindi niya mang na silayan ang mukha ng kanyang ina at ng kanyang ama.
Ang kuwento ng Lola Nita ni Jeric ay iniwan lang daw sya ng isang estrangherong lalake sa Lola nito, sugatan ito at punong-puno ito ng mantya ng dugo ang
huling sinabi lang ng eatrangherong lalake kay Lola Nita.
“Lola pagka ingatan nyo sana ang batang ito palakihin mo sya ng mabuti at ituring mo siyang kadugo mo." Wika ng Lalake kay Lola Nita
Kaya kinagisnan nalamang ni Jeric ay ang kanyang Lola Nita nito.
Bata palang si Jeric, ay nakakakita na sya ng mga kaluluwa katulad ng
Kapre, Duwende, White Lady, at kung ano-ano pa. Noong una ay natatakot pa siya, pero hindi naglaon nakasanayan nalang niya ito.
May naging kaibigan syang isang duwende ang pangalan nito ay Hinata, babae ito at mahilig ito sa Candy dito nya nalalaman kung ano-anong klaseng mga nilalang ang nakikita nya sa kanyang paligid.
Bata palang si Jeric nung naging kaibigan nya ang duwende, nakita nya ito sa kanilang bakuran habang winawalis ni Jeric ang mga dahong bumabagsak sa bakuran nila.
Sugatan ito at puno sya ng dugo sa katawan at mukhang Dark Violet ang kulay ng dugo nito. Pinasok nya ito sa silid at kanya itong ginamot naging maayos naman ang duwende at doon nag umpisa ang pag kakaibigan nilang dalawa.
Tapulan si Jeric noong bata pa sya sa kanilang paaralan. isa daw syang baliw dahil sa nakikita nila si Jeric na may kina kausap na kung ano pero ng tanungin si Jeric ng mga kamag aral nya kung sino ang kinakausap nito. Ang tinuturo lamang nito ang batong inuupuan ng kanyang kausap na duwende na sya lang ang nakakakita.
Napag tanto nya na walang naniniwala sakanya. Sino ba naman ang maniniwala sa ganoong modernong ng mundo, Hindi naniniwala ang mga tao sa engkanto o kalukuwa, sinasabi nila na panahon pa daw ng kopong-kopong iyon.
Panakot lang daw ng matatanda sa mga bata, sa madaling salita hindi daw totoo ang mga engkanto o kaluluwa pero kay Jeric ay nagkakamali sila.
“Jeric walang ibang makakakita sakin kundi ikaw lang naka bukas kasi ang karunungan mo, kayat nakikita mo kaming mga nilalang na hindi nakikita ng normal na tao." Wika ng duwendeng si Hinata.
Lumipas ang panahon hindi nya na alis ang koryosidad sa kalesa at sa kutsero. Sa tagal-tagal ng panahon muling bumalik ang ala-ala na iyon sa kanyang panaginip.
Kinagabihan habang naghahapunan silang dalawa ay nagkukuwento si Lola Nita tungkol sa nasagap niyang balita.
‘‘Alam mo ba apo may nasagap akong balita may ginahasang babae kagabi natagpuan daw yung kataawan nito sa ilog na pa lutang-lutang ito, nasa morgue na daw yung babae pero laking pag tataka ng kapit bahay nila na my humintong itim na kalesa sa tapat non at may lumabas na babae, napagtanto lang nya na yung babae palang iyon ay nasa morgue na. Ikaw Jeric nakikita mo paba yung kalesa na kinuwento mo noon nung Bata kapa. Naalala mo paba?” Ani ni Lola Nita kay Jeric
‘‘Ah Oo tanda ko pa lola pero hindi Kuna nakikita iyon Lola simula nung araw na iyon bakit, po ba Lola?.
Alam na ng kanyang Lola ang kakayahan nito na makakita ng mga nilalang na hindi nakikita ng normal na tao.
‘‘Ah kase apo taga sundo daw yun ng mga pumanaw na.” wika ni Lola Nita
Alam naman ni Jeric iyon dahil kinuwento ito ng kanyang kaibigan na duwende at ang tawag pala dito ay "Grim Reaper"
“Saan kaya nila dadalhin ang mga sinusundo nito Lola?” Tanong ni Jeric sa Lola nya.
“Hindi ko alam basta, isa lang ang sigurado ko kapag huminto ito sa harap mo ay sinusundo kana nito” Paliwanag ng Lola ni Jeric, tama naman ang kanyang lola dahil yun din ang kwento ng kanyang kaibigan na duwende.
Makalipas ng ilang minuto ay natulog na ang Lola ni Jeric nakipag kwentuhan muna si Jeric sa kaibigan nyang si Hinata.
“Jeric ang sarap talaga nitong chocolate na ito. Ano baa ng tawag ulit dito?” Wika ng duwende kay Jeric
“Ahhh yan ba, platops yan nagustuhan mo ba Hinata." Sabi naman ni Jeric.
“Oo naman ito ang paborito ko sa lahat ng kending nakain ko.”
Naging seryoso bigla si Jeric.
“Alam mo Hinata may bumabagabag sa isip ko, napanaginipan ko ulit yung kalesang nakita ko noong bata pa ako, at may naka kita nanaman dito, may sinusundo na naman ba sila?. Natatakot ako na baka isang araw isa sa amin ang mawala dahil sa sundo na yan.” wika ni Jeric sa kaibigan