Chapter 2

1192 Words
“Jeric, wag kang mag alala ang sinusundo lang nila ay kung may sakit ang isang tao at pinatay o binabangu-ngut ang isang tao sa pag tulog.” “Kayong mga tao at ikaw Jeric ay nakatakda na, nakalista na ang inyong mga kamatayan, kung oras muna ay susunduin kana nito. Di tulad naming mga nilalang mamamatay lang kame kung may papatay samin” Napaisip si Jeric sa sinabi ng kanyang kaibigan na duwende, na ang mga tao daw ay nakalista na sa papel ng kamatayan, kaya pag oras muna walang makakapigil sa itinakdang kamatayan nito. Hindi naniwala si Jeric sa kaibigang duwende, inisip niya na binibiro na naman siya nito. May pagkapilyo kase ang kanyang kaibigan na duwende. " Napalingon si Jeric sakaniyang Lola ". Nagulat nalang si Jeric, ng biglang may sinuot si Hinata. Sa daliri niya isang sing-sing na puti na sa tingin nito gawa ito sa perlas. “Ano yan Hinata? Wow naman! nag abala kapa saan mo nakuha yan?, gumawa kana naman ng kalokohan noh?” "Sambit ni Jeric kay Hinata " may pagkapilyo kase ang duwende. “Grabe ka naman Jeric! Hindi ah! Ako gumawa niyan, hindi basta bastang sing-sing yan wag mo huhubarin yan proteksyon mo yan. Pwede morin akong tawagin diyan, kung nasa panganib ka, okay ba?" Wika ng kaibigan ni Jeric na si Hinata “Ah. Ganon ba? salamat kaibigan.” Sagot naman Jeric. Nakaramdam na si Jeric ng antok, kaya nag paalam na siya sa kaibigan niyang si Hinata, habang nakahiga ay na isip niya ang Lola niyang matanda na at may nararamdaman narin sa katawan. Hindi ako makaka payag na mawalal sakin si Lola! Umusal ng panalangin si Jeric tungkol sa kaligtasan nila habang palalim nang palalim ang gabi. Parang may ibang naramdaman si Jeric, kinabahan ito bigla kase may kung anong gimbal na hatid ng gabing iyon. Kahit may koryusida, ay ipinikit nalang nya ang kaniyang mga mata habang iniisip yung kalesa at yong kotsero. " Grim Reaper ". Napagod nalang siya sa kakaiisip, kung kaya hindi niya namamalayang nakakatulog na siya. Naalimpungatan si Jeric nang may narinig siyang ingay ng pagtakbo ng kabayong paparating, naramdaman din ni Jeric na may humahawak sa kaniyang mga kamay. "Bahagyang nanginig si Jeric ". Dahan-dahan niyang inimulat ang kaniyang mga mata, tinignan niya kung sino ang nakahawak sa kaniyang kamay at napalunok siya ng kaniyang laway ng makita niya na si Lola Nita niya iyon.. “B-bakit Lola?” tanong ni Jeric sa kaniyang Lola, hindi tumugon ang matanda at nakatingin lang iyon sa malayo na animo’y may hinihintay. Napatingin na rin si Jeric sa kaniyang paligid at duon niya na pagtantong wala sila sa kanilang bahay. "Aba!! Lola anong ginagawa natin ditto? Pumasok na tayo sa loob" wika ni Jeric sa kaniyang Lola" gulong-g**o man ang kanyang isip pero may kaka iba siyang nararamdaman. Nasa labas sila ng habang nakatayo. Ang hindi lang maintindihan ni Jeric ay kung bakit napakagaan ng kaniyang pakiramdam. “Panaginip lang ba ito?” Napatanong si Jeric, sa kaniyang sarili. Sinubukan niyang igalaw ang kanyang nakahawak na kamay sa kaniyang Lola, pero parang hindi siya naririnig nito. Ilang sandali pa ay narinig nitong may papalapit sa kanila, tunog iyon ng kalesa at kabayong papalapit Namuo ang pawis sa kaniyang noo at nag simulang tumulo iyon sa mukha ni Jeric. “Hala Bakit? patay na ba kami? Lola-Lola! sigaw nya sa kanyang Lola pero hindi kumikibo si Lola Nita.” Hindi na niya naitago ang kaniyang kaba noong tumigil sa harapan nila ang isang lumang kalesa, ito ang kutsero at ang kabayo. Nakita niya ng malinaw ang itsura nito, isang tao pero na papalibutan ito ng itim na usok. Doon lang din napansin ni Jeric, na ganito pala ang itsura ng " Grim Reaper, ang inakala nyang bungo ang mukha at na kasuot na itim na hood at may hawak na karet, pero hindi pala. Magandang Lalake ito kahit na may balbas. Nagulat si Jeric ng mag salita ang kutsero. "Oras muna", wika nito habang naka tingin kay Lola Nita at inilahad ng kutsero ang kanyang kamay sa Lola ni Jeric papasok sa kalesa. Nataranta si Jeric ng makita niya na nag lakad ang Lola niya papunta sa kalesa. ‘‘Lo-lolaaaaa!!!” naalimpungatan siya nagpalinga-linga pa ang Ulo ni Jeric at na pabuntong-hininga nang mapansin niyang nasa silid na siya. Tinignan niya ang kaniyang Lola at parang na bunutan siya ng tinik sa dibdin nang marinig niyang humihilik ang kanyang Lola. Panaginip lang pala! Nakatatakot, bulalas ni Jeric, bumangon siya sa kanilang higaan at tsaka kumuha ng tubig para uminom. Nakakabingi ang katahimikan ng gabi at ang tanging ingay na naririnig ni Jeric ay ang pag lagok niya ng tubig at tulo ng tubig sa gripo. Walang ano-ano ay bigla siyang nakarinig ng ingay. Malayo iyon subalit nag bigay iyon ng kilabot sa kaniyang katawan. Tunog na naman ng kalesa yon ah, baka may mamamatay na naman ulit? wika ni Jeric Mabilis siyang bumalik sa higaan nila at tsaka muling humiga. Pinag masdan niya ang kaniyang Lola. Nawala ang pangamba nito ng marinig itong humihilik. Kina bukasan ay panay ang kuwento ni Jeric ng kung ano-ano sa kaniyang Lola, subalit hindi niya nagawang ipagsabi ang naging panaginip niya tungkol sa kalesa. Panay na rin ang tingin niya sa kaniyang lola na animo’y ayaw niyang mawala ito. “Lola, samahan kuna kayo mamalengke para may taga buhat ka sa bibilhin mo at baka mapano kapa sa palengke.” wika ni Jeric, namay pag aalala “Ano ka ba Jeric, dito ka nalang sa ating bahay huwag ka nang sumama. Kaya ko pa naman, samahan mo nalang kapatid mo dito wag kang mag alala malakas pa Lola mo" wika ni Lola Nita, habang inuna't-unat pa ang mga braso nito. Nag paalam na ito kay Jeric, nagtutungo na siya sa palengke. ‘‘Oh, apo saglit lang ako, Jeric diligan mo ang mga halaman ko ha mag linis kana rin at mag saing, bibili nalang ako ng lutong ulam sa palengke." wika ulit ni Lola Nita Wala ng nagawa si Jeric kung di mag paiwan nalang minabuti nalang niyang bantayan ang kanilang bahay ng magawa na ni Jeric ang pinag bilin ng kaniyang Lola ay na upo si Jeric sa balkunahe nag laro ng mobile legends. Dumating na ang tanghali hindi pa rin dumadating ang kaniyang lola. Kahit na nag-aalala man si Jeric ay naisip nalang nya na marami itong pinamili oh na trapik lang. Nang magsimula nang dumilim ang paligid hindi parin dumarating ang kanyang Lola at nag pasiya na sya hanapin na ito. Pumunta sya sa palengke pero hindi nya nakita ito kung saan-saan narin sya nakarating kaya nag pasiya nalang syang bumalik ng bahay. Habang nasa bahay na sya umupo muna ito sa balkunahe. “Nasaan na kaya pumunta si Lola?” Bulong ni Jeric sa sarili Ng biglang may narinig ng syang takatak ng kalesa, nakaramdam siya ng kakaiba kung kaya't hinanap nya yung ingay nag iisip ito bakit narinig na naman iyo, nasa malalim na pag iisip si Jeric.. nang magulat ito isang boses ng kaniyang Lola ang narinig nya nag palinga-linga ang ulo nito
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD