"Si Lola!!” sigaw ni Jeric at dali-daling tumakbo na pa hinto dahil sa kanyang na kita" sa kung anumang tumigil sa hindi kalayuan. Nakasakay si Lola Nita sa Isang kalesaa tulong ng lampara ng sinakyang kalesa ni Lola Nita, na ang kutsero at kabayo duon sa panaginip ni Jeric.
Napako sa kinakatayuan nya itong si Jeric at bumalik lamang siya sa sarili niya nang, tapikin sya ng Lola nya.
Hindi ka-agad nakaimik si Jeric, Nakatitig lang siya sa kaniyang Lola, na blangko ang ekspresyon ng mukha.
Muling kinilabutan si Jeric, dahil naalala niya ang ekspresyon ng lola niya sa kaniyang panaginip.
“Tayo na apo, alam kong gutom kana” seyosong wika ni Lola Nita, walang nagawa si Jeric kung hindi ang sumama papasok sa kanilang bahay.
Pagkapasok ng pagkapasok nila ay kaagad na- nilantakanni Jeric ang dala ng kanyang lola.
Napatigil na lang sa pagkain si Jeric noong mapansin niyang hindi kumakain ang kanilang lola.
“L-lola kain ka na!” utal na wika ni Jeric sa kaniyang Lola.
Hindi kaagad nakasagot si Lola Nita blangko lang siyang nakatitig sa kanyang apo
Ilang sandali pa ay sumagot na rin siya. “Busog pa ako, ikaw na lang ang kumain.”
Tumango na lamang si Jeric sa lola niya at ipinag patuloy ang pagkain kahit na ramdam niyang may kakaiba na sa kaniyang Lola.
Pagkatapos nyang kumain ay kaagad silang nahiga sa silid laking pagtataka lamang ni Jeric ay kung bakit napa-kalamig ng balat ng kaniyang lola, hindi na rin ito humihilik kagaya ng dati
Kahit na palalim na nang palalim ang gabi ay hindi magawang makatulog ni Jeric, may takot siyang nararamdaman pero hindi niya batid kung ano ang tunay na dahilan.
Habang nakahiga siya ay napapa-isip siya tungkol sa sinakyan ng kaniyang Lola. "Posible kayang namamalik—“
Biglang natigilan si Jeric sa kaniyang iniisip nang makarinig siya ng takatak ng kalesang papalapit na naman sa kanilang bahay.
Alam niyang dadaan iyon sa tapat ng kanilang bahay. Kahit na takot man ay bumangon siya at saka lumapit sa ding-ding. Naghanap siya ng siwang na pupwede niyang silipan.
Nuong makahanap na siya ay sumilip siya duon at saka inabangan ang kalesang paparating.
Habang papalapit ang kalesa ay siya rin ang pagbilis ng t***k ng puso ni Jeric. Nanginig ang kaniyang mga tuhod nang maaninag na niya ang kalesang paparating. “P-paanong...”
Nagsitaasan ang mga balahibo ni Jeric. Dahan-dahan siyang lumingon sa natutulog niyang lola at gumapang ang kilabot sa buong katawan ni Jeric.
Nanlamig ang buong katawan ni Jeric dahil hindi siya maaaring magkamali. Ang lolang nakahiga sa higaan nila ay kamukhang-kamukha ng matandang nakasakay sa kalesa.
Kahit natatakot man ay muli siyang sumilip sa siwang.
Laking gulat na lamang ni Jeric nang mapansin niyang wala nang siwang at wala na siya sa loob ng kanilang bahay.
Sa sobrang takot niya ay lumingon siya sa bahay nila subalit nadag-dagan lang ang kilabot na nararamdaman ni Jeric nang wala na duon ang bahay nila at puro karimlan na lang ang kaniyang nakikita.
Napalingon na lamang si Jeric, sa daanan nang makarinig siya nang takatak ng kalesang bumabalik at namilog ang kaniyang mga mata nang makita niya ang kaniyang Lola Nita, na kumakaway pa sa kaniya. Biglang nanghina ang katawan ni Jeric at napapikit siya dahil duon.
Nuong imulat niya ang kaniyang mga mata ay halos mamatay siya sa sobrang takot.
Nakasakay na siya sa kalesa ng nasa harap nya ang isang kutsero at kasama pa niya ang kaniyang Lola na payat na payat at lubog na lubog ang mga mata.
Tulala at hindi umiimik, nilakasan ni Jeric ang kaniyang loob natatakot man pero nawala ang kaba ng makita ang isang malaking gate na gawa sa dyamante pula, namangha si Jeric sa kaniyang na kita may mga anghel din siya na kikita sa himpapawid nakasuot sila ng kalasag, may mga ispadaring bit-bit.
Meron din Grim reaper, naka suot ito ng damit na itim na parang tuxido.
“Maligayang pag dating dito sa gate of soul." Wika ng malaking boses na parang galing sa lupa.
Pag hinto ng karawahe ay bumaba ang kotsero na Grim reaper at sumunod naman si Lola Nita. Dito ay nag salita na si Lola
“Apo, nandito na tayo' sa mundo ng mga kaluluwa bumaba na tayo," Wika ni lola Nita .
‘‘A-ah.P-pero Bakit Lola.? bakit nan Dito tayo?” pagbtatanong ni Jeric sa ka-nyang Lola Nita.
“Patay na tayo apo. Na matay na ako nuong nasa palengke palang ako hinimatay ako sa daan habang papauwi ako satin hiniling ko lang sa kotsero Grim reaper na ibalik ako sa bahay. Patawad apo! Nadamay kapa, alam naman natin na hindi ka basta-bastang tao. Kaya noong makita mo ang mukha ng Grim reaper ay isinama kana nito patawad nadamay kapa" Paliwanag ni Lola Nita sa naguguluhang si Jeric.
“P-pero Lola paa-“
Naputol ang pag sasalita ni Jeric ng biglang nag salita ang isa sa mga grupo ng Grim reaper.
“Teka! Sinuka? pano ka napad-pad dito? panong may katawan lupa kapa.?" Wika ng nag tatakang babae Grim reaper, kay Jeric.
Hindi nakaimik si Jeric natulala siya sa babaeng kaniyang nakita.
“Hoy!!! kina kausap kita!" sigaw ng babaeng Grim Reaper.
Nang bilang may tumunog na warning alarm. Napatingala si Jeric. Nag patay sindi ang mga ilaw na pula sa paligid ng Gate.
"Attention!!! Attention!!!may buhay na tao sa gate of soul..."
Announcement na ng gagaling sa itaas ng gate.
Hangang nagsi baba ang mga sundalong anghel sa itaas, na silaw si Jeric sa paglapit ng isang anghel sa kaniya, habang pababa ito sa kaniya ay dahan-dahan siyang na walan ng malay.
"Hinata," mahinang sambit ni Jeric
bago mawalan ng malay ito ay nabagit nyapa ang pangalan ng kaibigan nyang duwendeng si Hinata. Kumislap ng Liwanag ng bahagya ang sing-sing na suot-suot ni Jeric Hindi naman napansin eto ng Anghel na bumaba at lumapit sakaniya.
Ang mga nakapalibot naman mga Grim Reaper ay labis na nag tataka. lalong Lalo na yung babaeng Grim Reaper na labis na tataka kung paano na pad-pad
sa Mundo nila ang may katawan tao pa.
Nakatingala ito sa itaas at pinag mamasdan n'ya ang lalake na buhat-buhat ng Anghel hindi nag tagal ay bigla itong nag laho sa mga mata ni Yumi.