THE BILLIONAIRE'S DOWNFALL
CHAPTER 4
Third-personʼs Point of View
She woke up with growling stomach and thirst. Hindi niya naaalala noong una ang nangyari ngunit ilang sandali lang ay naging malinaw sa kaniya ang lahat. Bumangon siya at tiningnan ang paligid. Hindi pamilyar ang kuwartong ito.
The ceiling, cabinets, doors, and even the wall clock that place besides the door was looks expensive. Maging ang kamang kinahihigaan niya kaninaʼy malambot at nakakatakot na marumihan dahil puting-puti ang kutson, ang bed sheets, at pati ang mga unan.
Nakakatakot itong hawakan. Baka maalikabukan niya ito. Sa dumi ba naman ng kaniyang kamay at may kalyo pa.
Bakit siya nandito? Ang unang naitanong sa sarili. Sino ang nagdala sa kaniya? Sino'ng mabait, ang magdadala sa katulad niyang estranghero?
Her bedroom door suddenly swung open as she was preparing to get out of bed. He entered the store in a black suit with a black bow tie and black shoes. He had a platter full of food in his hands.
“Gising na po pala kayo,” anito at saka inilagay sa bed side table ang hawak na tray. Ngumiti ito nang tumingin sa kaniya. "May inihanda akong mga pagkain dito. Kumain ka na muna bago ka lumabas. Hinihintay ka ni Young Master sa ibaba," dagdag pa nito at saka siya tinalikuran.
Naguguluhang sinundan niya ito ng tingin. Tiningnan niya ang iniwan nitong mga pagkain. May prutas din at saka ng orange juice. Kulay ginto pa ang kulay ng mga kubyertos na mukha tila ito'y mamahalin din. Nakakatakot gamitin.
Ngunit tumunog muli ang kaniyang tiyan at naaalala niyang kanina pang umaga pa pala siya huling kumain. Hindi na siya nahiya pa o nagsayang ng oras at agad nang kinain ang pagkaing nakahanda sa kaniyang harapan.
--
"Is she awake?" tanong nito nang makalabas ang inutusan niyang butler.
"Yes, Mr. Rieverre," sagot naman ng butler at saka ito nagpaalam na babalik na sa kusina.
He couldn't believe that the girl who stole his attention that night was here. Tatlong araw ang nakalilipas nang ganapin ang auction ng kaniyang kompanya at isang babaeng nakasuot ng pulang damit ay siyang kumuha sa kaniyang atensiyon.
Ni hindi niya matutukan ang paghahanap sa mga nawawalang importanteng bagay dahil sa babaeng iyon. And one day, he almost hit the girl. Muntik na niya itong mabangga kanina. Gusto sana niya itong sigawan ngunit nang makita niya ang mukha nito'y agad niya itong nakilala.
Uminom siya ng wine na nasa basong hawak-hawak at saka nag-de-kuwatro. Ilang minuto siyang tahimik na naghihintay hanggang sa lumabas na rin si Luna mula sa kuwartong pinagdalhan niya rito.
Napangisi siya nang makita itong dahan-dahang lumalapit sa kaniyang direksiyon. She's beautiful yet simple, and she makes him thirsty. Napalunok siya ng laway nang magtama ang kanilang mga mata.
Tumitig si Luna sa lalaking nakaupo sa isang kulay gintong sofa habang ito'y naka-de kuwatro. May ngisi ito sa labi habang nakatingin sa kaniya. Mabilis siyang umiwas ng tingin nang mamukhaan ang lalaki. Hindi siya puwedeng magkamali.
The man who's perfectly sitting right in front of her was the man who owned the precious things they stole.
Hindi siya puwedeng magkamali. Alam na ba nitong isa siya sa mga kumuha? Ngunit bakit siya nito pinakain? Tumingin siya sa palikid at hinanap ang daan palabas ngunit sa dami ng pintuan ditoʼy baka maligaw siya.
"Tatayo ka na lang ba riyan?" tanong nito, malalim at maotoridad.
"K-Kailangan ko na pong umalis," sagot niya at saka nagsimulang maglakad ngunit tumigil siya't tumingin dito. "M-Maraming salamat sa pagkain at saka sa pagligtas sa akin," dagdag pa niya at mabilis na tinungo ang daan.
Khalil remained on his sit, with the same smirked he used to do. Ibinaba niya ang hawak na glass of wine at saka tumayo. Pinagpagan ang suot na mamahaling three piece suit, kulay abo ito. At saka niya sinundan ang babaeng bumihag sa kaniyang p*********i.
"That's how you thank people who helps you and fed you?" When he saw her walking out the door, he had to ask.
Tumigil ito at saka lumingon dito. "W-Wala po akong perang maibibigay sa inyo," aniya.
"I had a lot of money, I don't need yours."
"A-Ano po'ng gusto niyong kapalit?"
He was enchanted by the beauty of her eyes when he looked into them. There's a sense that she was trying to hide something in there.
O
Baka siya lang ang nag-iisip nito?
Bago pa man siya mawala sa sarili ay sinagot na niya ang tanong nito. "Naghahanap ka ng trabaho, 'di ba? You can work for me."
Nakita niya ang resume nitong nakalagay sa isang lukot-lukot ng brown folder.She lacks experience and even lacks a degree from a university. Ang dami pang errors ng resume nito at malabo pa ang picture na nakalagay, ngunit ang pumukaw sa kaniyang atensiyon ay ang pangalan nito.
Luna Benavides. It was such a beautiful name and it suits her. Luna has this long and thick eye brows. A fierce look. He couldn't describe her body yet but looking at her, she's sexy.
"Ano pong trabaho?" tanong nito, excited ding malaman kung ano'ng trabahong ibibigay niya.
"Answer my question first..."
Napalunok si Luna sa 'di malamang dahilan. Siguro'y itatanong nito kung saan nila itinago ang mga mahahalagang bagay na ninakaw nila.
"Tell me, why are you in that party? Wala sa master's list ang pangalan mo. Are you perhaps hiding something?"
Shit! s**t! Papaano niya lulusutan ang tanong nito?
Nakatingin ito sa kaniya't naghihintay sa kaniyang sagot. Namumuo na ang pawis sa kaniyang noo kahit na air condition naman ang buong bahay.
"A-Ano..." 'Luna, mag-isip ka nang isasagot!' "I-Inimbitahan lang ako ng isang kaibigan. T-Tama! Tama," sagot niya at saka nagkamot sa likod ng kaniyang ulo. Pekeng ngumiti siya rito.
Nakahinga siya nang maluwag nang tumalikod ito. Mabuti naman!
"Tomorrow, bumalik ka rito. Exactly six in the afternoon. I will tell you the work you'll do," he said. Lumabas ang butler kanina nagdala sa kaniyang pagkain. "Rase will drive you home."
--
She was confused and at the same time, excited. Finally, she had a work. Finally, she could start changing her lifestyle. Hindi na iyong magnanakaw pa siya ng mahahalagang bagay ng iba para lang may makain.
Ito ang matagal nang pangarap sa kaniya ng kaniyang Mamu, ang magkaroon ng trabahong legal.
Tumingin siya sa labas. Nasa loob pa rin siya ng kotseng itim at ang mga naglalakihang mga buildings ang kaniyang nakikita. Papalubog na rin ang araw, hindi man lang niya ito namalayan. Tumingin naman siya sa driver seat.
"Salamat nga po pala sa masarap na pagkain kanina, sir Rase," she said with a smile on her lips.
"You don't have to call me sir. Rase na lang. Trabahante rin ako ni Mr. Rieverre," sagot nito.
"Salamat po," aniya lang.
Tumigil ang kotse sa tulay dahil ito ang ibinigay na address ni Luna kay Rase. Lumabas siya at sumunod naman si Rase, na nagtataka.
"Saan dito ang bahay ninyo?" tanong nito at tumingin sa paligid. May kalayuan itong tulay sa syudad. Ngunit mas malayo naman ito sa bahay ni Mr. Rieverre.
"Ah-eh, wala po akong permanenteng bahay kung sa tutuusin. Pero sa ilim nitong lumang tulay nakatira iyong kaibigan ko kung saan ako minsan nakikitulog," sagot niya.
Because he was in shock, he was unable to talk.
"Sige po, Kuya Rase. Salamat po sa inyo nang marami," dagdag pa niya at saka tinalikuran na ito. Tinungo niya ang dulong bahagi ng tulay kung saan may hagdanan dito pababa.
Bumalik naman si Rase sa loob ng kotse at saka umalis doon. Bumalik ito sa mansion ni Khalil kung saan naabutan nitong nakikipag-make out na sa isa sa mga katulong ang lalaki.
"Ehem!" Mabilis na bumitaw ang katulong at itinaas nito ang suot na underwear at tumakbo. Inilagay ni Rase ang kamay sa likod nang tumingin siya sa naiiritang itsura ng amo.
"Did you drive her home safe?" he asked.
"Yes, sir, but..." Tumaas ang kilay ni Khalil. "Her home was not safe." At kinuwento na nga nito kung saan nakatira si Luna.
"Interesting..." Napangisi si Khalil nang matapos magsalita si Rase, ang kaniyang butler, driver, at kanang kamay. Tumayo siya. "Well then, call Whitney or whoever you pick. Sa sauna ako maghihintay."
Kanina pa siya nagtitiis nang makita niya si Luna. Hindi na nga nito natiis ang isa sa mga katulong niya. Pero dumating si Rase. At kailangan niyang magpalabas ngayon, no matter what.
"Masusunod," sagot ni Rase at dali-dali na rin itong umalis.