Chapter 5

1169 Words
THE BILLIONAIRE'S DOWNFALL CHAPTER 5 Third-personʼs Point Of View "Sakay na sakay na!" sigaw ni Luna sa mga pasaherong kanina pa naghihintay ng jeep. Nang mapuno ang kararating lang na jeep ay pinalo niya ang gilid nito at saka sumigaw, "oh larga na!" Maaga pa lang ngunit mainit na ang panahon. Pawis na pawis siyang naupo sa isang bakanteng upuan dito sa terminal. Pinunasan ang noo gamit ang puting bimpo na nabili lang niya sa may palengke ng dalawampong piso. "Tol, ano kumusta ang lakad kahapon?!" tanong nang kararating lang na si Jerome. May nakapatong sa balikat nitong lagayan ng mga paninda. Sigarilyo, mga kendi at saka ng tig-si-singkong mani. She was about to answer him but Tikboy suddenly came out of nowhere. Palagi namang ganito ito. Bigla-bigla na lang sumusulpot mula sa kung saan at kapag may raket, tulad nang pagnanakaw ay isa ito sa mga naaasahan. "Naka-jackpot itong si Pareng Buwan kahapon!" sagot nito na may malawak na ngisi sa labi. Naikuwento kasi niya rito ang nangyari sa kaniya kahapon ngunit ʼdi lahat. Hindi niya sinabi na ang lalaking nakapulot sa kaniya sa lansangan ay si Khalil Rivierre, ang may-ari ng mga mahahalagang bagay na kanilang ninakaw. Isa pa, may kailangan pa si Luna at alam niyang hindi siya papagayan ni Jerome kapag nalaman niyang si Mr. Rivierre ang tutulong sa kaniya. Nanlaki ang mga mata ni Jerome at tinapik siya sa balikat gamit ang libre nitong kamay. "Nice one! Ano'ng trabaho?! Baka puwede kami riyan." She wiped the sweat from his forehead and look at him. "ʼDi ko pa nga alam. Susubukan kong tanungin iyong Boss ko kapag puwede kayo," she answered. "Talaga?! Salamat, 'tol! Aasahan ko iyan." Tumango siya at saka tumayo na. Sinundan siya ng tingin ni Jerome at may ngiti ito sa labi. “In love na in love ka kay Buwan,” ani Tikboy habang iiling-iling na nakatingin dito. Seryosong tumingin ito sa kaibigan. "Masama ba?" tanong niya. Masama nga bang magkagusto sa kaibigan? Matagal na nitong gusto si Luna. Nagsimula niya itong maramdaman noong magbinata siya. He wanted to ignore it, but how? She was like a best friend of him. She always listen to him. Iyon din siguro ang dahilan kung bakit niya ito nagustuhan. She's incredible. Lahat ng problema nito'y iniinda niya at ʼdi alam ang salitang 'suko'. Kahit kailan ay hindi ito sumuko sa laban. "Hindi naman, ʼtol. Pero binabalaan na kita ngayon pa lang. Magkaibigan kayong dalawa. Isipin mo kung ano ang masisira kapag pinagpatuloy mo 'yang nararamdaman mo," sabi ng payat na si Tikboy. Aaminin niya, tama ang sinabi nito. Best friend silang dalawa at kapag umamin siya, masisira ang pinagsamahan nila dahil kitang-kita naman niyang wala siyang pag-asa sa kaibigan. Tumawa siya nang mahina at saka bumuntonghininga. "Alam ko kaya hangga't kaya ko pa, itatago ko muna. Wala pa akong napapatunayan sa ngayon ngunit darating tayo roon," puno ng kompiyansa niyang sabi. "Oh siya, babalik na ako sa trabaho at ikaw, bahala ka na sa buhay mo." Iniwan niya si Tikboy roon at bumalik sa kalsada kung saan siya'y naglilibot upang magbenta. -- Pagkatapos nang mainit at nakakapagod buong araw. Umuwi na muna si Luna sa kaniyang tirahan. Sa squatter area. Sa lugar kung saan tapunan ng mga basura ng mga mayayaman. Mga taong kinalimutan ng gobyerno ang nakatira. Mga pinangakuan nila ng pabahay noong eleksiyon ngunit ilang taon nang natapos ang eleksiyon ay nandito pa rin sila. Ang bawat isa'y sinusubukan magsumikap ngunit kahit ano'ng gawin nilaʼy hindi pa rin sila makaalis. "Ate Wan!" "Ate Luna!" "Nandito na si Ate Luna!" Napangiti siya nang isa-isang lumapit ang mga paslit sa kaniya. Ginulo niya ang buhok ng isang batang lalaki, payat at marumig ang suot nitong damit. "Ate, gutom na gutom na po kami," sabi nito na sinang-ayunan naman ng iba. "Naging mabait kayo?" tanong niya. May ngiti sa kaniyang labi. "Opo, Ate Wan! Si Borhan naman po ay may sakit," malungkot na sagot ng isang bata. "Nasaan siya?" Kaagad namang nagsitakbuhan ang mga paslit patungo sa loob ng isang pinagtagpi-tagping bahay, na mukhang hindi naman bahay. Maliit lang ang loob ay may nakalatag na banig sa lupang sahig kung saan nakahiga ang isa pang paslit. Umuubo ito ng kaniyang lapitan. Idinampi ang likod ng palad sa noo nito. May lagnat ito. "Aniesa," tawag niya sa isang batang babaeng nakasuot ng polka dots na bestida. Binigyan niya ito ng sampong piso. "Bumili ka muna ng gamot sa lagnat kay Aling Baby." Sumunod naman ito at dali-daling lumabas ng bahay. "Borhan, may masakit ba sa ʼyo?" tanong niya. Umubo ito. "M-Masakit po ang ulo ko, Ate Buwan," nahihirapan nitong sagot. Hinaplos niya ang buhok nito at saka ngumiti. Tinulungan niya itong makaupo na saktong dumating naman si Aniesa na inutusan niyang bumili ng gamot. Tiningnan niya ang mga bata. "Kumain na muna kayo at ʼwag nang lumabas. Maggabi-gabi na rin." Binigyan niya ito isa-isa ng pagkain na nakabalot sa supot. May ulam na rin itong gulay na nabili niya sa may karenderya. Anim ang mga paslit, na 'tulad niya'y wala na ring mga magulang. Magkapatid sina Aniesa at Borhan, habang ang ibaʼy mga kaibigan ng mga ito. She was like a mother to them. Kaya rin siya nagsusumikap ay dahil sa mga batang ito, na gusto niyang bigyan nang magandang buhay. Gusto niyang dalhin ang mga ito sa magagandang lugar at makakain nang masasarap ng pagkain. She lives in a swamps for almost entire of her life, no where else to go. And she doesn't want these to experience those life. Kaya gagawin niya ang lahat nang makakaya niya para lang mabago ang nakasanayan ng mga batang ito. After feeding them, she went of their shelter. Malapit nang dumilim at sa tingin niyaʼy oras na para pumunta sa bahay ni Khalil upang alamin kung ano'ng trabahong naghihintay sa kaniya. -- He's an impatient person. Ayaw na ayaw niyang nala-late ang mga impleyado niya o ʼdi kayaʼy mga clients niya. Dahil kapag may na-le-late ay agad niyang tinatanggal sa trabaho o kapag clients naman ang ka-meet niyaʼy agad niyang kina-cancel ang meeting. Ngunit 'di siya makapareklamo ngayon habang inip na inip na naghihintay rito sa kaniyang living room. "Where is she?!" she asked Rase while glaring at him. Umiling si Rase na kagagaling lang sa labas upang tingnan kung dumating na ba si Luna. "Wala pa rin po, Mr. Rivierre." "Fck! She's fcking thirty-minutes late?! Hindi ba nito alam na ayaw na ayaw ko sa mga taong late?!" Napatayo siya dahil sa inis. Natakot naman ang mga kasambahay na abalang naglilinis malapit sa living room dahil sa sigaw niya. Nagkibit lang ng balikat si Rase bilang sagot. Naupo siyang muli sa sofa. May dali-dali namang kasambahay na tumakbo patungo sa kaniyang direksiyon. "Sir, may babae po sa labas. Hinahanap kayo," sabi nito. Nang marinig ay mabilis siyang tumayo at halos tumakbo na siya papalabas ng kaniyang bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD