Chapter 19

1190 Words
YULIAN Matapos mabasa ang nakasulat sa papel na iniwan ng lalakeng iyon sa ibaba ng pintuan ng kwarto ko, hindi ako mapalagay. He obviously wants me to meet him at the field at 6pm today, but I didn't do it. Hindi ako nakipagkita sa kanya roon sa field dahil ayoko. Hindi ko gusto. Nakahiga ako ngayon sa loob ng aking kwarto, pasado alas nuebe na ng gabi. Matutulog na sana ako ngunit heto na naman ang isip kong sige lang sa pagtakbo. Wala na akong ginawa buong araw kung 'di ang isipin ang nakasaad sa sulat na iniwan ng weirdong lalake. Why would he do that? Ano ang mapapala niya sa akin? Bakit niya ba ako sinusundan maging dito sa dormitory building. Alam niya rin ang kwarto ko. Hindi ko lang talaga lubos maisip kung anong laro ang gusto niyang mangyari. When I read the words 'the truth' from the paper, aaminin ko, I got curious. I was tempted after several hours para kitain siya at itanong mismo sa kanya kung ano iyon. Nginit hindi ko pa rin ginawa. Hindi pa rin ako sigurado kung anong habol ng lalakeng iyon sa akin at kung bakit niya alam na may gusto akong malaman na totoo. Isa lang ang nasa isip kong katotohanan na maaari niyang tinutukoy. Ang katotohanan sa pagkawala ni Evan. Iyon naman kasi talaga ang simula't sapul pa lang ay napukaw na ang interes ko. Ang katotohanan sa likod ng misteryosong pagkawala ng pinakamatalinong estudyante ng East Robertson High School. Ngunit ano namang alam ng lalakeng iyon patungkol sa bagay na iyon? At kung may alam siya, paano niya iyon nalaman at saan? Sa totoo lang ay litong-lito na ako ngayon. Kung hindi nga lang dahil sa kaligtasan na iniisip ko, nakipagkita na ako agad sa kanya kanina pa. Mula sa pagkakahiga, napabalikwas ako nang marinig ang pagring ng cellphone kong nakapatong sa katabing lamesa ng aking kama. Kinuha ko iyon at tiningnan kung sino ang tumatawag. Si dad iyon. Malamang ay kakamustahin nila ako at tatanungin sa kung anong oras nila ako susunduin rito bukas. Nasabi ko na kasi sa kanila noong isang linggo na sa bahay ako magpapalipas ng gabi bago pumasok ng Lunes. Iyon ang plano. "Ian, anak, anong oras ka namin susunduin d'yan ng mommy mo?" "Alas dies po, dad. I'll just finish something early in the morning." I answered. "Good," ang sagot nito sa akin. "Have you eaten?" "Katatapos ko lang pong kumain. Okay naman 'yong mga pagkain rito. Hindi lang kasing sarap ng luto ni mom." I told him. Natawa ito sa kabilang linya. "Don't worry, I'll tell your mom to cook your favorite food for lunch tomorrow. She's still at the construction site pero pauwi na rin iyon." Dad said. "I'll look forward to it, dad." Ang sabi ko naman. "Magpapahinga na rin po ako ngayong gabi." I said. "Sige, Ian. Be safe, okay?" "I will, dad. Kayo rin po." Paalam ko sa kanya. "Bye, dad." And I ended the call. I laid on my back on the bed. Binitawan ko ang hawak na cellphone sa kama at sinubukang pumikit upang antukin. It didn't work for a few seconds. Buhay na buhay pa rin ang diwa ko kahit gusto ko nang magpahinga at matulog. It was 10 pm when I decided to get my phone and browse online. Wala lang. Naisipan ko lang na magpaantok gamit iyon at magscroll lang sa aking social media accounts. As I was scrolling through my newsfeed, naisipan kong i-search ang pangalan ni Evan. Nagawa ko na ito noon ngunit wala rin naman akong nakita. Hanggang ngayon rin naman. Wala pa rin. Hindi rin kasi siya ma-social media na tao kaya wala akong gaanong impormasyong makita tungkol sa kanya maliban sa mga nakapost roon sa page ng student council at ng East Robertson page. Then, I thought of searching for Shaun Madrigal's account. But as before I could click the search button, tila nagloko naman ang aking cellphone at instead na pangalan niya ang ma-search ko, bumalik ulit ako sa search bar kung saan pangalan ni Evan ang aking hinahanap. I was about to close the feed but something whispered to me na ituloy ang pagscroll pababa. I saw so many Evan Policarpio accounts. Iyong iba, poser pa ata. Iyong iba naman, nakikisimpatya sa pagkawala niya. But I stopped when I noticed a certain post that has Evan's comment on it. Legit na account niya iyon. Nagulat ako dahil sa isa 'yong page na kung tawagin ay 'Creepy Facts'. The post says "Is there some creepy thing you discovered at your school?" and you can see a lot of people, or maybe hundreds of people had commented on that post sharing their experiences about what is asked. But Evan's comment got my attention. Binasa ko iyon habang bumibilis ang pagtibok ng puso ko sa kaba. Ang post na iyon ay isang buwan na rin ang nakakaraan at ganoon rin ang comment niya. "4 months ago, a student allegedly committed suicide on our campus, that's what they think. The thing is, he never really did such a thing. He was murdered." That comment has more than 600 mixed reactions. May mga nag-wow, may nag-sad, at may nag-haha. Some even left replies to his comment. Halos mapanganga ako as I read that comment three consecutive times upang masigurong tama ang pagkakabasa at pagkakaintindi ko. I even check if it was really Evan who left that comment and when I went to his profile, it was really him. Walang ibang pumapasok sa isip ko kung sino ang tinutukoy ni Evan sa comment niyang iyon kung 'di ang lalakeng diumano'y nagpakamatay raw sa third floor ng boys' dormitory building na si Shaun. Ang ibig sabihin nito ay may alam si Evan sa pagkamatay ni Shaun...na hindi talaga ito nagpakamatay, katulad ng hinala naming dalawa ni Andres? He knew something! Evan knew something about the death of Shaun Madrigal. And if Shaun didn't really committed suicide and was murdered, isa lang ang pumapasok sa isip ko ngayon sa kung sino ang may kakayahang gumawa no'n sa kanya. Alam kong malaking assumption ito at pagbibintang ngunit una pa lang naman mula noong malaman ko ang koneksyon ni Shaun sa principal ay siya na ang pangunahing suspect ko matapos marinig ang mga agam-agam na hindi ito nagpakamatay, kung 'di pinatay. Walang iba, kung 'di si Mr. Stephen. Siya ang nasa isip kong gagawa no'n kay Shaun. At kung bakit? Maraming teyorya at dahilan. Ngunit iyong na-diskubre ko ngayong gabi na may alam si Evan sa pagkamatay ni Shaun ay ang gumugulo at kumikiliti sa aking utak ngayon. Kung may alam si Evan, bakit hindi niya ito nasabi sa kung kanino? Bakit hindi ito kumalat? Bakit naglaho siya na parang bula matapos iyon dahil isang buwan na rin ang nakakalipas mula noong nag-iwan siya ng gano'ng komento sa post na iyon ng isang page. Shoot. Oh, my God. May alam si Evan sa nangyari at sa kung sino ang totoong pumatay kay Shaun. Ngunit matapos malaman ang katotohanan, he suddenly vanished without a trace. Does that mean… Iyon ang naging dahilan ng pagkawala niya? ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD