Chapter 18

1586 Words
Y U L I A N Hindi ko maipaliwanag kung gaano nainis sa akin sina Krisanta at ang ibang miyembro ng Lost & Found club dahil sa ginawa kong pagsagot at pagtatanong kay Mr. Stephen. They told me that I shouldn't have done that. Inilagay ko lang raw sa delikadong sitwasyon ang sarili ko dahil sa hindi magandang pag-uugaling ipinakita ko. They are even worried about the club's sake. Baka raw kasi tanggalin sa listahan ng mga opisyal na clubs ang sa amin dahil sa ginawa kong iyon at dahil sa pag-amin namin na iniimbistigahan namin ang pagkawala ni Evan. Pero ako? Hindi naman ako nagsisi sa ginawa ko. Sa totoo lang, I was satisfied with what I did and with the reactions I got from the principal. Halata kasi sa itsura nito noong isang araw ang pinaghalong gulat at inis dahil hindi na niya alam ang isasagot sa akin. Malakas pa rin ang kutob ko na may kinalaman siya sa pagkawala ni Evan. Hindi ko inaalis ang posibilidad na talagang may kinalaman siya roon, at pati na rin sa pagpapakamatay ni Shaun, ang estudyanteng tumalon 'daw' sa third floor ng boys' dormitory building, 5 months ago. Katulad ng kwento sa akin ni Andres, isa si Mr. Stephen sa mga naging suspect sa pagkamatay ni Shaun ngunit dahil ipinalabas na nagpakamatay ito due to severe depression, isinarado na ang kaso at hindi na muling binuksan. Sa akin ring pang-uusisa at pananaliksi sa loob ng eskwelahan, nalaman kong malapit ang principal sa sumalangit na estudyante. Hindi ko alam kung anong koneksyon nila sa isa't isa na eksakto ngunit katulad rin ng sabi ni Andres, they were really close. Mukha nga raw silang maglolo kapag magkatabi. May mga instances rin na sabay silang kumakain ng lunch. Is it too impossible kung iisipin kong may higit sa pakikipagkaibigang-ugnayan ang dalawa sa isa't isa? I mean, it could be, right? Hindi rin naman daw sila magkaano-ano. Hindi rin related ang mga parents nila. At lalong hindi naman sila magkakilala na noon pa lang. Ang sabi-sabi, paborito siya ng principal noong nabubuhay si Shaun. When I went to search Shaun's pictures, there I saw, his beautiful face. Para sa isang lalake, makinis at kutis porcelana ang kanyang balat na maihahawig mo nang sobra sa kung paano mo makikita ang balat ng isang babae. He looks so soft, cute, and he has this smile na talagang kaakit-akit tingnan. Wala rin naman daw nobya itong si Shaun kahit mukhang siya 'yong tipo ng estudyanteng pag-aagawan ng mga babae at gugustuhing maging nobyo siya. May mga nakapagsabi sa akin na hindi raw siya tuwid na lalake o sa madaling salita, isa raw siyang binabae. Ngunit ayokong manghusga. Isa pa, mukhang hindi naman base sa kanyang mga litrato at kung paano siya pumowsing sa mga ito. Pero kung totoo nga ang mga chismis na iyon, wala namang problema. Sayang nga lang at nawala siya nang maaga. Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit noong mga huling araw na makita si Shaun bago siya tumalon o mahulog sa third floor, kapansin-pansin na raw ang kakaibang pagkilos nito. He was down, balisa, at hindi mapakali. As if, he was worrying about something. Sabi rin ng iba, he was scared. He looked scared. Hindi ko lubos maisip kung sino at ano ang katatakutan niya. Ngunit kung ano man 'yon, naging dahilan iyon ng sobrang depresyon sa kanya. Gano'n pa man, naniniwala akong hindi depresyon ang pumatay kay Shaun kung 'di tao. At ang taong pinaghihinalaan kong malapit sa katotohanang gumawa no'n sa kanya ay ang tao ring malapit sa kanya sa eskwelahang ito. Si Mr. Stephen. Bakit niya gagawin iyon kay Shaun? Well, kung hindi kalabisan na gumawa ng theory, heto ang teyoryang nasa isipan ko. Marahil ay may relasyon ang dalawa. O kung hindi naman, may 'thing' si Mr. Stephen sa estudyante at may ginagawa siyang kabalbalan rito dahilan para matakot itong si Shaun at ma-depressed. At noong mga araw na umaayaw na siya sa gusto nito, hindi nakuntento si Mr. Stephen at pinagbantaan nito ang buhay niya. Ngunit buo na ang loob ni Shaun na magsumbong kaya siya balisang-balisa. Pero bago mangyari iyon, hindi hinayaan ng principal na magtagumpay siya. He pushed his evil plan and killed him. Siya mismo ang nagdala kay labas ng kwarto nito, sa third floor, at doo'y itinulak ito. "Pareho tayo ng teyorya," napasang-ayon si Andres sa akin matapos ang mahabang pagsasalita ko patungkol sa pagkamatay ni Shaun. Bago ako nito tiningnan, humigop muna ito sa kapeng iniinom niya. "Hindi malayong mangyari iyon." Narito kami ngayon sa cafeteria. Sabado ngayon, alas dies ng umaga. Ngayon na lang ulit kami nagkita makalipas ang ilang araw. Naging pareho kaming busy sa aming mga klase ngunit nagdesisyon akong yayain siya para magkape rito dahil malamig ang panahon. Umuulan kasi sa labas. "May mga chismis pa nga na kumakalat rito noon na posibleng ginagahasa raw ng principal si Shaun ngunit dahil walang makapagbigay ng ebidensya, wala ring saysay ang mga chismis na iyon." Nagulat ako mula sa narinig kay Andres. Napahigop ako sa aking iniinom na kape habang nag-iisip. "Isa pa, mga chismis lang naman iyon at hindi magiging matibay na ebidensya kapag nagkataon. Ngunit isa lang ang alam ko, hindi malinis na tao si Mr. Stephen. Iyon ang sigurado." Mariin nitong dagdag. I nodded. "He even told us to stop investigating about Evan's disappearance." I said. "Gusto niyang tumigil kami ng club sa pag-iimbestiga dahil mas pinaniniwalaan niyang naglayas si Evan kaysa may nangyari ritong masama. Hindi ko siya tinigilan sa mga tanong ko. Kung hindi nga lang ako pinigilan nina Jaira, hindi ako hihinto hanggang matumbok ko ang tamang ekspresyon sa kanyang mukha." Napailing ako at napahigop sa aking kape matapos ikwento iyon kay Andres. Andres put his hand above mine. Nakapatong iyon sa table. Tiningnan ko ito at tiningnan ako nito nang seryoso. "Hindi tayo titigil," he told me. "Hindi tayo titigil hangga't hindi natin nalalaman ang totoo sa pagkawala ni Evan. We aren't going to stop until we find clues that will lead us to him." Tumango naman ako sa kanyang sinabi. "We won't," I agreed. Ngayon pa ba kami susuko? Ngayong nararamdaman kong unti-unti na kaming dinadala ng mga sarili namin sa katotohanan? Hindi. Matapos ang pagkakape sa cafeteria, Andres and I parted ways. Papunta siya ng library para kumuha ng mga librong gagamitin niya sa kanyang mga assignments habang ako naman ay pabalik na sa loob ng kwarto ko sa dormitory. Habang papanhik na ako sa pangalawang palapag ng gusali, natigilan ako nang makasalubong ko ang isang pamilyar na mukha ng estudyanteng pababa ng hagdan. Payat, mukhang hindi natutulog, at gulat na gulat. Bago ko pa man mapagtanto kung sino iyon ay nagulat rin siya nang makita ako at matapos iyon, kumaripas ng takbo pababa ng hagdan at nilagpasan ako. Napakunot ang noo ko as I realized that he was the guy from that night when I felt someone was following me while I was walking to the dormitory. Siya iyon! Siya iyong estudyanteng sumusunod sa akin noong gabing iyon. Siya iyong estudyanteng tumakbo palayo matapos kong mahuling palihim itong sumasabay sa aking pagtakbo. The weird-looking skinny student with a creepy stare. Napalunok ako as the creeps started to run through my body. Isinawalang bahala ko na lamang iyon dahil baka sa malamang ay may pinuntahan lamang siya sa second floor. Hindi ko na iyon inintindi. Instead, I continued walking and went to my room. Pagkasara ko ng pintuan ng aking kwarto, napatingin ako sa ibaba nito. Sa sahig, kung saan nakita ko ang isang papel na nakalapag roon. Napakunot ang aking noo habang tinititigan iyon. Hindi ko mapigilan ang sarili kong yumuko at damputin ang papel. Nakalagay sa harapan ng kapirasong papel na hawak ko ang mga salitang 'read me'. Naguguluhan man, pinili kong tingnan ang nasa likuran nito kung saan ay nabasa ko ang mga salitang nagpakaba sa aking dibdib. "If you want to know the truth, come and see me at the field. I'll be waiting at 6pm." Iyon ang mga salitang nakalagay roon ngunit hindi ko agad maproseso kung para iyon saan. Kung may isang tao man akong pinaghihinalaang naglagay nito sa ilalim ng pintuan ko, iyon ay ang lalakeng estudyanteng nakasalubong ko kanina habang paakyat ako ng hagdan. Ang lalakeng iyon? Kaya pala madaling-madali?! Ngunit ano ang totoong kanyang sinasabi? Napalunok ako nang ilang beses nang bigla na lamang akong makaisip ng posibleng bagay na itinutukoy niya. Hindi ako makapaniwala. I feel like it has something to do with Evan...or maybe, Shaun. Ngunit ang tanong, paano naman nalaman ng lalakeng iyon na interesado akong malaman ang totoong nangyari sa alin man sa dalawa? Kung may alam talaga siya sa totoong sinasabi niya rito sa nakasulat sa papel? Does that mean, bukod sa kilala niya ako sa mukha, totoong sinusundan niya ako at ang bawat kilos ko? Stalker ba siya? Hindi ko mapigilang kilabutan. Tiningnan kong muli ang papel na hawak ko. Itinupi ko ito at inilagay lamang sa ibabaw ng aking study table. Napailing ako sa nakasaad roon. Hindi rin naman ako pupunta. Baka kasi mamaya ay kung anong gawin sa akin ng tao na iyon. Hindi ko naman siya kilala. Maraming tanong sa isipan ko tungkol sa kanya at sa ngayon, kung tatanungin ako ay hindi ko magagawang sundin ang gusto nito ayon sa sulat na kanyang iniwan rito. Naguguluhan pa rin ako. Sino ba ang lalakeng iyon? Bakit ganoon na lamang ang pagiging misteryoso niya? Higit sa lahat, anong alam niya? ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD