Y U L I A N
"Excuse me?!" napataas ang kilay ng lalakeng nakaupo sa harap namin ngayon sa loob ng Lost and Found clubroom. Hindi ito makapaniwala sa itinatanong sa kanya ni Krisanta at ng iba pa. More likely, ibinibintang. "Are you seriously accusing me of committing a crime? How dare you?!" halata sa boses niya ang pagkairita dahil sa narinig.
Napailing na lamang ako habang sina Wilmar at Krisanta ay tutok na tutok sa pang-uusisa sa lalake.
Ang lalakeng ito ay si Dominic Alcasid. Siya ang kaisa-isang ka-kompetensya ni Evan Policarpio sa paaralang ito. He was the vice president when Evan was still here. At ngayon, siya na ang tumatayong presidente ng student council.
Siya rin ang kalaban ni Evan sa academics. Silang dalawa lang naman daw palagi ang nag-aagawan sa pagiging top one sa buong school. He's a smart kid like Evan but because he always end up second to him, I therefore conclude na mas lamang si Evan sa kanya.
Is that enough to judge him and accuse him that he has something to do with Evan's disappearance? No.
Sinabi ko naman kasi sa mga ito na wala silang mapapala sa lalakeng ito. Sa itsura pa lang nito, mukha nang wala itong oras para gumawa pa ng kahit ano maliban sa pag-aaral, eh. Isa pa, the way how he reacted when Krisanta asked her directly about Evan's disappearance at kung may kinalaman siya rito, hindi siya naging defensive—ngunit halata sa itsura niya ang gulat at pagkairita.
"Bakit ko naman gagawin iyong binibintang niyo sa akin?" inis nitong tanong at nagpalipat-lipat ang iritableng tingin kina Wilmar at Krisanta na nasa unahan niya. "Evan is my friend. Kung sa pagiging magka-kompetensya lang namin kayo tumitingin, puwes wala kayong makukuhang kahit anong negatibong bagay tungkol sa ugnayan naming dalawa ni Evan. Pareho naming alam na tuwing maglalaban kami sa akademiko, malinis iyon at walang samaan ng loob sa kung sino ang mananalo. And I never hated Evan for always winning over me." Mahaba nitong paliwanag na pinupunto na malinis siya at wala siyang kinalaman sa pagkawala nito.
From his looks, and the way he was explaining, sigurado naman akong wala nga talaga itong kinalaman. I can't help but feel sorry for him.
Lalo pa nang hindi pa ito tantanan nina Krisanta at Wilmar.
Napailing na lamang ako habang nakaupo katabi si Resty na alam kong hindi rin sang-ayon sa ginagawa ng dalawa. Si Jaira nama'y napapailing nalang habang pinapanuod ang pangungwestyon nila sa kawawang lalake.
"If you are lying-"
"Tama na 'yan," Jaira stopped Krisanta from talking habang dinuduro nito si Dominic. Napataas naman ang kilay ng isa. "He's telling the truth." Dagdag pa ni Jaira.
"I can also tell," pagsang-ayon ko naman sa kanya't tiningnan si Krisanta. "Besides, he's still the acting president of the student council. Hindi maganda kung itutuloy pa natin itong ginagawa natin sa kanya." I told them.
Kumunot ang noo ni Krisanta. "And how can you be so sure that he's telling the truth? That he's clean?" nagtaas ito ng kanyang kilay. "Just because he's the acting president doesn't prove anything about what he said. Malay mo, ine-echos lang tayo nito using his smart words." Apila nito at tiningnan ang lalakeng halatang inis na sa kanya.
"Dude, make sure na wala ka talagang kinalaman sa pagkawala ni Evan-"
"Wala nga!" hindi na nakatiis si Dominic at bigla itong napatayo mula sa kinauupuan dahilan para magulat si Wilmar na natigilan sa kanyang sasabihin. "This is over! Kung wala kayong respeto sa akin bilang presidente niyo rito sa campus, bigyan niyo naman ako ng respeto bilang isang kapwa-estudyante niyo! What are you, anyways? Bunch of detectives?" natahimik kaming lahat habang isa-isa kami nitong tinitingnan at naiinis.
Hindi nagsalita ang lahat. Sa puntong ito, alam namin na tuluyan nang nainis ang lalakeng kanina ay kalmadong sumama sa amin rito sa clubroom. Kahit sino naman sigurong pagbintangan kang gumawa ng krimen, kung hindi naman talaga ikaw ang suspect, maiinis ka nang sobra
"This will be noted." Mariin niyang sabi sa amin. "Makakarating 'to kay Mr. Stephen." Pagbabanta niya as he walked out the room.
Natameme kami na parang mga batang natalo sa laro nang umalis si Dominic. He left because he couldn't take it anymore. Kahit naman siguro ako ang nasa posisyon niya, iyon rin ang gagawin ko.
"And now, were fucked." Napatingin kaming lahat nang magsalita ang tahimik na si Resty sa tabi ko. Halata ang pagkadismaya sa kanyang mukha. "Lagot tayo sa principal nito." Dagdag pa niya na dumagdag sa tensyon na nararamdaman ng iba.
"I told you not to pushed your words that way, Krisanta. You went overboard." Paninita ni Jaira sa aming sekretarya. Inirapan naman siya nito.
"Eh, sinong magtatanong? Ikaw? Eh, ang tahi-tahimik mo dyan!" sagot nito. "Hindi naman lalabas ang tubig sa tela kung hindi mo ito pipigain. Iyon lang ang ginawa ko." Umupo ito sa upuan nang padabog.
"I agree with Kris, Jaira. We just did the right thing." Napailing naman si Jaira sa kanya. "And if he report this to the principal, let him be. We'll explain our side and get away from it." Ang dagdag ni Wilmar na nakangisi na akala mo'y ang dali-dali lang gawin ng mga sinabi niya.
Napailing naman ako.
Sa totoo lang, una pa lang naman, hindi na ako sang-ayon sa pang-i-interview nila kay Dominic, eh. Alam kong wala siyang kinalaman sa pagkawala ni Evan.
Kung mayroon man akong kilalang mayroon, isang tao lang ang unang pumapasok sa isip ko. Ang principal. Si Mr. Stephen Robertson at wala nang iba.
Alam kong isa itong malaking akusasyon at wala akong ebidensyang hawak ni-isa ngunit kung pagbabasehan ang mga ikinikilos niya at ang mga kwento ni Andres tungkol sa kanya at sa krimeng diumano ay kinasasangkutan nito noon rito, hindi malayong siya rin ang may kinalaman at kagagawan sa pagkawala ni Evan.
At kung ano ang posible niyang motibo? Hindi ko alam. Hindi ko pa alam pero iyon ang gusto kong malaman.
Wala pang isang oras pero may isang estudyante na agad ang kumatok sa pintuan ng aming clubroom. Just by his looks, alam ko na ang pakay niya sa pagpunta rito.
"Pinapatawag po kayong lahat sa principal's office..." ang anunsyo nito sa amin at sandaling tumitig sa aming mga mukha na parang hinuhusgahan kami isa-isa.
Matapos sabihin iyon ay agad rin namang umalis ang estudyante.
Napailing na lamang ako sa isang tabi at napangisi. Hindi naman ako natatakot o nag-aalala. Kung may kabang-kaba naman, sina Krisanta iyon at Jaira.
"That Dominic! Sana pala sinampal ko na siya kanina nang malakas bago siya makaalis!" pinanggigilan niya ang ballpen na hawak. "Nakakagigil!" halata sa mukha nito ang inis. Lalo akong natatawa.
"Ayan, kagagahan mo kasi." Jaira put the blame on her. Natawa akong palihim dahil nagsisisihan ang dalawa.
"Oo nga naman, Kris." Nagulat si Krisanta nang pati si Wilmar ay ipinapasa ang lahat sa kanya. "Ngayon tuloy ay mapipilitan tayong humarap kay Mr. Stephen." Dismayado man ngunit mukhang hindi naman gano'n kaapektado si Wilmar. He seems cool with it.
Katulad na lamang nitong katabi kong si Resty. Hindi rin siya nakakaramdam ng kaba habang tinitingnan ko siya. Maski naman ako ay hindi rin kinakabahan na pumunta sa principal's office.
Sa totoo lang, mas okay nga iyon e. We will get to face the principal. By then, maaari ko pang tingnan ang magiging reaksyon niya sa mga tanong na gusto kong ipukol sa kanya. Hindi na ako makapaghintay.
"Let's go, guys." Nauna si Resty sa pintuan at sumunod naman kami.
Jaira looks so down dahil sa pag-aalala sa sasabihin ng principal. Si Krisanta naman, inis na inis pa rin ang itsura. Habang si Wilmar, cool lang at pinipilit na hindi magpaapekto. At ako, pinagmamasdan ko lang ang reaksyon nilang tatlo.
Nagtungo na nga kami sa building kung nasaan ang opisina ni Mr. Stephen. Ito ang pangalawang beses na magawi ako rito simula noong araw na i-enroll ako ng mga magulang ko sa East Robertson.
Nagtalo pa sina Jaira at Krisanta kung sino ang magbubukas ng pinto ng opisina ng principal ngunit nang hindi na makatiis, ako na lang ang gumawa.
Nagulat man sila, wala na ring nagawa ang mga ito kung 'di ayusin ang kanilang kilos habang nakatingin sa matandang lalakeng nakaupo sa kaniyang swivel chair.
"Come in," isang maotoridad na utos ang bumungad sa amin mula kay Mr. Stephen. Sa itsura niyang seryoso ay mukhang hindi siya natuwa sa nalaman. Sabay-sabay naman kaming pumasok sa loob.
Nang bigyan kami ng pahintulot, sabay-sabay rin kaming umupo sa harap ng kanyang lamesa. Magkatabi sina Jaira, Krisanta, at Wilmar. Habang kami naman ni Resty ay nasa harap nila.
Jaira and Krisanta looks so nervous ngunit ako, I chose to look at the principal without blinking an eye. Hindi naman ako kinakabahan.
"Marahil ay alam niyo na kung bakit ko kayo ipinatawag rito," ang panimula nang matanda habang nakatingin sa bawat isa sa amin. "Narinig ko mula kay Mr. Alcasid ang ginawa niyo sa kanyang pangha-harass." Nagulat ako sa medyo malalim na salitang binitawan niya.
"Pangha-harass po? We just asked him a few questions." Krisanta answered.
"Questions that you should've not asked him, Ms. Villanueva," sagot agad ng principal sa kanya. Napayuko si Krisanta. "Siya ang inyong presidente sa student council, nararapat lamang na bigyan niyo siya ng paggalang at nilapastangan niyo iyon. Worst thing was, you suspected him on commiting a crime. Hindi iyon tama!" mataas ang boses ng principal.
"I'm sorry, sir. Hindi na po mauulit." Paghingi ng paumanhin ni Wilmar. "Ginawa lang po namin iyon dahil sa kagustuhan naming makakuha ng sagot..." he added.
"Sagot saan?" ang tila nagtataka nitong tanong.
"Sa pagkawala ni Evan Policarpio," iyon ang naging hudyat ko upang magsalita. "We are investigating his disappearance, Mr. Principal." Buong lakas ng loob kong sabi sa matandang aking tinitingnan. Kumunod ang noo ko.
When I looked at Jaira, she looked pissed. Mukhang nainis siya na sinabi ko kay Mr. Stephen ang ginagawa naming pag-iimbestiga.
"And why are you investigating Mr. Policarpio's disappearance?" tanong pa nito. "Sinong nagbigay sa inyo ng pahintulot?" he asked. Sa tono ng kanyang pananalita ay parang hindi siya sang-ayon roon.
"Kami lang po..." Jaira said looking down.
Napailing sa amin si Mr. Stephen na tila dismayang-dismaya. "I will not allow this kind of activities inside the campus, nagkakaintindihan ba tayo?" isa-isa niya kaming tiningnan. "Matagal nang dismissed ang kaso ni Mr. Policarpio. Naglayas ito at sumama sa ibang tao. Pati ang mga magulang niya'y ito rin ang nakikitang dahilan sa pagkawala niya. Ngayon, sino tayo para magpatuloy sa pag-iimbestiga, kung ang mga magulang niya ay tuluyan nang sinukuan siya?" giit ni Mr. Stephen sa amin.
"Paano ho kayo nakasisiguro?" napatingin sa akin, hindi lang si Mr. Stephen, kung 'di ang mga kasama ko. "Paano ho kayo nakakasiguro na naglayas si Evan at sumama sa ibang tao?" ang tanong ko sa kanya na ikinataas ng kilay nito.
"Iyon ang sabi ng mga pulis, hijo." Agad nitong sagot ngunit umiling ako. "Iyon rin ang sabi ng mga nakakita." Lalo akong hindi nakumbinsi noon.
"Hindi naman ho pwedeng gamiting ebidensya lang na may mga nakakita sa kanya bago siya mawala. In fact, mas madaling paniwalaan ang sinasabi ninyo kung may mga CCTV footages kayong ipapakita na nagpapatunay na sumama nga siya sa isang tao." Ngumisi ako nang kaunti habang nakatingin sa principal. "Ngunit bakit nga ho kaya wala? Bakit walang CCTV cameras ang eskwelahang ito?" alam kong sa puntong iyon ay nagtutunog-nanghuhusga na ako ngunit hindi ko na iyon inisip. Ang gusto ko lang ay makuha at makita ang magiging sagot o reaksyon niya.
Kunot-noo akong sinagot ni Mr. Stephen. "Maliit ang eskwelahan na ito, Mr. Rotoni. Hindi rin kaya ng budget ng school ang magdagdag pa ng gastusin. Isa pa, ligtas ang lugar na ito kaya hindi na dapat pang maglagay ng mga ganoong bagay." Ang paliwanag nito na muntik ko nang ikatawa.
"Kung ligtas ho ang paaralang ito, bakit limang buwan ang nakalilipas, may isang estudyanteng nagpakamatay sa third floor ng boys' dormitory? At bakit kumakalat ang mga kwento na hindi naman daw talaga nagpakamatay ang estudyanteng iyon?" huminto ako. Matatalim na ang tingin sa akin ng mga kasama ko ngunit hindi ako nabahala. "Kung 'di pinatay..."
"Yuls..." Jaira is stopping me but I didn't listen to her.
Pinangliitan ako ng mata ng principal. "Hindi ka dapat naniniwala sa mga sabi-sabi o kwento-kwento lang ng iba, hijo." Ang sagot nito sa akin.
"Kaya ho hindi rin dapat kayo naniniwala sa mga sabi-sabi ng mga taong sinasabi niyong nakakita kay Evan na naglayas at sumama sa ibang tao noong araw na iyon." Ngumisi ako. Kitang-kita ang pagkagulat sa mukha ng matanda, pati na ng mga kasama ko.
Hindi agad ito nakapagsalita dahil sa narinig mula sa akin. Nanatili akong nakatingin sa kanya.
"Yulian, stop it." Krisanta said.
"Pasensya na, sir. Ganyan po talaga itong si Yulian." Tatawa-tawa si Wilmar na tumayo at nilapitan ako.
I can also feel Resty's hand holding my wrist. Pinapahinto ako nito sa anumang salitang sasabihin ko.
"Kung ano man ang mga ginagawa niyo patungkol kay Mr. Policarpio, gusto kong itigil niyo ito." Mariing sabi ni Mr. Stephen sa aming lahat. "Ayoko nang makarinig pa na may ginugulo kayong kahit na sino sa paaralang ito dahil sa mga kalokohang ginagawa niyo." Ang sabi pa nito. Kalokohan? Gusto kong matawa sa inis.
"Sorry po, sir." Paumanhin ni Jaira.
"Pasensya na po." ani Resty.
"Makakalabas na kayo ng opisina ko." Ang sabi ng principal kaya't tumayo na rin ako.
Bago makalabas ng pinto, lumingon ako. Hindi maipinta ang itsura ni Mr. Stephen habang tinitingnan ako pabalik. He's obviously annoyed. Halata sa kanyang mukha ang inis sa akin.
Ngumisi lang ako bago tumalikod at humabol na sa mga kasama ko palabas ng building ng kanyang opisina.
The principal is definitely hiding something.
Alam kong may kinalaman siya sa pagkawala ni Evan.
***