Y U L I A N
"Ito nalang 'yong available sa cafeteria," sabi ko habang naglalakad sa kinaroroonan ni Andres sabay abot sa kanya ng orange bottled juice. "Bukas pa raw kasi sila magre-restock ng mga inumin since weekend na." Dagdag ko at umupo sa tabi niya.
"This is fine," sabi niya habang hawak ang bote ng orange juice. "Thanks," he smiled. Ngumiti ako sa kanya.
Narito kami ngayon malapit sa field ng campus. Malapit rin ito sa gymnasium. Kapwa kaming nakaupo sa isang wooden bench habang pinaliligiran ng ilan pang mga bench na gawa sa kahoy at ng pinong damuhan.
There are pole of lights lining on the surrounding of the field. Nagbibigay iyon nang komportableng liwanag sa aming paligid ngayong gabi. Idagdag pa ang buwan na nagbibigay liwanag sa gabi dahil sa bilog nitong hugis. Stars are twinkling in the sky. Ang ganda nila tingnan. Ang sarap sa pakiramdam na umupo rito ngayong mga oras na ito. Idagdag pa ang katahimikan ng paligid.
"Kung ganito kapayapa palagi ang paligid, parang ang sarap lalo mabuhay sa mundo..." ang nausal ko habang nakatingin sa kalangitan. Then, I looked at Andres. He is looking at the stars, too. "Hindi ba?" I smiled at him and he looked at me.
"Yeah..." iyon ang una niyang sinabi. "Still, even if silence and peacefulness aren’t here always, we should choose to celebrate life." He added and I nodded. Tama naman siya.
Binuksan ko ang bote ng orange juice na hawak ko. Half-cold na iyon. I drank a bit from it and he did, too. Still, it refreshed my mouth.
Hindi rin gaanong malamig ngayong gabi. Normal lang. Sa totoo lang, mas malamig pa ang aircon sa loob ng dorm kaysa rito sa labas. Kung pwede nga lang na matulog na rito, eh. It would be so much fun for sure.
9:30 na pala ng gabi. Halos 30 minutes na rin ang lumabas mula noong lumabas kaming dalawa rito ni Andres sa field after dinner.
We stood infront of the dormitory building earlier and when we got bored, we moved here. Kanina pa kaming dalawa nagku-kwentuhan. About our classes, about our suspicions about the Principal, and about Evan.
I offered him to buy us some drink kaya heto kami ngayong dalawa.
"What are your plans?" I drank my juice before looking at him. Napakunot ang noo nito. "I mean, after high school. You are graduating, right?" I asked him.
Tumango naman ito sa akin before looking at the wide night sky. "I still don't know, to be honest." He forced a smile while looking up. "Photography is a hobby for me but I don't see it as my desired profession in life." Nagulat ako sa narinig mula sa kanya.
"So, what is it your desired profession, then?" I asked while looking at him. Nakatingin pa rin ito sa kalangitan matapos akong magtanong. He then, looked at me, and smiled.
"A writer."
What he said shocked me. Hindi ko aakalaing iyon ang sasabihin niyang gusto niyang trabaho. Bukod sa hindi halata sa kanyang personalidad na iyon ang pipiliin niya, ang buong akala ko ay kaugnay rin iyon ng mga bagay na may kinalaman sa photography.
"So, you are either going for a course related to language or communication?" I assumed. Ngumiti siya sa akin.
"Like what I have said, Yulian, hindi ko pa alam sa ngayon." He sighed. "But maybe, yes. Something like that." He smiled and I did, too.
A writer is a good profession. Hindi ka lang nagtatrabaho kung 'di ginagawa mo rin ang gusto mong gawin sa buhay. If Andres will pursue writing, and if it'll make him happy, then he's in the right place.
"Ikaw?" nagulat ako sa bigla nitong pagbabalik ng tanong sa akin. "What are your plans in the future?" napangisi ako dahil sa lakas ng dating ng tanong niya sa akin.
Hindi katulad ni Andres, alam ko na kung ano ang gusto kong kunin na kurso sa kolehiyo. Alam ko na rin ang gusto kong maging profession at kung ano ang mga plano ko sa buhay.
Kumbaga, parang planado na, aksyon nalang ang kulang upang magkatotoo at maging opisyal.
"After high school, plano kong kunin ang kursong related sa film-making." I answered him. "I was too young back then when I decided that it is the thing I want to do. I want to be a film maker." Nginitian ko si Andres matapos akong magsalita. He smiled, too.
"What kind of film?"
Napangiti ako habang nakatingin sa kanya. "Something interesting," I said. "Detective film or mystery-thriller ones. ‘Yon!" I proudly shared. Tumango-tango ito habang nakangiti.
"You'll make good movies someday, Yulian." Andres said with a serious tone of voice. "Malay mo, someday, makikita ko nalang na showing ang mga movies mo sa mga sinehan. Sana matandaan mo pa ako kapag nangyari iyon." I laughed as I shook my head.
"Oo naman!" I tapped his back. "Makalimutan ko na rito sa East Robertson lahat, huwag lang ikaw..." ang dagdag ko dahilan para matigilan siya sa pagngiti at unti-unting sumeryoso ang mukha. I did the same thing, too.
Did I sound too gay just now?
"Uhm..."
I was trying to think of words to undo the awkwardness between us.
"Ikaw rin..." napatingin ako sa kanya. Now, I can see his timid smile on his face.
"What?" I asked, referring to what he just said.
"Hindi rin kita makakalimutan kahit pa dumating 'yong araw na kailangan na nating tahakin ang mga sarili nating landas..." Andres said, but that made me feel sad a bit.
Hindi ko akalain na sa mga salita niyang iyon ay tatamaan ako, malulungkot ako. Darating rin naman nga ang araw na kailangan na naming maghiwalay ng landas. Sa totoo lang, ang lapit na no'n, eh. Few months from now, this will be over. Babalik na ako sa syudad para ipagpatuloy ang ika-apat na taon ko sa kolehiyo and he will pursue his studies for college in a different place. I doubt if we could ever meet again.
"What's with the face?" nahalata niya yata ang malungkot kong mukha. Pilit ko 'yong itinago.
"Wala..." I forced a smile and looked at him. "Wala pa nga tayong isang buwan na magkakilala. Almost 3 weeks pa lang ako rito sa East Robertson pero pakiramdam ko, mayroon na agad akong separation anxiety." Pineke ko ang aking pagtawa ngunit hindi niya iyon binili.
He tapped my back and then, he gently caressed my shoulder. He looked at me with a serious look. He slowly smiled.
"Matagal pa naman 'yon. We will still be friends for months and months, right?" pagsubok niyang pagpapagaan ng aking loob. Tinanguan ko siya nang marahan. "Diba nga, we'll solve Evan's disappearance together and then, I will introduce you to him? Para makilala mo siya." Napalunok ako nang maalala ko iyon.
Andres once said that he wants me to meet Evan, ang lalakeng gusto niya, para makilala ko ito nang personal.
Ngunit habang iniisip ko iyon ngayon, kapag nangyari ang bagay na iyon at dumating ang araw na mahanap namin si Evan, saan na ako lulugar?
Kapag natapos na ang lahat ng ito, mababawasan na ang mga oras na magkasama kaming dalawa ni Andres.
And if Evan really come back, he'll be with Andres. Gusto ni Andres si Evan at kahit na-torpe siya noong una, nasabi niya sa akin na magtatapat rin siya ng paghanga rito kapag nagkita silang muli.
If that happens, Andres, my only closest friend here at this school, and our bond together...will never be the same.
Alam kong mali na mag-isip ng gano'ng klaseng mga bagay pero sa tatlong linggo ko na kasing narito sa Easton, napalapit na ang loob ko sa kanya. To think that I have a crush on him, aminin ko man o hindi, noong unang araw na makita ko siya sa tapat ng clubroom nila.
"Right?" Andres asked me again.
Tumango na lamang ako at ngumiti. "That’s...that's right." I said.
Isinantabi ko muna ang damdamin ko at ang iniisip kong iyon. Besides, it's too early to be thinking those things. Nandito pa rin naman ako sa Easton, sa East Robertson, at kasama ko pa si Andres.
Instead, ang kailangan kong isipin ay si Evan at kung paano kami makakahanap ng mga bagay na magtuturo sa kung nasaan siya at maglalabas ng pruweba kung ano nga ba talaga ang nangyari sa kanya.
"Ang daya naman kasi ng eskwelahang ito, wala man lang CCTV cameras sa paligid. Mas madali sana ang mga trabaho natin kung mayroon," inis kong pahayag kay Andres.
"Even I, feel unsafe knowing that there are no camera's around." Ang sagot nito. "Maski naman ako ay nanghihinayang rin sa posible nating malaman kung mayroong footages sa loob at labas ng school, sa pagkawala ni Evan." I nodded. Malaki kasing tulong talaga ang footages ng camera para umusad ang imbestigasyon.
"Like the guy who committed suicide, 5 months ago." Bigla siyang nagsalitang muli at binuksan ang topic na iyon. "There are rumors that he didn't really commit suicide, sa 3rd floor. Ang sabi, may foul play daw talaga, sinadya ang pagkamatay niya. But how will the police will find out if there's no proof?" Andres shared.
Napaisip naman ako. Tama naman siya. Ngunit may isa lang akong ipinagtataka patungkol sa kaso ng lalakeng estudyante na nagsuicide.
"Kung tinulak man siya roon mula sa third floor, maski dis oras ng gabi, dapat ay may nakarinig ng sigaw niya. Hindi ba?" I asked Andres.
"He didn't make a noise when he jumped as if he's really sure that he wanted to end his life. Hindi katulad ng iba na kapag tumatalon, sumisigaw sa takot o kaunting ingay man lang mula sa bibig nito, kahit pa sabihin mong buo na ang loob mo." Andres said. "Ayon sa findings ng mga pulis, dineklara iyon na suicide."
Napakunot ang aking noo. "Pero ano sa palagay mo?" I asked him. "Suicide...or murder?"
Nag-isip ito saglit bago seryoso akong tiningnan. "Noong una, ayokong maniwala na posible iyon na maging murder. I believed that he was too depressed that time kaya posible nga niyang gawin ang bagay na iyon..." ang sagot nito. "But when I saw the principal that night, sa hallway ng second floor ng dorm natin, parang gusto kong paniwalaan na pinatay siya at hindi nagpakamatay." Naguluhan ako sa narinig mula sa kanya. Hindi ko iyon agad na naintindihan.
"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan kong tanong kay Andres. "Ano namang kinalaman ng principal sa estudyanteng iyon?" I asked him.
"May hindi ako sinabi sa 'yo noong araw na magtanong ka tungkol sa bagay na iyon, Yulian." He answered me. "Noong araw na namatay siya, pinaghihinalaan ng mga magulang niya ang principal bilang dahilan ng pagkamatay nito." Nagulat ako sa narinig mula kay Andres. Paano?
Napalunok ako habang patuloy siyang pinakikinggan.
"Madalas may makakita kay Shaun na pumupunta sa principal's office. May mga ilan pa nga na nakikitang sabay silang kumakain sa cafeteria. Malapit silang dalawa ng principal but Shaun never really looked like he was having fun with the old man." Naguguluhan pa rin ako sa kwento ni Andres.
"Bakit naman palaging magkasama ang dalawa? Related ba sila sa isa't isa?" I asked.
"Nope."
"Then, why?" tanong ko at napakamot na lamang sa aking ulo. "Kung palagi silang magkasama, at kung hindi sila magkaano-ano, ano sila? Magkaibigan?" pagko-conclude ko.
"I don't know." Andres said. "But there are also rumors that Shaun was being molested by the principal..."
"What?!" hindi ako makapaniwala sa aking narinig mula kay Andres. Tumango lamang ito habang seryoso ang tingin.
"But it was never proved kaya wala ring nagawa ang mga magulang ni Shaun nang isarado ang kaso ng pagkamatay nito as suicide..." napailing ako sa narinig.
Nalungkot ako sa nalaman ko patungkol sa estudyanteng iyon, but hearing the rumors about him and the principal, I can't help but to think that he's more capable of doing dirty acts now.
Ngayon ay mas lalong lumakas ang kutob ko na hindi siya mapagkakatiwalaan. That he is really hiding something.
First, it's about Evan's disappearance and now, it's Shaun's dead and I feel like the principal has something to do with both cases.
I'll keep an eye on him from now on.
***