Y U L I A N
Classes are finally done today.
Parang umiga sa buong kwarto at manatili roon sa loob ng ilang araw upang makapag pahinga malayo sa stress na dulot ng mga subjects sa klase.
Still, I had to go to the cafeteria para bumili ng mga kakainin ko for dinner. It sucks that I don't know how to cook a proper meal. Lalo ko tuloy namiss ang luto ni mom.
As soon as I got my order, which is a fried chicken meal, I walked outside the cafeteria. Madilim na sa labas dahil mag-a-alas sais na rin ng gabi. Dala ang paperbag kung saan nakalagay ang aking binili, nagsimula akong maglakad para tahakin ang daan patungo sa dorm.
Students are also walking towards the dormitory buildings. Hindi nga lang gano'n karami dahil kanina pang alas cinco natapos ang mga klase. Iilan lamang ang mga nagkalat na estudyante rito sa labas. Ang halos lahat kasi ay nasa loob na ng mga domitoryo nila dahil after class, bukod sa cafeteria ay wala naman na silang ibang pupuntahan pa. Hindi katulad sa syudad.
Habang naglalakad sa kahabaan ng daan patungo sa boys' dormitory, hindi ko alam kung bakit bigla na lamang akong natigilan. Pakiramdam ko kasi ay may taong sumusunod sa akin at sa paglalakad ko. At first, I ignored the weird feeling that someone's following me dahil marami namang estudyanteng nasa likod ko. But when the feeling strikes again, natigilan akong muli at agad na lumingon.
I saw no one.
Maliban sa mga estudyanteng patuloy sa paglalakad at nilagpasan lamang ako. No one looks suspicious. Marahil ay pakiramdam ko lamang iyon. I'm maybe imagining things now dahil sa pagod at sa pagkapraning.
Isinawalang-bahala ko na lamang iyon at muli akong nagpatuloy sa aking paglalakad hanggang makarating ako sa tapat ng dormitory building. The lights outside started to turn on as soon as I entered the dorm.
Nang dahil na rin sa gutom at pagod, nagmadali akong pumanhik sa second floor at pumasok sa loob ng kwarto ko.
I placed the paperbag on the table at ibinaba ang aking backpack sa tabi ng kama. I put off my shoes and started to unbutton my polo. Init na init na ako kaya nagdesisyon akong hubarin lahat ang aking suot na uniporme at magtungo sa banyo.
Right, I must take a bath first before eating dinner.
When I entered the bathroom, para naman akong binuhusan ng sama ng loob dahil sa pagkadismaya nang malaman na wala na akong stocks ng sabon sa katawan. Since I wasn't able to go home last weekend, hindi tuloy ako naka-request kay mom ng mga personal na kagamitan.
Now, I need to go outside again and ask the cafeteria kung mayroon silang binebentang sabon bukod sa pagkain. Last time kasi, I saw that they were selling school supplies and stuff. So, maybe they have it too.
Wala akong nagawa kung 'di suotin muli ang aking damit at pantalon bago lumabas ng kwarto. It's a big hassle for me, lalo na't pagod ka pang bababa at papanhik ng hagdan just to buy a body soap. Next time talaga, magpapabili na ako kay mom ng isang box para hindi na ako maubusan sa susunod.
Bumaba na ako mula sa second floor at nagmadaling tinahak muli ang daan patungo sa cafeteria. I can feel the tiredness of my body as I walk. Gusto ko nalang bumili agad ng sabon at makabalik na sa loob ng kwarto ko para maligo.
Thankfully, ‘pagdating ko sa cafeteria, they are selling soaps and personal care stuff too. Bumili agad ako ng sabon at pagkatapos no'n ay nagmadali na rin akong lumabas para bumalik sa dormitory.
Hindi pa ako nakakalayo mula sa cafeteria kung saan ako nanggaling, I heard footsteps following me. Hindi ko iyon pinansin noong una ngunit noong pumangalawa at pumangatlo, natigilan na ako at lumingon sa aking likuran.
Weird.
There is no one there.
Ilang segundo akong nakahinto habang nagmamasid sa paligid. Wala namang taong sumusunod sa akin. Ngunit ganitong-ganito iyong naramdaman ko kanina habang papunta ako sa dorm. It felt like someone was following me earlier.
I continued walking.
Nagmadali na ako sa aking paglalakad ngunit sa pagkakataong iyon, nakaramdam na naman ako na tila may sumusunod sa akin.
Hinintay ko ang pagkakataong makakalingon ako nang tama sa timing upang mahuli ko kung sino ang taong sumusunod sa akin. Hindi ako mapalagay.
I counted up to 5 hanggang sa unti-unting bumagal ang paglalakad ko at biglaan akong lumingon sa aking likuran.
There, I saw a guy.
Natigilan ito nang aktong mahuli ko siyang sumusunod sa akin. He looked shocked as much as I did. Napalunok ako nang ilang beses. Pareho kaming nakatingin ngayon sa isa't isa.
He's wearing the same uniform as I do. He looks skinny. Sa aking tantiya ay nasa lower year ito. Hindi ito nagsasalita at tila may takot sa kanyang mukha. This person looks sick.
"Why are you following me?" hindi ko na napigilang magtanong rito sa gitna ng kaba at pagkalito.
Lumunok ito, yumuko at hindi sinagot ang tanong ko. He shook his head and then, he ran away.
"Sandali!" I tried stopping him pero patuloy ito sa pagtakbo palayo. Hindi ko na ito hinabol pa.
What's up with that guy?
Kung doon siya didiretso sa dormitory building, hindi naman niya kailangang maging creepy para sundan ang bawat kilos ko at huminto sa bawat pagtigil ko.
I feel strange right now. Kinikilabutan ako na hindi ko maintindihan dahil sa mga tingin ng lalakeng iyon. I am sure that he was following me. Pero bakit? At kung bakit siya tumakbo, hindi ko rin alam. Hindi naman ako mukhang multo. Haggard, oo.
Kumunot ang noo ko bago muling humarap sa daan. Hindi ko nalang iyon ininda. Maybe, he is just some of those weird students here in East Robertson. Isa pa, kanina pa ako ligong-ligo at gutom na gutom.
Naglakad na ako hanggang makarating sa dormitory building at pumanhik na sa second floor.
Pawis na pawis ako at haggard na haggard dala ang sabong binili ko sa cafeteria. I was about to open my door, when Andres' door suddenly opened. Nagmadali akong buksan ang pinto ngunit huli na. He noticed me already.
It's been 2 days since we last talked at the cafeteria.
Kinahaban ako when he started to walked towards me wearing a timid smile.
Napalunok ako. What the heck? Bakit ngayon pang lapot na lapot ako sa pawis? Nakakahiya!
Pinilit ko na lamang ngumiti nang tingnan siya at makalapit ito habang pisil-pisil sa kamay ko ang binili kong sabon kanina. Halos madurog na ito sa aking panggigigil dahil sa hiya.
"Hi…" he greeted me, looking fresh as always.
"Hi…" hiya kong tugon rito habang hawak sa kabila kong kamay ang doorknob at sa kabila naman ay ang sabon.
"I am wondering if you want to…" tumingin ako rito at napansin kong tila nahihiya siyang ituloy ang kanyang sasabihin.
"What?" I asked. I forced a smile.
"To hang out again outside after dinner?" pagpapatuloy nito dahilan para mapangiti ako.
Simula noong gabing nilibre niya ako ng chocolate drink, inisip ko na kung kailan ulit mauuilit iyon. Isa pa, nahihiya akong yayain siya.
Tinanguan ko ito bilang pagsang-ayon.
"Sige…" I said. That made him smile. "Libre ko naman."
Now, we are both smiling at each other.